Rice Crisis: Nauunawaan ba Talaga ng Gobyerno?

rice crisis

Noong isang taon, may rice crisis na tayo. Pati ba naman ngayong taon, meron din?!

Pinapatunayan ng datos ang rice crisis

Nasa 17.62 piso ang average farm gate price ng palay sa buong Pilipinas sa kalahatian ng Agosto. Pero, ito ay 21% na mas mababa kumpara noong isang taon.

RELATED: Ano ang Rice Tariffication na Ipapatupad ng Rehimeng Duterte?

Ang presyo naman ng regular milled rice ay bumaba ng 10% at ang well-milled rice naman ay 7%. Iba iba ang presyo sa mga rehiyon.

Halimbawa, sa Pampanga ay nasa 9 piso kada kilo ang farm gate price ng palay samantalang nasa 7 piso kada kilo naman sa Nueva Ecija at Bataan. Natatakot na ang mga magsasaka na mas bababa pa ang presyo pagdating ng susunod na anihan.

falling rice price

Source: Rappler

Bakit bumabagsak ang presyo ng palay?

  • Galing tayo sa sobrang taas na halaga ng bigas

Noong isang taon, ang farm gate price ng palay ay tumaas nang 19% dahil sa naubos na ang imbak na subsidized rice ng NFA na syang nakapagpataas ng demand at presyo ng commercial rice.

  • Naantala ang anihan noong isang taon kaya bumagsak ang presyo ng palay kahit na bago pa magsimula ang 2019
  • Ipinatupad ang Rice Tariffication Act na syang nagpabaha ng murang bigas mula sa ibang bansa

Ito ang nagpababa ng halaga ng bigas na nabenepisyuhan ang mga pinakamahirap na pamilyang Pilipino na gumugugol ng 20% ng kanilang budget sa bigas samantalang 5% lamang ng budget ng mayayamang Pilipino ang nagagastos dito.

Ang nasabing batas din ang sinasabing makakapagpababa ng inflation. Ngunit kahit na bumagsak ang presyo ng bigas sa Davao, Soccsksargen, at CARAGA regions, hindi pa rin ito bumababa sa halagang 27 piso na sinabi ng mga economic managers ng rehimeng Duterte nong kinukumbinsi nila ang publiko sa kabutihang dulot ng rice tariffication.

rice deflation per region

Source: Rappler

Ngunit kahit na naging benepisyo sa mga kumokonsumo ng bigas ang nasabing batas, masyado namang naghirap ang mga magsasaka.

Binigyang katwiran naman ng mga economic managers ang rice tariffication sa pagsasabing maging mga magsasaka naman ay nabiyayaan din ng murang halaga ng bigas.

Ibig nilang sabihin, mas kumokonsumo ng bigas ang mga magsasaka kesa sa kanilang inaani kaya nabenepisyuhan din sila ng rice tariffication.

Pero kung masyadong mabilis ang pagbagsak ng halaga ng farm gate price ng palay kumpara sa retail price ng bigas sa mga pamilihan, hindi naman na pwede sabihing mas pabor ang nasabing batas sa mga magsasaka.

Ang sinumang umaasa sa pagtatanim ng palay ay sobrang nahihirapan sa pagsasabatas ng rice tariffication law.

Kahit naman wala pa ang batas na ito, naghihirap na ang ating mga magsasaka.

Di tamang pang-unawa sa krisis sa bigas

Panandalian lamang ang maiisip na solusyon kung di naman talaga naunawaan ang nangyayaring krisis sa bigas.

Dalawang bagay ang di naunawaan sa pagkakataong ito:

  • Ang lawak ng pinsala sa mga magsasaka ng palay
  • Maling pagtiyak ng tunay na problema

Sobrang paghihirap na ang dinaranas ng ating mga magsasaka. Sa nakaraang Senate hearing, sinabing nasa 17 piso kada kilo ang farm gate price ng palay at may limang pisong tubo na ang mga magsasaka rito kung ang kanilang production cost ay 12 piso.

