Philippine GDP Sablay Noong 2nd Quarter 2019

philippine gdp sablay

Philippine GDP mas mababa pa kesa noong first quarter. 5.5% lamang ang naitala.

Mas mababa kesa inaasahan ang naitala ng Philippine GDP

Naitala ng Pilipinas ang pinakamabagal nitong paglago sa loob ng apat na taon noong April – June, 2019. Inaasahan ngayon na ibaba pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate nang 0.25%.

5.5% lamang ang naitalang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas sa ikalawang quarter ng taong kasalukuyan. Mas mababa ito sa inaasahang 5.9% ng mga ekonomista. Mas mababa rin ito sa 5.6% na naitala noong first quarter.

RELATED: Babagal ang Paglago ng GDP ng Pilipinas Ngayong 2019

Inaasahan ng ASEAN senior economist ng UBS Group Singapore na si Edward Teather na ibaba ng BSP nang 0.75% ang interest hanggang matapos ang taon. Ang tanong na lamang ay kung ibababa ba nila ang interest ng 0.5% ngayong araw o hinde.

Samantala, tumaas naman ng 0.3% ang halaga ng piso kontra dolyar matapos ipalabas ang GDP rate. Hindi naman nagbago ang takbo ng trading sa Philippine Stock Exchange hanggang bago mananghalian.

philippine gdp performance

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Pernia, bumaba ang GDP dahil sa:

  • El Niño
  • trade war ng US at China
  • pagkaantala ng pagpasa ng 2019 national budget

Kailangan ngayong busisiin ng gobyerno ang economic targets nito para ngayong taon. Matatandaang nasa 6%-6.5% ang inaasahang economic growth ng bansa.

Nagulat din ang ibang ekonomista sa naitalang GDP ng Pilipinas. Masyado kasi itong mababa. Inaasahan nilang magtatapyas ngayong araw ang BSP ng interest rate.

Matatandaang dahil sa apat na buwan na pagkaantala ng pagpasa ng 2019 national budget, ibinaba rin ng gobyerno ang GDP target para sa 2019. Mula sa 7%-8%, ginawa na lamang nilang 6%-7%.

Tumaas ang government spending ng 6.9% noong second quarter. Mas mababa ito sa 7.4% na naitala noong first quarter. Mas mababa rin ito sa 11.9% na naitala noong isang taon. Bumaba ng 27.2% ang public construction.

Ganun din, bumaba ang household spending ng 5.6% mula sa 6.1% noong first quarter. Ibig sabihin, nagpigil sa paggastos ang mga Pilipino. Posibleng walang perang panggastos o nagtitipid dahil di nila alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan.

Inasaahan ang pagbaba ng interest rate nang 0.5% dahil ito ang sinabi ni BSP Governor Ben Diokno.

Exports at imports bumaba noong unang anim na buwan ng 2019

Tumaas ang exports sa tatlong sunod sunod na buwan noong Hunyo at bumaba naman ang imports sa tatlong sunod sunod na buwan.

Ngunit, bumaba ng 0.8% ang halaga ng exports ng Pilipinas sa unang anim na buwan ng 2019. US$34.11B lamang ang naitala mula Enero hanggang Hunyo. Ito ay mas mababa kesa sa naitalang US$34.4B noong isang taon.

Bumaba naman nang 1% ang imports noon Hunyo sa US$53.12B mula sa US$53.63B noong isang taon.

Mas malaki pa rin ang imports kesa exports kaya deficit pa rin ang balance of trade ng Pilipinas. Ngunit, bumaba ito ng 1.2% sa US$19B sa unang anim na buwan kumpara sa US$19.24B noong isang taon.

RELATED: DEBT-TO-GDP RATIO NG PILIPINAS TUMAAS NOONG 1ST QUARTER DAHIL SA UTANG

Mula Enero hanggang Hunyo, ang mga produkto ng Pilipinas ang na-export sa:

  • Estados Unidos – US$5.61B, mas mataas nang 9.7% kumpara noong isang taon
  • Japan – US$5.14B, bumaba nang 1.8% kumpara noong isang taon
  • China – US$4.59B, mas mataas nang 7.7% kumpara noong isang taon

Mas marami pa ring imported products mula China para sa unang anim na buwan ng 2019. Tumaas ito ng 14.3% kumpara noong isang taon. Samantala, bumaba naman ang imports mula Japan (7.8%) at South Korea (20.4%).

Ayon kay Pernia, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asia na lumago ang exports.

11 sa 38 proyektong naaprubahan ng NEDA ang nasa construction phase na. Ayon kay Pernia, kelangang bilisan pa ang pagkumpleto ng 75 infrastructure projects ng Pilipinas para lumago ang ekonomiya.

Hindi nagsisinungaling ang mga datos. Galing na sa rehimeng Duterte yan ha? Sablay! Paano maabot ang GDP target na 6%-6.5% para sa 2019 kung 5.6% at 5.5% lamang ang Philippine GDP performance?

 

Sources:

De Vera, B. O. (2019, August 8). Exports, imports down in first half. Retrieved from Inquirer: Exports, imports down in first half

Yap, C., & Jiao, C. (2019, August 8). Philippine GDP Growth Miss Adds to Calls for Bigger Rate Cut. Retrieved from Bloomberg: Philippine GDP Growth Miss Adds to Calls for Bigger Rate Cut