Public Private Partnership Kailangan Na

public private partnership

Iminumungkahi ng ekonomistang si Cielito Habito sa gobyerno na ipatupad ang public private partnership para sa Build Build Build.

Cielito Habito hinimok ang gobyerno na gamitin ang Public Private Partnership

Ayon sa ekonomistang si Cielito Habito, kailangang gamitin ng rehimeng Duterte ang public private partnership matapos magkaaberya ang ambisyosong Build Build Build infrastructure program dahil di pa rin masyadong gumagastos ang maraming ahensya ng gobyerno.

RELATED: Ang Katotohanan sa “Build, Build, Build” ni Duterte

Mapanganib ang infra plan ng gobyerno kung hindi ito magiging matagumpay.

Sa pagsisimula ng 2019, bumagal ang construction ng gobyerno dahil sa pagkaantala ng pagpasa ng 3.7 trillion budget dahil sa isyu ng pork insertions.

Ayon rin sa pinakahuling report ng Commission on Audit (COA), nahihirapang gastusin ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang taunang budget.

Noong 2017, halos 35% lamang ng budget ng DPWH ang kanilang nagastos samantalang 26% lamang ang sa DOTr. Noong 2018, nasa 21% lamang ang expenditures.

Ayon kay Habito, may mali sa absorptive capacity ng dalawang ahensya ng gobyerno. Kailangan nating mabahala kung pinagtitiwalaan natin sila.

Kung muling gagamitin ang PPP, matutulungan nito ang Build Build Build ng gobyerno para gumastos nang higit sa 3T piso para lumago ang ekonomiya.

RELATED: Ano Ang Epekto Ng Reenacted Budget sa Build, Build, Build Ni Duterte?

Pero, ayaw itong ipatupad ng rehimeng Duterte dahil 10 proyekto lamang ang naipatupad sa ilalim ng PPP noong nagdaang administrasyon.

Sa halip, hybrid PPP ang isinusulong ng mga economic manager ni Duterte kung saan ang gobyerno ang magpapatupad ng mga proyekto at ang pribadong sektor naman ang bahala sa operations at maintenance.

Pero, kung susuriin talaga, maganda naman ang naging performance ng public-private partnership.

Ayon kay Habito, ang pagiging bukas ng rehimeng Duterte sa PPP ngayon ay makikita sa pagpayag nito na magtayo ng airport ang San Miguel Corporation sa Bulacan.

Wala naman kasi silang choice. Walang mangyayari kung hindi makaganap ng kanilang tungkulin ang DPWH at DOTr. Kailangang ipatupad ang mas maraming PPP.

Ayon din sa kanya, marami mang pera ang gobyerno dahil sa mataas na kita at utang galing sa China, may balakid sa pagpapatupad ng mga programa.

Hindi kaya ng DOTr at DPWH na ipatupad ang Build Build Build infra projects. Kung gagamitin ang public private partnership, posible pang maisalba ang mga proyekto at ang ekonomiya.

 

Source:

De Vera, B. O. (2019, August 15). Top economist urges gov’t to tap PPP as ‘Build, Build, Build’ sputters. Retrieved from Inquirer: Top economist urges gov’t to tap PPP as ‘Build, Build, Build’ sputters