Sluggish Economy Dahilan ng Mababang Inflation

sluggish economy

Ibinabandera ng gobyerno ang mababang inflation. Alam nyo bang dahil yan sa sluggish economy?

IBON: Mababa ang inflation dahil sa sluggish economy

Ayon sa IBON, isang research group, kahit na bumaba ang inflation, tumaas pa rin naman ang pang-araw araw na gastos ng mga Pilipino at masyadong mahal na ang mga bilihin para sa mas mamamayang mababa at di tumataas ang sahod. Ganun din, ipinapakita nito na bumabagal din ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.

RELATED: Philippine Economy Sinisira Lamang ni Duterte

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagtala ng 0.8% inflation rate noong October 2019 mula sa 0.9% na naitala noong Setyembre at 6.7% noong October 2018. Pero, tumaas naman ang inflation rate sa Metro Manila at naitala sa 1.3% mula sa 0.9% noong Setyembre.

Mas mababa ito sa 6.1% na naitala noong October 2018. Tumaas ang NCR inflation dahil sa pagtaas ng presyo ng mga sumusunod:

  • Alcoholic beverages at tobacco
  • Food and non-alcoholic beverages
  • Clothing at footwear

Ang mas mababang inflation ay mas mabuti sa mga mahihirap at mga Pilipinong mabababa ang kita pero matatandaang tumaas nang husto ang presyo noong isang taon kaya mas mahal pa rin ang bilihin ngayon kumpara noong isang taon.

Halimbawa, sa Metro Manila, ang halaga ng baboy, manok, isda, itlog at mga gulay sa huling linggo ng October 2019 ay mas mataas kesa noong October 2018. Halaga ng itinaas ng mga bilihin kumpara noong isang taon:

  • Baboy – 50 pesos
  • Manok – 30 pesos
  • Tilapia – 20 pesos
  • Sitaw – 20 pesos
  • Patatas at pechay – 15 pesos

Mas mababa  nang bahagya ang presyo ng bigas ngayon kumpara noong isang taon.

Ang problema kasi ay di naman tumataas ang kita ng mas maraming Pilipino kaya di pa rin nila nakakamit ang disenteng pamumuhay at kahit na mababa ang inflation rate ay mas konti pa rin ang nabibili ng pera nila kumpara noong isang taon.

Halimbawa, sa NCR, ang totoong halaga ng minimum wage (537 pesos) ay 453 pesos na lamang kumpara sa 459 pesos noong November 2018 kung isasaalang-alang ang inflation.

Patunay ng sluggish economy

Posible ring bumagal ang inflation rate dahil sa bumabagal din naman ang ekonomiya dahil sa pagbaba ng investments, infrastructure spending, at global economy. Sa ngayon, sa pamamahala ng rehimeng Duterte, bumaba ang gross domestic product (GDP):

  • 2016 – 6.9%
  • 2017 – 6.7%
  • 2018 – 6.2%

Noong pangalawang quarter ng 2019, naitala ang pinakamababang GDP na 5.5% sa loob ng 17 quarters.

Bumaba ang foreign direct investments (FDIs)

Bumagsak nang 39.8% ang FDIs mula sa US$6.8B noong January-July 2018 sa US$4.1B sa kaparehong period ngayong 2019. Samantala, bumagsak din ang infrastructure spending mula sa 45.9% noong January – September 2018 sa -4.3% sa kaparehong period ngayong taon.

Walang saysay ang mababang inflation rate kung nananatiling mahirap ang mga Pilipino dahil sa mataas na presyo at hindi tumataas na sahod. Kung patuloy na babalewalain ng rehimeng Duterte ang mga senyales ng pagbagal ng ekonomiya, saan pupulutin ang mga Pilipino?

Di rin naman maganda ang pababang inflation rate

May tatlong rason kung bakit di naman dapat ipagdiwang ang masyadong pagbaba ng inflation.

  • Di naman bumaba ang halaga ng mga bilihin
  • Sa pagbaba ng presyo ng bigas, lubhang naapektuhan ang ating mga magsasaka
  • Mas mabagal pa ang naitalang inflation sa target ng gobyerno

Kahit naman malaki na ang ibinaba ng inflation, ayaw din naman natin itong bumaba nang masyado.

