Saan Kukuha ng Pondo para sa Mawawalan ng Hanapbuhay sa Boracay?

Saan Kukuha ng Pondo para sa Mawawalan ng Hanapbuhay sa Boracay?

Hindi pinag-isipang mabuti. Basta kung ano ang lumabas sa bibig ni Digong, un na un!

Isasarado ni Duterte ang Boracay

Sabi nya sa mga attendees ng Manila Times Business Forum sa Davao City, “I will close Boracay. Boracay is a cesspool.

Binigyan nya ng anim na buwan si DENR Secretary Roy Cimatu para ayusin ang problema sa Boracay. Ganun din, inaprubahan ni Duterte “in principle” ang pagkakaroon ng task force para isaayos ang Boracay.

Paano Nagdesisyon si Duterte sa Pagsasarado ng Boracay?

Nagkaroon ng ideya si Digong na isarado ang Boracay nung nag-present si Tourism Undersecretary Kat de Castro tungkol sa Boracay sa Cabinet meeting noong February 5. Kasama sa presentation ni de Castro ang mga interviews ng mga residente doon.

Bago pa man ang presentation ay may mga ginagawa ng hakbang sina Roy Cimatu at Wanda Teo para pag-aralan ang problema sa Boracay. Doon sa meeting na un, inaprubahan ni Duterte “in principle” ang pagkakaroon ng task force Boracay. Doon din sa cabinet meeting na un, sinabi ni Duterte na may six months si Cimatu para magkaroon ng rekomendasyon para sa posibleng solusyon sa mga problema sa isla.

Wala pang pinag-usapan sa cabinet meeting na isasarado ang Boracay. Ang pinakagrabeng suggestion noon ay isarado ang mga negosyong hindi tumutupad sa mga environmental regulations. Kaya, nagulat na lang ang mga Cabinet members nung na-broadcast ni Digong na isasarado nya ang Boracay. Idea lang talaga ni Duterte ang pagsasarado ng isla.

Ano Ngayon ang Mangyayari sa mga Empleyado ng Magsasaradong Negosyo sa Boracay?

Sabi ni DOLE Secreatary Silvestre Bello III, hindi pwedeng mag-lay off ang mga employers sa Boracay kung ang idadahilan lang ay ang pagsasarado ng isla for 6 months.

Kailangan daw ay may makatarungang dahilan para magbawas ng empleyado. Ganun din, kelangan daw na makatanggap ng separation pay ang mga mawawalan ng hanapbuhay.

Ayon kay Bello, “Sinabi ko na walang tanggalan at kung may tanggalan dapat may separation pay at saka may dahilan.”

Dagdag pa nya, “Kailangan may valid reason. ‘Yan namang closure ay temporary naman eh.”

Ayon din kay Bello, sinisigurado ng gobyerno na mabibigyan ng trabaho ang mga maaapektuhan ng 6 months na pagsasara ng Boracay. Magkakaroon daw ng dalawang operation centers ang DSWD para magbigay ng tulong pinansyal at iba pang serbisyo.

Kung May Ayuda Galing sa Gobyerno, Saan Kukunin ang Pondo?

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang ipinangakong 2B pesos ni Duterte sa pagsasara ng Boracay ay kukunin sa Calamity Fund. Para sa 2018, ang budget ng Calamity fund ay 19.6B pesos, ngunit ang 10B pesos ay nakalaan para sa pagsasaayos ng Marawi City.

Kung sa calamity fund pa kukunin ang 2B pesos, 7.6B pesos na lamang ang matitira para gastusin sa mga kalamidad at trahedyang mararanasan ng mga Pilipino ngayong taon.

Ngunit, ayon sa ilang mga senador, hindi raw sapat ang calamity fund para mapagaan ang epekto ng pagsasarado ng Boracay for 6 months.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, “The calamity fund will not be enough to address all the problems that our workers and their families will face because of the Boracay shutdown. We need to allocate [additional] funds for this.”

Ayon sa DOLE, limitado lamang ang pondo nila. Hindi nila mabibigyan ng trabaho ang lahat ng maaapektuhan ng pagsasarado ng Boracay. 5,000 lamang daw ang makakaya nilang mabigyan ng trabaho.

Nagpadaskol daskol na naman si Digong sa pagdedesisyon. Marami na namang apektado tiyak. Kelan ba aayos magdesisyon yan ha?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *