Presyo ng Semento Tataas ng 10 Piso Kada Bag Ngayong Araw

Presyo ng Semento Tataas ng 10 Piso Kada Bag Ngayong Araw

Sa mga nagpapagawa ng bahay dyan, heads up!

10 Piso ang Itinaas ng Presyo sa Kada Bag ng Semento

Halos 10 piso kada bag ang itinaas ng presyo ng semento ngayong araw. Nagdesisyon ang mga local cement manufacturers na magtaas ng presyo bago ang inaasahang provisional safeguard measure na magpapataw ng mataas na buwis sa imported na semento.

Inaasahan ding magtataas ng presyo ang mga retailers at traders ngayong araw. Ayon sa mga retailers, nasa 220 pesos kada bag na ang kanilang puhunan.

Ayon sa Philippine Cement Importers Association Chairman Napoleon Co, nagtaas na ngayon ang mga kumpanya ng semento dahil nangako silang di magtataas ng presyo kapag naipatupad na ang provisional safeguard duty.

Ayon kay DTI Secretary Ramon M. Lopez, nadiskubre ng ahensya na may mataas na bilang ng pag-angkat ng semento sa huling apat na taon. Ito ay syang nakaapekto sa benta ng local cement manufacturers at sa industriya na rin.

Noong 2013, 3,558 metric tons ang naangkat na semento. Pero noong 2017, nasa 3,042,458 metric tons na ang naangkat.

Tumaas din naman ang produksyon ng semento sa bansa. Noong 2013, nasa 16,581,000 metric tons ang na-produce ng mga cement firms. Noong 2016, nasa 20,782,000 metric tons na ang produksyon.

Ngunit, bumaba ito ng 1.5% sa 20,470,000 metric tons noong 2017 dahil sa patuloy ang pagtaas ng pag-angkat ng semento.

Noong 2017, bumagsak ng 11.64% ang benta ng mga cement producers sa bansa dahil nga sa patuloy na pamamayagpag ng imported cement.

Kailangang mabalanse rin naman ang interest ng mga stakeholders sa cement industry kaya makikipag-meeting si DTI Secretary Lopez sa mga importers.

Sapat ang kapasidad ng local cement manufacturers para matustusan ang pangangailangan ng bansa sa semento.

Ang pagpapataw ng provisional safeguard duty ay isang paraan ng DTI para protektahan ang mga mamimili.

Bakit ko isinulat ito?

Unang una, para ipaalam na magtataas ng presyo ng semento.

Pangalawa, para ipakita ang pamamaraan ng mga negosyante. Nagtaas ng presyo dahil alam nilang ipapatupad ang moratorium sa pagtataas ng presyo ng semento. Parte ng pagnenegosyo ang samantalahin ang mga pagkakataon para kumita.

Pangatlo, para ipakita na nagkaroon ng pagdagsa ng imported na semento na syang nakaapekto sa lokal na produksyon.

Pang-apat, para ipakita na may ginawa ang DTI para protektahan ang lokal na industriya at pati na rin ang mga mamimili.

Dapat din namang bigyan ng kredito ang DTI sa pagresolba ng problema sa industriya ng semento. Ang 10 piso na dagdag sa presyo ng semento ngayon ay posibleng panghuling dagdag na sa halaga nito ngayong taon.

 

 

Source:

Cahiles – Magkilat, B. (2019, January 13). Cement prices going up ahead of safeguard duty.

Retrieved from Manila Bulletin: https://business.mb.com.ph/2019/01/13/cement-prices-going-up-ahead-of-safeguard-duty/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *