Pilipinas: Bagsak ng 9 notches. 50th in World Competitiveness Ranking Na!

Pilipinas: Bagsak ng 9 notches. 50th in World Competitiveness Ranking Na!

Sa buong Asya, ang Pilipinas ang may pinakamalaking ibinagsak sa competitiveness ranking. Haist!

Bumagsak sa ika-50 Pwesto ang Pilipinas

Ayon sa 2018 World Competitiveness Yearbook, bumagsak sa ika-50 pwesto out of 65 countries ang Pilipinas. Ito na ang pinakamalalang pagbagsak ng kahit anong bansa sa Asya.

Ang World Competitiveness Yearbook rankings ay proyekto ng International Institute of Management Development. Sa loob ng 10 taon, ito na ang pina malaking pagbagsak ng Pilipinas. Sa loob ng 5 taon, nagbabago ang ranking ng Pilipinas na malapit sa 40s. Noong 2015, pang-41 ang Pilipinas. Noong 2014 at 2016, pang-42 naman.

Ano ang Basehan ng Competitiveness Ranking?

Ang World Competitiveness Yearbook ay gumagamit ng apat na pamantayan para sa ranking ng mga bansa:

  • Economic performance
  • Government efficiency
  • Business Efficiency
  • Infrastructure

Bumagsak ang ranking ng Pilipinas sa apat na pamantayan na ito. Mula sa 26th rank noong 2017, bumagsak sa 50th place ang bansa sa economic performance. Sa infrastructure, mula 54th place, naging 60th place ang Pilipinas. Sa business efficiency naman, bumagsak mula 28th place to 38th place ang bansa. Samantalang, sa usapin ng government efficiency, mula 37th place ay dumausdos ang Pilipinas sa 44th place.

Ano ang mga Rason ng Pagbagsak ng Pilipinas sa Competitiveness Ranking?

Ito na ang pinakagrabeng pagbagsak ng Pilipinas sa World Competitiveness ranking. Sinasabing ang education system, employment at public finances, at worsening tourism ang mga dahilan nito.

Sa 14 na bansa sa Asia Pacific, bumagsak sa pang-13th place ang Pilipinas mula sa pang-11th noong 2017.

Ayon sa International Institute of Management Development, kailangang mag-invest ang Pilipinas sa quality infrastructure, palakasin ang mga institusyon, at dagdag ang investment sa health at edukasyon.

Ayon kay IMD World Competitiveness Center Director Arturo Bris, malalaking multinational companies ang nagdadala ng global services sa bansa. Sabi ni Bris, “But compared to other countries like Indonesia and specifically Vietnam, it is lacking appeal for foreign investors when it comes to establishing plans and operations there.”

Teka! Saang banda ung ibinabandera nilang maganda na ang buhay ngayong si Duterte ang Pangulo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *