Pinakamataas ang Current Account Deficit Noong 2018

Pinakamataas ang Current Account Deficit Noong 2018

The macroeconomic fundamentals are going down the drain.

Record High ang Naitalang 2018 Current Account Deficit

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, lumobo ang current account deficit noong 2018. Mas mataas pa ito sa target ng gobyerno noong isang tao dahil sa lumobo rin naman ang trade deficit.

Ang current account deficit ay all-time high noong 2018 at naitala sa $7.9B. Mas mataas ito sa $2.2B noong 2017 at mas mataas pa sa target ng BSP na $6.4B.

Bago ang 2018, $4.4B ang pinakamataas na naitalang current account deficit noong 1997. Ang gross national product noon ay nasa 5.1%.

Noong isang taon, ang current account deficit ay katumbas ng 2.4% ng GDP o gross domestic product. Kumpara noong 2017, nasa 0.7% lamang ng GDP ang current account deficit.

Sa 4th quarter noong 2018, nasa $2.4B na ang current account deficit. Mas mababa sa $2.5B na naitala noong 4th quarter ng 2017.

Ano ang Current Account?

Ang current account ay isa sa mga factors na nagde-determine ng overall economic interaction ng isang bansa sa iba pang mga bansa. Kasama rito ang exports at imports, mga remittances ng mga OFW, mga kinita sa investments abroad, mga interest na binayaran sa mga foreign lenders, at mga gifts, grants, at donations.

Ayon sa statement ng BSP, nangyari ang paglobo ng current account deficit dahil sa lumobo rin naman ang trade deficit at di na kaya ng mas malaking kita sa exports at iba pang revenues na punan ang masyadong malaking imports.

Ang trade gap noong 2018 ay pumalo sa $49B, samantalang $40.2B lamang ito noong 2017. Lumaki ng 9.4% ang imports samantalang bumagsak ng 0.3% ang exports.

Pero, depensa ng BSP, hindi rin naman nakakasama ito sa Pilipinas.

Highly productive at lumalago raw ang ekonomiya. Ganun din, pokus ng gobyerno ang mga proyekto sa imprastraktura kaya nag-iimport ng mga kagamitan para matapos ang mga ito.

Malaki rin daw ang demand para sa raw materials, capital goods, at intermediate goods na syang nagpapalago ng domestic economy.

Ngunit, ayon kay RCBC economist Michael L. Ricafort, ang paglobo ng current account deficit ay nakakapagpababa ng halaga ng piso.

Pero, di naman babagsak ang halaga ng piso kung mas maraming foreign portfolio investments ang pumapasok sa bansa.

Ayon din kay Ricafort, posibleng bumaba ang current account deficit ngayong taon dahil sa bumagal ang paglago ng imports dahil na rin sa patuloy na trade war ng US at China na syang nagpapabagal ng paglago ng ekonomiya ng buong mundo.

Ganun din, ang patuloy na paglago ng remittances ng mga OFW ay makakatulong para makontrol ang masyadong paglobo ng current account deficit, kasama na ang patuloy na pagdami ng pagpasok ng dolyar sa Pilipinas dahil sa mga BPO at kita sa turismo.

Pang-apat na ‘to na di na-hit ng rehimeng Duterte ang target na sila naman ang nag-set. Nauna na ang inflation, GDP, at foreign direct investments. Anyare?

 

 

Source:

Vidal, K. N. (2019, March 15). Record-high current account gap marks 2018.

Retrieved from Business World: https://www.bworldonline.com/record-high-current-account-gap-marks-2018/

2 thoughts on “Pinakamataas ang Current Account Deficit Noong 2018”

  1. In these days of austerity along with relative stress about incurring debt, a lot of people balk contrary to the idea of having a credit card in order to make acquisition of merchandise or even pay for any occasion, preferring, instead just to rely on the particular tried plus trusted method of making transaction – raw cash. However, if you possess the cash there to make the purchase 100 , then, paradoxically, that’s the best time for them to use the credit card for several motives.

  2. Thank you for any other great post. The place else may just anyone get that type of information in such an ideal method of writing? I’ve a presentation next week, and I’m at the search for such info.

Comments are closed.