Pumalo na sa 4.3% ang Inflation Rate Noong Marso

Aminin na kaya ng rehimeng Duterte na nagkamali talaga sila sa pag-implement ng TRAIN?

Pagsasamantala Daw ng mga Negosyante ang Pagtaas ng Presyo

Matatandaang sinisi ng Department of Finance ang mga mapagsamantalang negosyante sa pagtataas ng mga presyo ng bilihin noong Enero.

Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick T. Chua, “The temporary inflation spike could also be attributed to the apparent profiteering by some traders, contrary to claims that this was caused by the implementation of the new tax reform law.”

Dagdag pa ni Chua, “Prices are expected to normalize once the markets adjust and the government intensifies its monitoring campaign to check any unwarranted price movements of basic goods.”

Ayon naman kay DOF Secretary Carlos G. Dominguez III, “I have to look at the figures closely but I find it hard to believe that the implementation of the TRAIN Law, which went into effect on Jan. 1, 2018, had any significant effect on prices, unless, of course, merchants took advantage of the law and raised prices on old inventories.”
Kumusta naman kaya ang sinasabi ng DOF na monitoring campaignnila? Patuloy pa rin kasi ang pagataas ng halaga ng mga bilihin. In fact, mas mataas kesa sa inaasahan ang mga aktwal na inflation rates simula noong ipatupad ang TRAIN ni Duterte.

4.1% Lamang ang Inaasahan ng DOF na Inflation Rate Noong Marso

Base sa 2012 prices, inasahan ng Department of Finance na 4.1% ang inflation rate noong Marso dahil sa pagtaas ng presyo ng tobacco, energy, at non-alcoholic beverages.

Ang 4.1% na ito ay mas mataas sa 3.9% na inflation rate noong Pebrero. Ito rin ay mas mataas sa target na 4% ng gobyerno para sa 2018.

Kung ang 2006 prices ang pagbabasehan, sinasabing 5% ang forecasted inflation rate para sa Marso. Ayon sa DOF, “Sin products are significantly driving the inflationary pressure. Of the 4.1 percent forecast inflation rate for March, sin products account for as much as 0.5 percentage point, much higher than their contribution of only 0.16 percentage point in the same month last year.”

Ganun din, ang presyo ng non-alcoholic beverages ay tumaas ng 2.51% samantalang tumaas naman ang electricity, gas, and fuels ng 1.66%.

4.3% ang Actual Inflation Rate Noong Marso

Mas mataas sa inaasahan ang aktwal na inflation rate noong Marso na 4.3%. Sa datos na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority, mas mataas ang inflation rate noong Marso kesa noong Pebrero.

Ayon din sa PSA, base sa 2012 prices, nagtala ng 3.8% average inflation rate sa unang quarter ng 2018. Ito ay mas malapit sa upper limit na 4% na itinala ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa kasalukuyang taon.

Tumaas ang presyo ng mga pagkain ng 5.7% noong Marso. Mas mataas kesa sa naitalang 4.8% noong Pebrero. Naitala ang mas mataas na pagpalo ng presyo sa bigas, mais, isda, prutas, at gulay.

Kung ang 2006 prices pa rin ang basehan, sinasabing pumalo sa 4.8% ang inflation rate noong Marso na mas mataas sa naitalang 4.5% noong Pebrero.

Binabantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Sitwasyon sa Pagpalo ng March Inflation Rate sa Pinakamataas nitong Antas sa Loob ng 3 Taon

Masusing binabantayan ng BSP ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, “There’s a pick-up in inflation that we recognize. Markets are already factoring this… We are closely monitoring the situation.”

Ayon kay University of Asia and the Pacific Senior Economist Cid Terosa, “Obviously it was driven by the upward pressure on prices exerted by the TRAIN law and the rise in prices of utilities.”

Dagdag pa ni Terosa, “The weakening of the peso has influenced this trend as well but to a lesser degree.”

In denial pa yata ang rehimeng Duterte sa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Even ordinary Filipinos, itinuturo ang TRAIN ni Duterte na dahilan ng pagtaas ng presyo. Pakiyugyog naman nang matauhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *