Rice Tariff: Ginawang Katawa-Tawa ang Kongreso

rice tariff

Bigo ang rice tariff, ayon kay Albay Representative Joey Salceda.

I-tokhang ang mga nagsasamantala sa rice tariff

Bigong mabenepisyuhan ng rice tariffication law o RA 11203 ang mga magsasaka. Ginamit ang batas ng mga traders para magkamal ng kayamanan.

RELATED: Rice Crisis: Nauunawaan ba Talaga ng Gobyerno?

Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, nagkaroon ng di intensyong kinahinatnan ang pagpasa ng batas. Mas nabiyayaan ang mga rice traders.

Napirmahan ang nasabing batas noong Pebrero at ibinandera ng rehimeng Duterte na ito ang solusyon sa lumalalang kakulangan ng bigas sa bansa.

Ngunit, ilang buwan matapos ang pagpasa nito ay bumagsak nang todo ang halaga ng palay na syang ikinagalit ng mga magsasaka.

Habulin ang mga rice trader

Humiling si Salceda na i-tokhang ang mga rice trader. Bisitahin ang mga imbakan nila ng bigas at suriin ang mga datos ng pag-angkat nila nito.

Nagsumite ng limang pahinang “aide-memoire” si Salceda kina Duterte at Cayetano na naglalaman ng mga suhestyon nya ng mga posibleng hakbang na gawin ng gobyerno para mapamahalaan ang problema.

Hiniling din ni Salceda sa Department of Justice (DOJ) at Philippine Competition Commission (PCC) na imbestigahan ang posibleng pagsabotahe sa ekonomiya. Ganun din, hinimok nya ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agriculture (DA) na paigtingin ang pagsubaybay sa anumang pagmamanipula ng presyo.

Kailangang maging matatag ang gobyerno para ipatupad ang mga hakbang para labanan ang mga rice cartel.

Kailangang payagan ang National Food Authority (NFA) na umutang para magtriple ang pagbili nila ng stock ng bigas mula 7.5B sa 22.5B piso.

Di naman pabor si Salceda na amyendahan o pawalang bisa ang batas dahil maganda ito.

Inaabuso ng mga rice trader ang kakulangan ng mga magsasaka sa storage, milling, drying, at transport facilities para makapagbenta sila direkta sa mga mamimili.

RELATED: Rice Tariff: Napakong Pagbaba ng Halaga ng Bigas

Ginawa lamang ng ilang rice traders na katawa-tawa ang mga mambabatas dahil mas nakakapandaya pa sila ngayon.

May political will si Duterte, sabi ng mga supporters. Pwes, gamitin nya ito para habulin ang mga nagsasamantalang rice traders. Kaya kaya nya? Abangan. Susunod.

 

Source:

Gascon, M. (2019, September 12). Rice tariff law failed, lawmaker laments. Retrieved from Inquirer: Rice tariff law failed, lawmaker laments