Philippines GDP: Bakit Bumabagal ang Ekonomiya?

philippines gdp

Tama ba ang sinasabi ng rehimeng Duterte tungkol sa pagbaba ng Philippines GDP?

Bakit bumabagal ang paglago ng Philippines GDP?

Maganda ang itinakbo ng Philippines GDP sa nagdaang 18 taon. Pero, di naman maganda ang istorya nito.

Mula 2001 hanggang 2015, patuloy ang paglago ng ekonomiya. Ngunit, kapansin-pansing bumabagal na ito.

Halimbawa:

  • 2016 – 6.9%
  • 2017 – 6.7%
  • 2018 – 6.2%
  • First quarter 2019 – 5.6%
  • Second quarter 2019 – 5.5%

RELATED: https://patolangpilipina.com/economics-101/poverty-reduction-apektado-sa-mababang-gdp-rate/

Maraming kadahilanan, ngunit dalawa lang ang pagtutuunan ng artikulo:

  • External
  • Internal

Source: Business World

Pakahulugan sa graph:

  • C – Household consumption
  • G – Government consumption
  • I – Private Investments

Ano ang ibig sabihin ng graph?

Mula 2001 – 2015, maganda ang itinakbo ng global economy, maliban na lamang sa global financial crisis noong 2008 – 2009 na sinumulan ng US.

Ngunit, ang US at Japan lamang ang di maganda ang ekonomiya samantalang ang ibang bansa sa Asya ay lumago nang mabilis mula 2001 – 2005.

Mataas ang inilago ng Philippines GDP sa loob ng 15 taon. Mula 2016 – 2018, maganda rin naman ang takbo ng global economy.

Pataas ang paglago ng mga bansang:

  • USA
  • Japan
  • Taiwan
  • Thailand
  • Singapore
  • Malaysia
  • Vietnam

Wala namang pagbabago sa mga bansang:

  • China
  • South Korea
  • Indonesia

Bumabagal ang paglago ng mga bansang:

  • India
  • Philippines

Ngunit, mas mataas pa sa 7% ang mababang paglago ng India.

Sa unang anim na buwan ng 2019, hindi maganda ang takbo ng ekonomiya sa labas ng bansa. Maliban sa Japan, Indonesia, at Malaysia, mababa ang naitalang paglago ng ibang bansa kumpara noong 2016 – 2018.

So, kung hindi naman ganun kalala ang sitwasyon sa pandaigdigang merkado, ano ang problema?

Internal factors affecting Philippines GDP

Ayon sa Department of Finance (DOF) at National Economic and Development Authority (NEDA), ang mataas na halaga ng langis sa pandaigdigang merkado noong 2018 ang salarin.

Ngayon naman, sinisisi naman nila ang naantalang pagpasa ng 2019 budget kung bakit mabagal ang paglago ng ekonomiya. Pero, wala naman silang datos na maipakita kung bakit nila nasabi ang mga ito.

Noong 2017, lumago lamang ang government spending ng 6.2% pero lumago ang ekonomiya ng 6.7%.

Samantala, dumoble ang government spending noong 2018 at naitala sa 13.1% pero 6.2% lamang ang naitalang GDP.

Sa unang anim na buwan ng 2019, 7.4% ang inilago ng government spending pero 5.6% lamang ang inilago ng ekonomiya.

Ibig sabihin, hindi dahilan ang government spending sa paglago o pagbagal ng paglago ng Philippines GDP.

Noong 2018, bumagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa 5.6% lamang consumer spending na 65% ang share sa GDP.

Ngayong 2019, isa sa mahalagang dapat pagtuunan ay ang paglago ng investments. Bumabagal ang paglago nito sa mga nagdaang taon.

  • 2016 – 25%
  • 2017 – 9%
  • 2018 – 13.2%
  • First quarter 2019 – 8%
  • Second quarter 2019 – (-)8.5%

Bakit bumaba ang consumer spending noong 2018?

Isa sa mga posibleng dahilan ay ang mataas na inflation. Noong 2017, 2.9% ang naitalang inflation rate samantalang 5.2% naman noong 2018.

Ang itinuturong dahilan sa pagtaas ng inflation rate ay ang pagtataas ng buwis sa langis sa ilalaim ng TRAIN law. Dahil sa mataas ang inflation, bumaba ang consumer spending.

Bakit bumaba ang investments noong 2018 at 2019?

Ang isa sa pinamalaking dahilan ang kawalan ng katiyakan ng mga negosyante sa ENDO bill at maging sa TRABAHO o TRAIN 2 bill na di naipasa noong isang taon pero ipinila ulit sa Kongreso ngayon.

Hindi nagdesisyon na mag-expand ng negosyo ang mga namumuhunan. Hindi rin naisakatuparan ang mga ibinabanderang investments.

Pagkatapos, di ipinatupad ng rehimeng Duterte ang integrated PPP (public-private partnership) na umiral noong panahon ni Noynoy. Ipinatutupad ngayon ng gobyerno ang hybrid PPP.

RELATED: Philippine GDP Sablay Noong 2nd Quarter 2019

Ibinigay ng administrasyon ang mga kontrata sa imprastraktura sa China, Japan, at iba pang contractors. Pwede naman iyong gawin ng mga lokal na kumpanya.

Kailangang pag-aralan ng Kongreso ang mabagal na paglago ng consumer spending at investments. Hindi sila dapat magpasa ng anumang batas na syang mas makakapagpababa pa ng kumpyansa ng mga mamimili at investors.

Di sinusuportahan ng datos ang mga sinasabi ng rehimeng Duterte. Mas makakabuting suriin nila ang mga ito at gumawa ng mga tamang hakbang para maisaayos ang Philippines GDP.

 

Source:

Oplas Jr., B. S. (2019, August 12). Why is Philippines’ GDP growth decelerating? Retrieved from Business World: Why is Philippines’ GDP growth decelerating?