Record-Breaker Ang US$41.44B 2018 Trade Deficit ng Rehimeng Duterte

Record-Breaker Ang US$41.44B 2018 Trade Deficit ng Rehimeng Duterte

Thanks but no thanks.

Rehimeng Duterte Nagtala ng US$41.44B Trade Deficit

Record breaker na naman si Tatay Digong! US$41.44B ang naitalang trade deficit ng Pilipinas noong 2018.

Noong 2016, US$26.702B lamang ang trade deficit. Noong 2017, nagtala naman ang Pilipinas ng US$27.38B.

13.4% ang naitalang pag-angat ng imports sa US$108.928B. US$96.093B lamang ito noong 2017.

Dahil sa mas malaki ang trade deficit, mas lumobo din ang current account deficit na syang nagpababa ng halaga ng piso dahil mas maraming dolyar ang ginastos para sa imports.

Noong isang taon, bumaba na ang halaga ng piso sa pinakamababa nitong antas sa loob ng 12 taon.

Noong Disyembre, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na posibleng pumalo ang current account deficit sa US$6.4B sa 2018. Ito ay higit sa doble sa naitalang current account deficit na US$3.1B noong 2017.

Inaasahang papalo sa US$8.4B ang current account deficit ngayong 2019.

Masyado kasing ambisyoso ang “Build, Build, Build” ng rehimeng Duterte na syang nagpalaki ng imports ng Pilipinas.

Hindi napamahalaang mabuti ng rehimeng Duterte ang ekonomiya ng Pilipinas. Yan lang naman ang maliwanag dyan.

 

 

Source:

De Vera, B. O. (2019, February 12). PH posted record trade deficit of $41.44 billion in 2018.

Retrieved from Inquirer: https://business.inquirer.net/264922/ph-posted-record-trade-deficit-of-41-44-billion-in-2018

Leave a Reply

Your email address will not be published.