So, Ano pa ang Maiisipang Isyu ng DOTr sa Dalian Trains ng MRT?

So, Ano pa ang Maiisipang Isyu ng DOTr sa Dalian Trains ng MRT?

Naisulat ko na ang issue ng Dalian trains before. Tumatakbo naman talaga ang mga trains na ‘to.

Hindi naman pala Overweight ang mga Dalian Trains

Source: ABS-CBN News Twitter

Nag-testing sila ng dalawang Dalian Trains kahapon at napatunayang wala namang weight compatibility issues ang mga ‘to. Ipagpatuloy daw ang pagte-test sa iba pang Dalian Trains.

Expert: Hindi Overweight ang Dalian Trains para sa MRT Tracks

 

Sa Senate hearing noong February, sinabi ni Rolf Bieri, dating consultant ng Comm Builders and Technology Philippines Corporation, ang dating maintenance provider ng MRT, “We retain the limit required by the Department of Transportation (DOTr) for the axle load for the track. The axle load [of Dalian trains] is 9.4 tons but the track system is designed for 10 tons. So where is the problem for overload?

Matatandaang sinabi ng DOTr na ang mga Dalian Trains ay lumampas sa itinakdang total weight limit na nakasaad sa kontrata. Sabi ng DOTr, ang bawat train ay dapat may timbang na 46.5 tons, ngunit ang nai-deliver na trains ay may biga na 49.7 tons.

Paliwanag ni Bieri, ang bawat Dalian train, kung fully loaded, ay may bigat na 75.2 tons. Kung idi-divide ito sa 8 axles, ang load ng bawat axle ay 9.4 tons na mas mababa sa 10 tons limit.

Ayon naman kay Civil Engineer Rene Santiago, tama ang computation ni Bieri, pero may issues ang kasalukuyang kondisyon ng mga tracks.

Ayon kay Santiago, “He’s just using the criteria of the axle load that there is still leeway for it to handle the gross weight of the train. But is that enough factor of safety considering that your tracks are not yet completed or rehabilitated?”

Ganun din, sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan na aayusin ang track system ng MRT. Ang TUV Rheinland, isang German company, ang syang magsusuri sa mga Dalian Trains at inaasahang magpapalabas ito ng assessment noong Marso.

Ayon kay Batan, kung makapasa sa assessment ang mga Dalian Trains, pwede ng magamit ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Tugade: Wag Madaliin ang Paggamit ng Dalian Trains

 

Noong March 1, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade, “Let’s not rush what the audit will reveal. We haven’t seen the result of the audit. Until then, we will be able to come up with the next steps.”

Chinese Manufacturer ng 48 Dalian Trains Sinabing Safe Gamitin ang mga Ito

 

Noong March 15, humarap sa media ang Chairman ng CRRC Dalian Co. na si Min Xing, kasama ang General Manager of Overseas na si Li Depu, para sabihing kaya nilang patunayan sa pamamagitan ng karagdagang tests na ang kanilang mga trains ay safe para gamitin.

Ayon kay Min Xing, nagkaroon ng test run noong Pebrero, gamit ang 4 Dalian Trains sa MRT tracks na tumagal ng apat na oras. Dahil dito, napatunayang safe na gamitin ang mga Dalian trains.

Inirekomenda naman ng TUV Rheinland ang pagsasailalim sa weighing tests ang lahat ng trains para mapatunayang safe ito gamitin.

Sa bawat araw na nagdaraan na di nagagamit ang mga trains na yan, patuloy na naghihirap ang mga MRT passengers. Kung wala naman na problema, pwede bang ipagamit na?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *