Philippine Economy: Overheating or Not Overheating?

Philippine Economy: Overheating or Not Overheating?

Kanya kanya na silang prediction at the expense of the clueless Filipinos.

World Bank: Philippine Economy at Risk of Overheating

 

Ayon sa Philippines Economic Update ng World Bank, at risk ang Philippine economy sa overheating.

Bakit nasabi ng World Bank na “at risk” ang Pilipinas sa Overheating?

  • Higher fiscal deficits: Mas mataas ang gastos ng gobyerno kesa sa income nito
  • Higher inflation rate: Mas mataas na presyo ng mga bilihin
  • Higher growth of credit: Mas mataas na utang
  • Near full capacity production: Malapit nang mapuno na kapasidad sa produksyon ng mga produkto
  • Higher prices due to TRAIN: Mas mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo dahil sa mas mataas na buwis sa fuel, sugar, etc.
  • Depreciation of the peso: Mas mababang halaga ng piso dahil sa pagtaas ng presyo ng mga global commodities
  • Lower unemployment rate, but higher underemployment rate: Mas mababang bilang ng mga walang trabaho, ngunit mas mataas na bilang ng mga underemployed o yung mga taong kelangang magtrabaho ng mas konting oras sa bawat linggo.
  • Disruption in exports and economic growth due to external factors: Ang pagkakaroon ng posibleng trade war sa pagitan ng China at US at ang pag-iibayo ng protectionism ay posibleng makaapekto din sa Pilipinas.

ADB: Philippine Economy will Not Overheat

 

Ayon sa Asian Development Bank Director General, ang ekonomiya ng Pilipinas ay mas mabilis na lalago sa mga susunod na taon dahil sa tumataas ang mga investments sa manufacturing at teknolohiya.

Ayon kay ADB Director-General for Southeast Asia Ramesh Subramaniam, wala raw material risk of overheating ang Pilipinas.

Bakit Hindi Nag-Overheat ang Ekonomiya ng Pilipinas?

  • Masigla ang domestic demand at tumataas ang investments kaya manageable pa rin ang inflation
  • Tumataas ang kapasidad sa produksyon dahil sa pagdami ng investments sa manufacturing at technology, at pagtaas ng productivity ng mga nasa labor sector.

NEDA: Binabantayan ang mga Nangyayari sa Ekonomiya

 

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, binabantayan naman ng gobyerno ang mga developments. Palaging may risks sa domestic and external fronts at meron na raw silang mga nakahandang plataporma para maging epektibo ang pagresolba ng mga issues.

Ayon kay Pernia, nananatiling solid ang macroeconomic fundamentals at mayroong mga sustainable reforms na nakakapagpalago ng bansa without the risk of overheating.

Napasimulan na raw ang groundwork for change at ang mga reporma ay naka-focus sa pagpapagaan ng mga business transactions sa gobyerno, mag-improve ng quality at quantity ng labor force, at pag-iibayo ng infrastructure sa bansa.

Well, may mga signs of overheating kaya nga pinapaalalahanan ang rehimeng Duterte. Maraming mga Pilipino ang hindi nakakaintindi ng ibig sabihin ng overheating at ng mga posibleng epekto nito. Ang mahalaga sa kanila, may trabaho sila at may pagkain sa hapag nila.

Kung umaangal na ang mga Pilipino dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin, pakinggan din naman ang kanilang mga hinaing. Hindi pwedeng “full steam ahead” tapos maraming Pilipino ang nahihirapan at mga nagrereklamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *