Philippine Sugar Output: Bagsak nang 27%

philippine sugar output

Bumagsak nang 27% ang Philippine sugar output. Ano ang solusyon ng gobyerno?

Bumagsak nang 27% ang Philippine sugar output noong Disyembre

Nananatiling mababa ang supply ng lokal na asukal, ngunit inaasahang bubuti ang sitwasyon ngayong buwan dahil sa peak ng milling season na. Ayon sa pinakahuling datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA), 27% ang ibinaba ng sugar production noong unang linggo ng Disyembre. 311,617 metric tons lamang ang Philippine sugar output noon. Ito ay mas mababa sa 429,690 MT na naitala sa kaparehong period noong 2018.

RELATED: Papatayin ng Liberalisasyon sa Pag-Angkat ang Industriya ng Asukal

Ang crop year ng asukal ay nagsisimula tuwing September at nagtatapos sa August ng susunod na taon. Base sa datos noong 2018-2019, nasa 6.23M 50-kilo bags lamang ang output ng sugar production kumpara sa 8.59M bags isang taon bago ang nasabing crop year. Bumaba naman sa 343,597 MT ang raw sugar demand o 6% na pagbaba kumpara noong nakaraang taon samantalang bumaba ng 24% ang total sugarcane milled sa 3.71M MT.

Bumagsak din ang produksyon ng refined sugar nang 30% sa 110,654 MT samantalang nasa 1,515 pesos kada 50-kilo bag naman ang mill gate price. Bumagsak naman ang retail price nito sa 45 pesos kada kilo mula sa 56 pesos. Malaking bulto ng Philippine sugar output kada crop year ay para masustinehan ang domestic demand kahit na inaasahang hindi lalago ang produksyon.

Para sa kasalukuyang crop year na nagsimula noong September 2019 at magtatapos sa August 2020, inaasahang nasa 2.096M MT ang produksyon ng asukal. Ibig sabihin, inaasahang 1.1% lamang ang ilalago ng produksyon ngayong taon ngunit kailangan ng bansa ang higit sa 2.2M MT para sa supply ng local demand. Patuloy ang paglago ng beverage at domestic food processing sectors sa bansa samantalang kailangan namang mag-adjust ang mga mamimili dahil sa tumaas ang sugar taxes.

Fitch Solutions: Ibinaba ang Philippine sugar output forecast para sa 2020

Ayon sa Fitch Solutions Macro Research, nasa 2.1M tonelada ang inaasahang sugar production ngayong crop year 2019-2020 sa gitna ng mas mataas na domestic consumption at mas mataas na presyo nito sa mga pamilihan. Tinatalo ng mas murang imported sugar ang industriya dahil sa kumokonti ang magtutubo at lumiliit din ang mga lupang sinasaka.

Ang Fitch Solutions projection ay mas mababa ng 4% kesa sa dating production forecast na 2.2M tonelada. Marami rin namang magsasaka ang nag-iisip na magtanim na lamang ng ibang pananim kaya lumiliit ang mga taniman para sa asukal. Ganun din, apektado rin ang mga lupang sinasaka ng mga kalamidad.

Patuloy naman ang paglago ng pagkonsumo ng asukal dahil sa mas maraming food manufacturers ang gumagamit na ng asukal kesa sa high-fructose corn syrup (HFCS) na pinapatawan ng mas mataas na buwis ng gobyerno. Para sa Fitch Solutions, posible pa rin namang maging self-sufficient ang bansa sa asukal dahil halos lahat ng Philippine sugar output ay para sa pangangailangan ng mga Pilipino.

Matatandaang nagpataw ng 12 piso na buwis kada litro ng inuming gumagamit ng HFCS sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na naipatupad noong Enero 2018. 6 pesos kada litro naman ang buwis sa mga inuming gumagamit ng lokal na asukal. Inaasahan din ang patuloy na pag-export ng Philippine sugar sa USA kahit na mas mataas ang presyo nito kesa sa global market price.

Pilipinas posibleng mag-angkat ng asukal

Hindi muna ipapatupad ang planong trade liberalization sa asukal, gaya ng ginawa nila sa bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law, ngunit posibleng magkaroon ng benchmark price ang lokal na asukal na kapag di naabot ay magbibigay ng awtorisasyon sa mga food processors na mag-angkat nito anumang oras. Patuloy ang pag-uusap  ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng SRA tungkol sa pagpayag na mag-import ng asukal ang mga domestic food processors at confectioneries kapag di naabot ang local price na 1,900 pesos kada bag na syang presyo sa global market.

Nag-commit naman sina DTI Secretary Ramon Lopez at SRA Administrator Hermenegildo Serafica na magkakaroon ng mas mababang presyo ng asukal para sa mga food processors. Ayon kay Lopez, magkakaroon ng formal agreement kung papayag ang SRA na payagan ang sugar importation kapag hindi nila naibaba ang presyo sa 1,900 pesos per bag.

Sa ngayon, walang kautusan sa sugar importation. Ang huling imported sugar ay dumating noong Agosto 2019 pa at ito ay 250,000 MT. Ayon sa huling datos ng SRA, nasa 2,200 pesos kada bag ang wholesale price ng refined sugar. Direktang ikinokonekta ng SRA ang mga food processors sa mga suppliers para wala nang middlemen sa mga transaksyon na nagpapataas lalo ng presyo nito.

RELATED: Sugar Imports: 250,000 MT Pinayagan ng Gobyerno

Wala pa namang natatanggap na ulat si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar tungkol dito. Ayon naman kay SRA Board Member Ronald Beltran, hindi nya alam ang usapan ng DTI at ng SRA. Posibleng nakipag-usap lamang si Lopez kay Serafica ngunit hindi sa SRA Board.

Matatandaang humihiling ang mga food processors ng 105,000 MT sugar import allocation kada taon para maging stable ang kanilang manufacturing allocations. Ayon naman kay Lopez, hindi pa nila napag-usapan ito sapagkat inuna nila ang pag-uusap tungkol sa benchmark price ng asukal dahil ibig din naman nila na local sugar ang gamitin.

Mababang Philippine sugar output. Mataas na presyo. Mataas na buwis para sa sugary beverages. Kumokonting lupang tinataniman ng tubo. Lumolobong demand para sa asukal. Ano nga ba ang dapat na long-term solution para rito?

 

Sources:

Galang, V. P. (2019, December 13). Fitch Solutions trims 2020 PHL sugar production forecast. Retrieved from Business World: Fitch Solutions trims 2020 PHL sugar production forecast

Simeon, L. (2020, January 6). DTI, SRA in talks over possible sugar imports. Retrieved from The Philippine Star: DTI, SRA in talks over possible sugar imports

Simeon, L. (2020, January 4). Sugar output falls 27% in December. Retrieved from The Philippine Star: Sugar output falls 27% in December