Kung apat na tonelada ang ani sa bawat ektarya, ang kita ng isang magsasaka ay 20,000 piso. Mabilis ang konklusyon na hindi naghihirap ang mga nagtatanim ng palay. Mali ito.

Ang palay ng ating mga magsasaka ay basa. Kung ito’y kanilang ibebenta, babawasan nila ang presyo ng 3 piso dahil hindi naman tuyo ang ani nila. Kaya, 14 piso kada kilo lamang ang matatanggap nila.

Ayon na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA):

Farm Gate Price of Dry Palay per Kilo

2019

2018Difference

August

Week 2

17.62

22.28

4.66

Net income

10,48029,120

8,640

Noong isang taon, tatlong beses na mas malaki ang kita ng isang magsasaka kumpara ngayong taon. Kung umaani lamang ng isang beses isang taon, ang kita nya ay nasa 2,427 piso kada buwan lamang. Masyadong mababa at di makakabuhay nang marangal ng isang pamilya.

Hindi naiitindihan ng gobyerno ang pagdurusa ng ating mga nagtatanim ng palay kaya di sila kumikilos nang maagap para tulungan sila.

Tatlong ahensya ng gobyerno ang pwedeng magsama-sama para magbigay ng tamang impormasyon sa World Trade Organization (WTO) para agarang maresolba ang problema ngunit naantala ang pagbibigay ng sulat ng limang buwan at 15 araw. Isang ahensya ng gobyerno ay di sumusunod sa limang araw na palugit na nakasaad sa RA 8800. Huli na ito ng 17 araw.

Hindi nga mahanap ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) ang apat na official submissions sa departmento hinggil sa kritikal na isyu na ito.

Di rin lubos na naintindihan ang isyu ng rice tariffication. Marami ang humihiling na bumalik na lamang sa dating sistema ng quantitative restrictions (QR) pero di ito ang tamang solusyon.

Ang problema ay ang tariff o buwis na 35% na ipinapataw sa bawat inangkat na bigas.

Ayon kay Cynthia Villar ang 35% na buwis sa imported rice ay isang kompromiso ng Pilipinas sa WTO at kailangan nya itong ipatupad.

May mga batas naman para maging legal ang pagtatas ng mababang tariff level.

Mga pwedeng gawin para masolusyunan ang rice crisis

  • Ipatupad ang agriculture special safeguard measure (SSG)

May kapangyarihan ang DA Secretary na awtomatikong magtaas ng tariff hanggang 47% sa loob ng limang araw kapag naabot na ang pinakamataas na bilang ng bigas na pumasok sa bansa. Hindi pa ito nagagawa kahit na noong August 13 pa naisumite ang request. Hindi naman nabibigyan ng kaukulang suporta ng mga kawani ng DA ang bagong secretary nito.

  • Pagtataas ng higit sa 47% ng rice tariff

Hindi ito awtomatiko at kailangan ng karagdagang patunay, ngunit madali lamang itong makuha ng DA kung gugustuhin nito. Kailangang ipakita ng ahensya ng pamahalaan na napipinsala na ang sarili nating industriya ng bigas dahil sa pagtaas ng bilang ng mga inaangkat.

Noong isang linggo, maging ang National Economic and Development Authority (NEDA) ay pumapayag na itaas ang rice tariff hanggang 198% na pwedeng isumite sa WTO para ipatupad sa labas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Mas mataas ang porsyentong ito sa nakaraang pag-aaral na 70% ang tamang buwis na katumbas ng lokal na bigas. Anumang porsyento ang gamitin, mas mataas pa rin ito sa umiiral na 35% buwis.

Bakit kailangan ang mataas na rice tariff?

