Philippine Economy Sinisira Lamang ni Duterte

philippine economy

Hanggang ngayon ba naniniwala pa rin kayong maganda ang takbo ng Philippine economy?

Paanong sinisira ni Duterte ang Philippine Economy

Sa panahon ni Duterte, di na uso ang evidence-based policy making. Marami sa mga ahensya ng pamahalaan ang nagpapatupad ng mga polisiyang di naman nakabase sa mga masusing pag-aaral.

Laway governance nga. Kung ano ang sinabi ni Duterte, un ang nagiging polisiya ng gobyerno. Sa kagustuhan ng mga taong gobyerno na makakuha ng pabor, dali dali nilang pinapatupad ang anumang sinabi ng Pangulo.

Di man lang nag-iisip. Di man lang nagtatanong. Kadalasan, tsaka na lang sila naghahanap ng katwiran kapag naipatupad na nila.

Ang ganitong pamamaraan ay mas nagdudulot ng kawalan ng katiyakan sa ekonomiya at mas nakakapagpababa ng kumpyansa ng mga negosyante.

Ganun din, milyon milyong Pilipino ang nawawalan ng trabaho at kabuhayan agad agad.

Paano nakaapekto ang PCSO ban sa Philippine economy?

Halos dalawang linggo na ang nakakalipas nang ipinag-utos ni Duterte ang pagbabawal sa lahat ng laro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa kanya, masyadong malala ang korapsyon sa mga lisensya at prangkisa ng PCSO. Inutusan din nya ang mga military at pulis na agarang arestuhin ang sinumang susuway sa kanyang utos.

Ayon din kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang lahat ng involved sa PCSO gaming operations ay sangkot sa korapsyon.

Ngunit, matapos ang apat na araw, nagpatuloy ang lotto operations na parang walang nangyari.

Kahit panandalian lamang, ipinakita sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo ang epekto ng pabago-bagong isip ng Pangulo.

Marami ang naapektuhan sa ginawa ni Duterte dahil ang lotto operations ang pinagkukuhanan nila ng ikabubuhay. Ngunit, paggising nila kinabukasan ay na-tokhang na ang kanilang mga trabaho at hanapbuhay.

Ganun din, maraming mahihirap ang umaasa sa mga health and medical assistance programs ng PCSO.

RELATED: COA to PCSO: Anyare sa 5.89B Pesos na Pondo?

Noong isang taon, halos 64B piso ang kinita ng PCSO. 30% noon ay napunta sa Charity Fund na syang ibinibigay na tulong pinansyal sa higit sa kalahating milyong maysakit sa buong bansa.

Ang 40% ng Charity Fund ay magpopondo rin sa Universal Health Care (UHC) Act na pinirmahan ni Duterte kamakailan.

Kahit di naman ganun kalaki ang Charity Fund, kailangan pa rin ng UHC ang pera para maipatupad ito.

Ayon sa Department of Finance, aabot ng 257B piso ang kailangan ng UHC sa isang taon. Sa ngayon, kulang pa ng 62B piso ang pondo at posibleng mas lumaki ang kakulangan sa mga susunod na taon.

universal health care act

Source: Rappler

Kahit na ba maraming alegasyon ng korapsyon sa PCSO, hindi naman dapat agarang ipinasara ang lotto outlets dahil maraming Pilipino ang umaasa rito.

Ngunit, gaya ng sinabi ni Panelo, sigurado raw sya na hindi naman ganoon kahirap ang mga naapektuhan. (Weh?!)

Ganun din, sabi ng Department of Finance, susuriin nila ang epekto ng ban ni Duterte. (weh ulit?!)

Ganito rin naman ang ginawa ng gobyerno nang agarang ipinasara ni Duterte ang Boracay kahit na di pa nya nababasa ang report ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa epekto ng pagsasara ng isla sa ekonomiya.

Paano nakaapekto ang MMDA policy sa Philippine economy?

Malaki naman talaga ang problema sa trapiko sa Metro Manila. Pero, dahil sa hindi pinagplanuhang polisiya, mas lumala pa ito.

Inaprubahan ng Metro Manila Council noong Abril ang pagpapawalang-bisa ng permit ng lahat (47) ng bus terminals sa EDSA.

Ibig ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagpabawal ang mga provincial buses sa pagsasakay at pagbababa ng mga pasahero sa EDSA.

Stupid ang ganitong polisiya. Diskriminasyon ito sa mga pasahero na galing at papunta sa mga probinsya. Inatake nito ang maling problema dahil ang mga motorsiklo at kotse, at hindi ang mga provincial bus, ang mas malaki ang inookupang espasyo sa EDSA.

cars along edsa data

Source: Rappler

Nagpalabas ng preliminary injuction ang isang korte sa Quezon City para ipatigil ang polisiya.

Ngunit, nagsagawa pa rin ng “voluntary dry run” ang MMDA noong August 7. Ayon sa kanila, di pa nila natatanggap ang utos ng korte.

Ipinagbawal ng MMDA ang mga bus na lumampas sa yellow lanes. Dahil dito, di naman madaanan ang mga entry at exit points sa EDSA para sa ibang mga sasakyan. Kaya, maraming oras ang nasayang. Maraming pasahero ang nagalit.

Hindi naman maitatanggi na ang Metro Manila ang sentro ng ekonomiya. Halos one-third ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa Metro Manila.

Kapag may mga polisiyang mas nakakapagpalala ng trapiko, masyadong apektado ang ekonomiya.

RELATED: KAHIT I-BAN PA ANG MGA PROVINCIAL BUSES, TRAPIK PA RIN SA EDSA!

Kailangan lamang makinig ng mga mayor at opisyal ng MMDA sa mga transport experts na nagsasabing sobrang dami ng kotse dito. Imbes na pagtuunan ang mga sasakyan, bakit di pagtuunan ang mga tao?

Ngunit, hindi naman ito pinansin ni Duterte. Sa katunayan, mayroon pa nga syang Build Build Build infrastructure project.

Mas pinagtutuunan ang paggawa ng mas marami at mas malapad na daan. Pero, iba naman ang sinasabi ng mga transport experts. Ang pagkakaroon ng mas malawak na daan ay di nangangahulugan na mas bibilis ang daloy ng trapiko.

Hangga’t di natututo ang MMDA na magkaroon ng tamang layunin, hindi matatapos ang problema sa masikip na daloy ng trapiko. Mas lalala pa nga ito.

Walang ebidensya

Ang nangyari sa PCSO at MMDA ay dalawa lamang patunay na hindi nakasalalay ang mga polisiya ni Duterte sa ebidensya. Andyan din ang pagsasara ng Boracay, martial law sa Mindanao, at laban kontra ilegal na droga.

Ang mga polisiya ng administrasyon ay kontra sa mahihirap o anti-poor. Kung gagawa ng mga polisiya nang walang sinasandigang datos at pananaliksik, para lamang yang bulag na piloto na pinayagang magpalipad ng eroplano.

Tatlong taon na lamang si Duterte sa pwesto. Ngunit, wala tayong nakikitang magandang patutunguhan ng Philippine economy. Asahan na ang pagpapatuloy ng pamamahalang walang direksyon.

 

Source:

Punongbayan, J. (2019, August 9). [ANALYSIS] How Duterte’s whims and caprices hurt the economy. Retrieved from Rappler: [ANALYSIS] How Duterte’s whims and caprices hurt the economy