Posibleng “base effect” lamang ang pagbaba ng inflation

Pwede rin kasing bumaba ang inflation dahil sa sinasabing base effect. Patuloy ang pagtaas nito noong isang taon. Matatandaang naging 6.7% pa nga ito noong September 2018 at 6.8% noong October 2018. Ngayon, dahil naging stable na ang mga presyo simula noon, talagang inaasahang bababa ang inflation rate.

sluggish economy

Source: Rappler

Pero, mapapansing kahit na bumaba na ang inflation rate at mas mababa pa sa 1%, patuloy pa rin naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Hindi naman nangangahulugan na bumaba ang inflation rate ay bumaba na rin ang presyo ng maraming bilihin. Mapapansing mas mataas pa rin ang general price level o ang consumer price index kahit na mababa na ang inflation rate.

Bumaba ang presyo ng bigas

Posibleng bumaba ang halaga ng pagkain at mga inuming di nakakalasing, pero kung pag-aaralan talaga ang datos, ang preyo ng bigas ang syang bumagsak ng 8.9% kumpara noong isang taon. Bumaba rin ang ilang pagkain gaya ng tinapay at cereals, gulay, asukal, at mais. Ngunit, maliit na porsyento lamang ang ambag ng mga ito sa tinatawag na food basket kaya maliit lamang ang kontribusyon ng mga ito sa overall inflation.

Mas malaki talaga kasi ang ambag ng presyo ng bigas sa computation ng inflation. 25% ng food basket ay ambag ng bigas sa inflation samantalang 38% naman ang food and non-alcoholic beverages. Kaya nga, inaasahan din ang pagbaba ng inflation dahil sa pagbaba ng mga presyo nito.

sluggish economy

Source: Rappler

Ang pagbaba ng halaga ng bigas ay dulot ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Act na sya namang lubos na nagpapahirap sa ating mga magsasaka na syang sinasabing pinakamahirap sa ating bansa.

Senyales ng sluggish economy

Ang 0.9% ay mas mababa pa sa target ng rehimeng Duterte na 2%-4%. Dapat iwasan ng gobyerno ang mataas na inflation rate gaya ng naranasan natin noong 2018 dahil nilusaw nito ang purchasing power ng mga Pilipino. Ibig sabihin, mas kumonti ang kanilang nabili sa kaparehong budget noong 2017.

Pero, kelangan din namang iwasan ng gobyerno ang masyadong mababang inflation rate. Kapag naging 0% ang inflation rate, ibig sabihin, hindi gumagalaw ang presyo ng mga bilihin. Posibleng ibig sabihin nyan ay hindi gumagastos ang mga Pilipino nang sobra. Binibili lamang nila kung ano lang talaga ang kanilang kailangan. Kapag ganito ang nangyari, mas babagal ang paglago ng ekonomiya. Hindi tataas ang sahod sa ganitong paraan.

Posibleng kelangan pa ng mas maraming datos para masabing ang 0.8% inflation rate ay nagbabadya nga ng mas malamyang ekonomiya. Ang core inflation ay nasa 2.7% na pasok pa rin naman sa target ng gobyerno pero  kung mas bumaba pa ito sa 2%, kailangan nang mangamba ang mga Pilipino.

Ang mga datos ay nagpapakita ng mabagal na paglago ng ekonomiya kahit na bumabagsak ang inflation rate. Nasa 5.5% lamang ang GDP growth sa nakaraang dalawang quarters. Nasa 7% ito noong nagsimula si Duterte sa panunungkulan. Ang patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas ay nangangahulugang nasa panganib ang sektor ng agrikultura. Noong nakaraang quarter, mas mababa pa ng 1% ang inilago nito.

Ano ang Goldilocks zone ng inflation?

Para sa rehimeng Duterte, ang Goldilocks zone ng inflation ay nasa 2%-4%. Kapag pumalo sa higit sa 4%, masyado na itong mataas. Kapag mas bumaba pa sa 2%, masyado na itong mababa. Ang inflation rate sa pagitan ng 2%-4% ay katamtaman lamang.

RELATED: Economic Forecasts sa Pilipinas Ibinaba

Mahirap din naman talagang tukuyin ang Goldilocks zone ng inflation. Maraming mga administrasyon ang nahihirapang matiyak ito. Ngunit, hindi rin naman dapat ipagdiwang ang mabilis na pagbaba ng inflation rate. Kailangang katamtaman lamang dahil magiging problema rin ng mga Pilipino ang sluggish economy.

Sources:

IBON Media. (2019, November 6). Inflation slowing due to a sluggish economy — IBON. Retrieved from IBON Foundation: Inflation slowing due to a sluggish economy — IBON

Punongbayan, J. (2019, October 8). [ANALYSIS] Why free-falling inflation is not all good. Retrieved from Rappler: Why free-falling inflation is not all good