Kapag 35% ang rice tariff, nasa 24 piso kada kilo ang landed cost ng imported rice, kasama na ang arrastre at storage. Kung magdadagdag ng 6 piso para sa transportasyon at tubo, ang isang retailer ng bigas ay pwedeng magbenta sa 30 piso kada kilo.

Kung ang farm gate price ay higit sa 12 piso, mas mura pa ang imported rice sa local rice. Kung ang production cost ng isang magsasaka ay higit sa 12 piso pero ibebenta nya ang ani nya ng 12 piso kada kilo, lugi na sya at di na sya magtatanim muli.

Mga iba pang pwedeng gawin para masolusyunan ang rice crisis

  • Ipatupad na ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)

Ang 10B pisong RCEF ay nakalakip sa Rice Tariffication Act. Kukunin ito mula sa kita sa rice tariff at gugugulin ito para sa makinarya, binhi, at walang interes na pautang sa mga magsasaka.

Ngunit, sa nakaraang Senate hearing, nalaman ni Cynthia Villar na hindi pa ito ipinapamigay.

May ilang eksperto rin ang nagdududa sa paggastos sa mga binhi at makinarya para paunlarin ang ani ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pautang at insurance. Ayon kay Dr. Ramon Clarete ng UP School of Economics, mas mabuti pa ang conditional cash transfers.

Ganun din, ang mga dating pondong pang-agrikultura ay napunta lamang sa mga korap na opisyal ng gobyerno. Halimbawa na lamang ang 728M pisong fertilizer fund scam.

Anong kasiguraduhan na di mabibiktima ng korapsyon ang RCEF?

  • Suportahan ang mga magsasaka

Bumili ang mga ahensya ng gobyerno ng bigas sa mga lokal na magsasaka. Andyan pa naman ang National Food Authority (NFA) na syang magsisiguradong may sapat na imbak ng bigas.

Mas gusto naman ng ibang eksperto na gamitin ang RCEF para mapabuti ang competitiveness ng mga magsasaka kesa bigyan sila ng pera.

May ilang magsasakang humihiling na magkaroon ng floor price o minimum price para sa palay na bibilhin sa kanila. Iminumungkahi nila ang 10 – 12 piso kada kilo para lamang matumbasan ang kanilang production costs.

Kapag nagkaroon ng minimum price, magkakaroon naman ng sobrang produksyon ng bigas dahil nagkakaroon ng artipisyal na pagtaas ng presyo para mag-produce ng mas maraming bigas kesa sa kayang bilhin ng publiko.

Ngunit, pwede namang ibenta ng mga magsasaka ang mga sobrang ani sa black market na mas mababa kesa sa itinakdang minimum price.

Ganun din, posible ang floor price kung sisiguraduhin ng gobyerno na bibilhin nila ang sobrang bigas para lamang mapanatili ang minimum price.

Di sapat ang mabuting intensyon

Kailangang suportahan ng lahat ang mga magsasaka na sobrang nahihirapan dahil sa rice tariffication.

Di naman natin kailangang sisihin ang lahat ng nangyayari sa nasabing batas dahil bumaba rin naman ang halaga ng bigas sa mga pamilihan. Dahil sa mababang presyo, mababawasan ang mga taong nagugutom at naghihirap.

RELATED: Asahan ang Kaguluhan kapag Ipinatupad and Rice Tariffication

Kailangang pag-isipang mabuti ng mga politiko ang kanilang mga gagawing hakbang para masolusyunan ang rice crisis. Walang silbi ang mabuting intensyon kung di naman pinag-isipang mabuti dahil mas makakasama pa ito.

 

Sources:

Ordoñez, E. M. (2019, September 6). Misunderstanding the rice crisis. Retrieved from Inquirer: Misunderstanding the rice crisis

Punongbayan, J. (2019, September 5). [ANALYSIS] Plummeting rice prices: How will our rice farmers cope? Retrieved from Rappler: [ANALYSIS] Plummeting rice prices: How will our rice farmers cope?