Poverty Reduction Apektado sa Mababang GDP Rate

poverty reduction philippines

Malaki ang epekto ng mabagal na paglago ng ekonomiya sa poverty reduction.

Mahihirapang makamit ang target sa poverty reduction

Ayon sa ilang ekonomista, mahihirapan ang Pilipinas na  makamit ang pangangalahati ng poverty incidence sa 2022 kung mananatiling mabagal ang paglago ng ekonomiya sa huling tatlong taon ni Duterte bilang Pangulo.

Naipahayag ito ng mga ekonomista matapos ipalabas ang 5.5% GDP ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa second quarter ng 2019. Mas mababa ito sa inaasahan ng mga economic analysts at maging ng gobyerno.

RELATED: WB: Umuunlad ang Pilipinas PERO Mabagal pa rin ang Pagbaba ng Poverty Level

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ito na ang pinakamabagal na paglago ng bansa sa loob ng 17 quarters. Mas mababa ito sa naitalang 6.2% noong isang taon. Mas mababa rin ito sa naitalang 5.6% noong first quarter ng 2019.

Kapag mabagal ang paglago ng ekonomiya, mabagal din ang pag-usad ng poverty reduction dahil konektado ang dalawa, ayon kay Calixto V. Chikiamco, isang ekonomista.

Hindi maaabot ng rehimeng Duterte ang target nito na pangalahatiin ang poverty rate bago matapos ang termino nito.

Ayon naman kay Bank of the Philippine Islands (BPI) lead economist Emilio S. Neri Jr, ang malamyang datos ng gross domestic product (GDP) ay dulot ng nakakadismayang performance sa agrikultura at construction na syang nagpababa ng kita ng mga Pilipinong manggagawa.

Ayon sa datos ng PSA, 0.6% lamang ang inilago ng sektor ng agrikultura, hunting, forestry, at pangingisda sa second quarter ng taon. Samantala, bumagsak naman ang construction nang 0.6% para sa parehong period.

Ang construction sector lamang ang di lumago noong second quarter dahil sa bumagsak ang government construction ng 27.2%.

Hindi natin naaabot ang ating potensyal dahil na rin sa sa mga polisya ng gobyerno. Ayon kay Neri, hindi lumalago ang construction at agrikultura na syang dahilan ng di paglago ng kita ng mga manggagawa na syang dahilan naman sa di pagbaba ng kahirapan.

Di rin naman maiiwasan ang pagtaas ng poverty rate, lalo na kung magpapatuloy ang malamyang ekonomiya. Hindi lamang ang mga magsasaka ang apektado, kundi lahat ng mga mahihirap na Pilipino.

Buo naman ang kumpyansa ni NEDA Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie G. Edillion na di na mangyayari ang pagkaantala sa pagpasa ng 2020 national budget dahil nakita na ng mga mambabatas ang epekto ng ginawa nila sa 2019 budget.

Inaasahan naman ni Ateneo Center for Economic Research and Development (ACERD) Director Alvin P. Ang ang pagganda ng takbo ng ekonomiya sa huling anim na buwan ng 2019.

Kailangang lumago ang ekonomiya ng higit sa 6.4% sa second semester ng taon para makamit ng gobyerno ang target nitong 6% GDP para sa 2019.

Hinihimok ng mga ekonomista ang mga policymakers ng gobyerno na pagmunian muna ang mga polisiya bago ipatupad ang mga ito.

Posibleng ang pagkaantala ng pagpasa ng budget ang salarin, ngunit marami pa rin namang hamon ang pagpapalago ng ekonomiya.

RELATED: KALIDAD NG EKONOMIYA MABABA

Ayon kay Chikiamco, ang pag-asa ng gobyerno sa mga utang para isulong ang imprastraktura ang dahilan ng malamyang performance ng public construction. Ang pagdepende ng rehimeng Duterte sa Official Development Assistance (ODA) ang dahilan kung bakit mabagal ang pagpapatupad ng mga proyekto.

Hinihimok ni Chikiamco ang gobyerno na pag-isipan kung paano palalakasin ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa dahil kapag malakas ang export industry, maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Dapat ring ipasa ng Kongreso ang Public Service Act. Kailangan ring maging handa ang Department of Finance (DOF) sa kompromiso sa pagsusulong nila ng TRAIN 2 o TRABAHO bill, lalong lalo na ang isyu sa 5% gross income earned (GIE) tax ng mga kumpanya na nasa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Maraming pangakong napako ang rehimeng Duterte. Isa na rito ang poverty reduction. Ang tanong: Kelan kaya sila matututo? Malamang hinde na.

 

Source:

Ordinario, C. (2019, August 9). ‘Weak growth to stall government poverty reduction efforts’. Retrieved from Business Mirror: ‘Weak growth to stall government poverty reduction efforts