Sa Usapin ng Illegal Chinese Workers, Kanino Pumanig si Duterte?

Sa Usapin ng Illegal Chinese Workers, Kanino Pumanig si Duterte?

Kapag ilegal ang pagpasok sa bansa, dapat ipa-deport!

Malamya ang Stand ni Duterte Hinggil sa mga Illegal Chinese Workers

Naniniwala si Duterte na dapat ipa-deport ang mga illegal Chinese workers sa bansa PERO dapat daw maging maingat ang gobyerno tungkol dito dahil sa posibleng ipa-deport din ang mga OFWs sa China.

Maraming mga ilegal na OFWs sa China, Korea, Indonesia, at Malaysia.

Pauwiin na lamang daw ang mga illegal Chinese workers dahil kung ipapa-deport, posibleng ipa-deport din ang mga illegal OFWs doon.

Mga Illegal OFWs sa China Posibleng Arestuhin

Earlier this month, lumabas ang balitang posibleng arestuhin ang mga illegal OFWs sa China.

Ayon sa Blas Ople Center, posibleng arestuhin ang mga OFWs na nagtatangkang pumasok sa China nang ilegal.

Ayon kay Center head Susan Ople, marami na silang natatanggap na paghingi ng tulong mula sa mga OFWs na nagpupunta ng China illegally.

Ayon kay Ople, marami sa kanila ang iniiwan na lamang ng mga recruiters doon kapag nakapasok na. Ang ilan ay naaresto dahil sa paglabag ng immigration laws. Ang iba naman ay napipilitang magtrabaho doon nang walang kontrata.

Nakikipag-ugnayan na ang center sa DFA at sa Inter-Agency Council Against Trafficking para pabalikin ang mga illegal OFWs mula China.

Ayon kay Ople,50,000 pesos ang offer ng mga illegal recruiters para magtrabahong kasambahay sa China.

Ang anumang nagastos ng recruiter ay babawasin sa kanilang sahod sa loob ng anim na buwan. Ngunit, pagdating sa China, tsaka pa lamang maghahanap ang mga recruiters ng mapapasukan ng mga OFWs.

Ganun din, ayon sa POEA, wala namang lehitimong job orders at work visa sa China para sa mga kasambahay.

May crackdown ng illegal workers kahit saang bansa. Dito sa Pilipinas, sigurado ang mga trabaho ng mga illegal Chinese workers. Samantala, sa China, walang kasiguraduhan.

Ano yan, quits quits na lang?

May ilegal na OFWs sa China. Meron namang illegal Chinese workers dito. Be gentle sa mga illegal Chinese workers dito ha? Yan kasi ang gusto ni Duterte.

 

 

Source:

Esguerra, D. (2018, November 28). Duterte: PH should deport illegal Chinese workers, but….

Retrieved from Inquirer: https://newsinfo.inquirer.net/1057809/duterte-ph-should-deport-illegal-chinese-workers-but

Jaymalin, M. (2018, November 11). Illegal OFWs face arrest in China.

Retrieved from The Philippine Star: https://www.philstar.com/nation/2018/11/11/1867522/illegal-ofws-face-arrest-china