Philippine Recession Matapos ang 20 Years

philippine recession

Matapos ang dalawang dekada, Philippine recession nagbabalik. Salamat kay Duterte!

Sa Unang Anim na Buwan ng 2020, Philippine Recession Ramdam Na

Pumasok na sa recession ang Pilipinas noong second quarter ng 2020 habang nasa COVID-19 lockdown. Inaasahang lubhang naapektuhan ang maraming sektor ng lipunan.

Ayon kay Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua, naging mas malalim ang pagkalubog ng ekonomiya base sa MISSI (Monthly Integrated Survey of Selected Industries), LFS (Labor Force Survey), at trade statistics hanggang Mayo ngunit hindi naman nya sinabi kung ilan ang ibinagsak ng ekonomiya.

RELATED: Highest Unemployment Record Naitala ni Duterte

Matatandang nagtala ng -0.2% GDP (gross domestic product) ang Pilipinas noong first quarter 2020. Nagkakaroon ng recession kapag may dalawang GDP contraction sa dalawang magkasunod na quarters. Ito na ang kauna-unaang pagkakataong pumasok sa recession ang bansa simula pa noong 1998 na nagtala ng -0.5% GDP.

Inaasahan ng gobyerno na magtatala ang Pilipinas ng -25 to -3.4% GDP ngayong 2020, ngunit ayon sa ilang ekonomista ng pribadong sektor at ilang multilateral institutions, mas malaki pa ang inaasahang pag-urong ng ekonomiya para sa buong taon. Inaasahan din nilang higit pa sa 10% ang pagbagsak ng ekonomiya noong second quarter.

Kailangang irebyu ng gobyerno ang GDP projections kapag may mga bago ng datos. Sa pinakahuling MISSI report ng Philippine Statistics Authority (PSA), naipakitang bumagsak ng 59.8% ang volume of production index (VoPI) noong April. Ito na ang pinakamababang pagbagsak sa loob ng 20 taon.

Ayon sa LFS noong April, nasa 17.7% ang unemployment rate o 7.3M Pilipino ang walang trabaho. Ito na ang pinakamataas na umemployment rate sa loob ng 15 years.

Bumagsak din ang imports at exports noong Abril. Naparalisa ang halos 75% na economic activities sa bansa dahil sa extended community quarantine (ECQ) samantalang 25% naman ng mga negosyo ang di pa nagsisimulang muli ng operasyon noong ipatupad ang general community quarantine (GCQ) noong Hunyo.

Dahil naman sa pagluwag ng COVID-19 lockdown noong Hunyo, nagtala ng pagbuti ang purchasing managers’ index (PMI) sa 49.7. Mababa pa rin ito sa 50-neutral-mark. Nakatulong sa manufacturing sector ang pagpapatupad ng GCQ. Tumaas ang production sa kauna-unahang pagkakataon simula ng ianunsyo ang lockdown noong Marso.

Ngunit, malayo pa ang tatahakin ng ekonomiya dahil marami pa ring mga kumpanya ang sarado o hindi pa nag-ooperate sa full capacity. Bagsak din ang demand at maraming mga kumpanya ang hindi nag-hire ng mga panibagong empleyado dahil sa malamyang demand.

RELATED: PH Economic Recovery: Mabagal ang Pagbangon

Kailangang makakita ng malakas na demand ang mga manufacturers para sila makapagdesisyong tumanggap ng mga panibagong manggagawa. Hindi rin inaasahang magiging mabilis ang recovery dahil sa patuloy pa rin ang pananalasa ng pandemya at mas tumataas pa nga ang bilang ng mga positibo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

 

Source:

De Vera, B. O. (2020, July 1). PH slipped into economic recession in first half of 2020. Retrieved from Inquirer: PH slipped into economic recession in first half of 2020