Real Estate Bubble? 2T of Outstanding Loans for 2017

Real Estate Bubble? 2T of Outstanding Loans for 2017

Dumarami ang pautang ng mga bangko sa real estate sector. Dapat ka bang mabahala?

1.71T Pesos Outstanding Real Estate Loans from January to September 2017

Ayon sa report, tumaas sa 1.71T ang salaping naipautang ng mga bangko sa real estate para sa unang siyam na buwan ng 2017. Ngunit, ang exposure ng mga bangko sa real estate kumpara sa total loan portfolio nito ay bumaba nang bahagya para maging 19.28%.

Para maiwasan ang real estate bubble, hinigpitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagbabantay sa mga bangko lalong lalo na sa pagpapautang sa real estate. Pinatibay ng BSP ang reporting ng mga bangko para mas mapalakas ang pagbabantay sa pagpapautang ng mga ito.

Bukod sa reporting on socialized and low-cost housing, pinaigting na rin ng BSP ang reporting ng mid-and high-end real estate segments. Ang mga bangko ay kailangang mag-report na ng mga commercial real estate loans gaya ng commercial-built residential units, shopping malls, office buildings, manufacturing facilities and plants, at factories.

Nililimitahan ng BSP ang exposure ng mga bangko sa real estate. Kailangang ang mga pagpapautang na ito ay hindi lalampas sa 20% ng kanilang total loan portfolio.

2.07T Outstanding Real Estate Loans for 2017

Kumpara noong 2016, tumaas ng 14.7% ang exposures ng mga bangko sa real estate noong 2017. Ito ay umabot sa 2.07T pesos.

Ayon sa BSP, ang paglaki ng commercial real estate loans para sa mga property developers ay hindi dapat ikabahala sapagkat aktibo rin namang umuutang ang mga homebuyers. Ibig sabihin, kahit malaki ang supply ng real estate, malaki rin naman ang demand dahil nga sa marami ring homebuyers ang umuutang sa bangko.

Ano ang Real Estate Bubble?

Nagkakaroon ng real estate bubble kung tumataas ang presyo nito dahil sa mas mataas na demand at spekulasyon. Kadalasan, nagkakaroon ng mas mataas na demand dahil sa kokonti lamang ang supply. Pagkatapos, nakikisawsaw ang mga speculators para magkaroon ng mas malaking demand. Dumarating ang punto na kumokonti na ung demand ngunit dahil sa maraming supply, nagkakaroon ng pagbagsak ng presyo at dahil dito sinasabing pumutok o nag-burst na ung bubble.

Babala ng mga Eksperto sa Real Estate Bubble sa Pilipinas

Dahil sa mabilis na paglago ng pagpapautang sa real estate, nagbabala ang Capital Economics ng London noong June 2017 na kontrolin ang real estate loans dahil nagpapakita na ito ng senyales ng overheating.

Ayon kay Alex Holmes, ekonomista ng Capital Economics, wala pang dahilan para mag-panic. Ang kailangan lamang aya ang masusing pagbabantay sa paglaki ng utang na posibleng magbunsod ng financial crisis. Meron daw mga sensyales na mas mabagal ang pagpapautang sa mga homebuyers kesa sa mga property developers. Nagpapakita raw na bumagal ang paglago ng private consumption.

Wala pang Real Estate Bubble sa Pilipinas

Kinakatukan ng mga nasa property sector ang salitang bubble. Ngunit, may dalawang rason daw para wag mag-aalala ang mga Pilipino: Una, patuloy ang paglago ng business process outsourcing. Pangalawa, mabilis ang paglago ng industriya ng online gaming.

Ayon kay Megaworld Senior Vice President for Business Development and Leasing Jericho Go, para sa taong 2018, inaasahan ang paglago ng leasing sa office space para sa operations ng Philippine Offshore gaming at ng mga BPOs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *