Presyo ng Bigas Bigong Umabot sa 27 Piso kada Kilo

presyo ng bigas

Ang press release ng gobyerno magiging 27 piso kada kilo ang presyo ng bigas kapag isinabatas na ang rice tariffication law. Anyare?

Presyo ng bigas di pa rin umaabot ng 27 piso kada kilo

Sabi ng economic managers ng rehimeng Duterte, bababa ang presyo ng bigas hanggang 27 piso kada kilo dahil sa rice tariffication law. Pero, hanggang ngayon, di pa rin nangyayari ito.

RELATED: Ano ang Mangyayari sa Pilipinas Kapag Ipinatupad ang Rice Tarrification?

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang regular milled rice ay ibinebenta sa pamilihan ng 38.40 piso kada kilo samantalang ang well-milled rice ay nasa 43.50 piso kada kilo noong ikalawang linggo ng Agosto.

Bumaba nga ang halaga ng bigas kumpara noong isang taon, ngunit malayo ito sa sinabi ng mga opisyal ng gobyerno.

Matatandaang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na di na kailangang magbenta ng murang bigas ng National Food Authority (NFA) dahil sa malakas ang kompetisyon sa mga pamilihan. Kapag marami ang supply ng bigas, bababa ang preyo nito.

Samantala, patuloy naman ang pagbagsak ng halaga ng palay. Nasa 17 piso kada kilo na lamang ang average price ng palay. Mas mababa ito kumpara sa 22 piso kada kilo noong isang taon.

Ang ilang magsasaka sa Nueva Ecija ay napipilitang magbenta ng palay nila sa halagang 7 piso hanggang 8 piso kahit na ang halaga ng pag-produce ng palay ay nasa 12 piso kada kilo.

Ayon naman kay Socioeconomic Planning Assistant Secretary Mercedita Sombilla, inaasahan pa rin nila na bababa sa 27 piso kada kilo ang halaga ng bigas.

Ayon sa kanya, ang rice tariffication pa rin ang paraan para mapabuti ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon naman kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, mukhang hindi pa nakakarating sa mga pamilihan ang imported rice dahil sa iniimbak ito ng ilang rice traders.

Noong Agosto, nasa 2.5M MT na ang rice imports.

Dagdag pa ni Dar, “Iyong karamihan na na-import, hindi pa lumalabas sa merkado. ‘Pag lumabas iyan, baba iyong presyo talaga. Iyon po ang major reason,” Dar said in a press briefing on Wednesday, September 4.

Nang tanungin sya kung kailan dapat ilabas ng mga rice traders ang kanilang stock, sabi ni Dar, “ngayon.”

May listahan ang gobyerno ng mga rice traders, ngunit wala pa silang naaaresto.

RELATED: Rice Tariff: Napakong Pagbaba ng Halaga ng Bigas

Papasyalan daw nila ang mga rice traders na nasa listahan para alamin kung kailan nila ilalabas ang kanilang mga inimbak na bigas. Hihimukin ng DA na ilabas na nila ang kanilang imbentaryo ng imported rice.

May mga nagsasamantala sa pagpapatupad ng rice tariffication law kaya di pa rin bumababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan. Ang tanong: Kailan sila huhulihin ng gobyerno?

 

Source:

Rivas, R. (2019, September 4). Rice prices still not hitting P27/kilo as projected under tariffication law. Retrieved from Rappler: Rice prices still not hitting P27/kilo as projected under tariffication law