Ramdam Na Ng Ekonomiya Ang Pagkaantala sa Pag-apruba ng Budget

Ramdam Na Ng Ekonomiya Ang Pagkaantala sa Pag-apruba ng Budget

Sobrang gahaman ng mga namumuno sa gobyerno ngayon.

Apektado na ang Fiscal Data Dahil sa Budget Delay

Sa loob ng siyam na buwan, unang nagtala ng fiscal surplus ang rehimeng Duterte noong Enero. Ayon na rin ito sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury. Hindi pa kasi naisasabatas ang 3.757T pesos na budget para sa 2019.

44.5B pesos ang di nagastos noong Enero. Ito ay apat na beses na mas mas malaki kesa sa 10.2B pesos na naitalang surplus noong Enero 2018. Ito rin ang kauna-unahang surplus simula noong April 2018.

256.7B pesos ang nakolekta ng gobyerno noong Enero at mas higit ito ng 77% sa 238.9B pesos na nakolekta noong Enero 2018.

Source: Business World

Ayon sa BTr, lumaki ang koleksyon ng BIR dahil na rin sa pagtaas ng excise tax ng ibang produkto dahil na rin sa TRAIN law na syang nagpataw ng karagdagang 2 pesos kada litro ng petrolyo ngayong taon.

Dahil sa hindi naipatupad sa tamang panahon ang 2019 budget, ginagamit ng rehimeng Duterte ang budget noong isang taon kaya walang pondo para sa mga bagong proyekto.

Bumagsak nang 7% ang paggastos ng gobyerno at naitala ito sa 212.2B pesos mula sa 228.7B pesos.

Dahil sa bumagal ang paggastos ng gobyerno, naantala ang pagpapasimula ng mga bagong proyekto at maging ang pagbabayad sa mga pagtaas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno.

Nagrekomenda na ang Department of Budget and Management sa Office of the President na amyendahan ang EO 201 na syang nagpapatupad ng fourth tranche ng salary adjustments ng mga government employees para payagan ang paggamit ng anumang pondo sa reenacted budget para pondohan ang salary increase.

Matatandaang binago ng Development Budget Coordination Committee ang target GDP o gross domestic product para sa 2019. Mula sa orihinal na 7%-8%, itinakda na lamang ang GDP target sa 6%-7% dahil sa reenacted buget ang ginagamit ng gobyerno.

Ayon naman sa NEDA, kapag di pa rin naipatupad ang 2019 budget hanggang Agosto, magiging 4.2% – 4.9% na lamang ang inaasahan nitong paglago ng bansa.

Lumago naman ang pagbabayad ng interes sa mga pautang ng 6% mula 43.5B pesos hanggang 45.9B pesos.

Mas malaki ang inaasahan ng rehimeng Duterte na budget deficit para sa 2019. Itinakda nila ito sa 3.2% ng GDP o 624.4B pesos mula sa 558.3B deficit na naitala noong 2018 dahil sa puspusan ang pagpapatupad ng mga proyekto sa imprastraktura.

Naantala ang 2019 budget dahil sa kanya kanya silang singit. May singit na ang DBM. May singit pa ang House of Representative. May singit din ang Senado.

Sobrang kakapal naman ng pagmumukha na isinisingit sa budget ang pondo na wala namang seryosong pag-aaral. Ung budget na ipinasa ng mga departamento, may pag-aaral at plano un. Eh ung mga singit sa budget ng mga politiko, meron ba?

 

 

Source:

Vidal, K. N. (2019, March 19). Fiscal data bear imprint of budget delay.

Retrieved from Business World: https://www.bworldonline.com/fiscal-data-bear-imprint-of-budget-delay/

One thought on “Ramdam Na Ng Ekonomiya Ang Pagkaantala sa Pag-apruba ng Budget”

Comments are closed.