Posible Ang Global Humanitarian Crisis

global humanitarian crisis

Ayon sa Nomura, posible ang global humanitarian crisis kapag nagpatuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain.

NOMURA: Global humanitarian crisis, hindi recession

Ayon sa huling report ng Nomura, sa 50 bansang nagkakaroon ng pagtaas ng halaga ng pagkain, apat lamang ang hindi emerging market economies. Mas malaki ang ginagastos ng mga tao sa pagkain, bahay, at iba pang pangangailangan.

Kapag nagpatuloy ang ganitong sistema, posibleng magkaroon ng global humanitarian crisis sa higit sa kalahati ng populasyon ng buong mundo. Maliit lamang ang ambag ng mga bansang ito sa kaubuang ekonomiya ng mundo, ngunit malaki naman ang populasyon nila. Malabong magkaroon ng global economic recession, ngunit posible ang humanitarian crisis.

RELATED: Rice Crisis: Nauunawaan ba Talaga ng Gobyerno?

Ang mga nasabing bansa ay nasa Asia, Middle East, at Africa at sila ay mayroong mababang nominal GDP per capita. Mas mataas ang share ng pagkain sa kanilang pang-aaraw araw na gastusin at kadalasang malakas din silang mag-angkat ng mga pagkain. Ang mga ekonomiyang ito ay dumaranas na ng lubhang kahirapan at gyera.

Ayon sa Nomura Food Vulnerability Index, ang mga sumusunod na bansa ang syang pinakaapektado sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain:

  • Libya
  • Algeria
  • Tajikistan
  • Syria
  • Montenegro

Pangyayari sa emerging market

Malaking bahagi ng mga kinikita ng mga mamamayan sa mga nasabing bansa ay nagagastos sa pagkain, tahanan, at iba pang pangangailangan. Kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo, mas malaking bahagi ng mga kita nila ang magagastos sa pagkain at iba pang pangangailangan.

Halimbawa, ang net food imports ng Libya ay kumakatawan sa 9.1% ng kanilang GDP, ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations. Sa New Zealand, 9.5% ng kanilang GDP ay ambag ng net food export. Ang New Zealand ang hindi pinakaapektado sa pagtaas ng presyo ng pagkain.

22% ng mga tahanan sa Libya ay agrikultura ang ikinabubuhay, at halos lahat sa kanila ay ginagamit ang anumang kanilang ani. Kung tataas sana ang kanilang produksyon ng pagkain, magkakaroon ng food security sa bansa at malalabanan nila ang anumang problema sa pagkain sa hinaharap.

Ayon sa FAO, ang patuloy na pag-asa ng Libya sa food imports at ang pagiging stagnant ng sektor ng agrikultura roon ang syang magiging dahilan ng pagkakaroon ng krisis sa hinaharap. Ayon sa Nomura, kapag mas mataas ang presyo ng pagkain, malaki ang tsansa na magkakaroon ng malawak na humanitarian crisis.

Politika at patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain

Climate change, mas mataas na presyo ng langis, at depreciation sa US dollar ang mga posibleng dahilan sa pagtaas ng presyo ng pagkain. Kapag tumaas ang food prices, nagkakaroon ng problema sa food security na posibleng magdulot ng pagkaligalig ng lipunan na syang magiging daan para makialam ang gobyerno at utusan ang pagbabawas ng kanilang exports.

RELATED: Sluggish Economy Dahilan ng Mababang Inflation

Sa pagitan ng June 2010 at February 2011, pumalo na sa 41% ang food price index ng FAO at ito ay nakadagdag pa sa sinasabing Arab Spring protests. Ganun din, kung magpapatuloy ang trade protectionism, mas lalong lalala lamang ang sitwasyon. Mas tataas ang presyo ng pagkain dahil wala namang mas gugustuhing mag-export ng pagkain.

Gaano kahanda ang Pilipinas sa isang global humanitarian crisis?

 

Source:

Soon, S. (2019, December 2). A spike in food prices may not cause a recession, but it could spark a humanitarian crisis: Nomura. Retrieved from CNBC: A spike in food prices may not cause a recession, but it could spark a humanitarian crisis: Nomura