PEZA: Close… Open… Close… Open!

PEZA: Close… Open… Close… Open!

Bakit nasa PEZA-accredited Buildings ang mga Chinese online gaming operators?

Ayaw ng PEZA sa Online Gambling

Noong April 2017, tahasang sinabi ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Charito Plaza na ayaw ng Board of Directors na papasukin ang anumang online gambling operations sa PEZA-accredited buildings.

Ayon sa kanya, mahigit 100 online gambling facilities sa Metro Manila ang nasa PEZA-accredited building. Marami rin daw mga operators ang nasa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport (APECO) at Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ang pansamantalang nag-operate sa Metro Manila dahil inaayos pa ang investment promotion agencies ng dalawang lugar.

Ayon kay Plaza, “Since PEZA board will not allow online gaming, they (building owners) should stop allowing the lessee to occupy the accredited buildings.

Matatandaang nagka-issue sa Clark Development Corporation at Authority of Freeport Area of Bataan kung saan involved ang mga online gambling operations.

Naaresto ang 1,316 Chinese na nagtatrabaho sa online casino ni Jack Lam nang walang permit. Samantalang 55 Chinese naman ang naaresto sa Bataan na may mga kasong cyber fraud at illegal cyber gambling crimes.

Pinayagan ng PEZA ang mga Online Gaming Operations sa PEZA-accredited Buildings

Noong June 2017, sinabi ni PEZA Director General Charito Plaza na pinapayagan na ng PEZA ang anumang gaming company na may lisensya mula sa PAGCOR, CEZA, at APECO.

Ayon kay Plaza, “It’s going to be a political decision now because of the request of Malacañang that we allow them in our buildings. We will be giving them permits to locate in the Peza buildings provided that these are really the legal agencies who are included under Executive Order 13.”

Noong February 2017, pinirmahan ni Duterte ang EO 13 na ang layunin ay masawata ang illegal gambling at malinaw ang mga klase ng gambling na pinapayagan ng batas.

Dahil dito, binibigyan na ng building permits ang mga gaming firms sa PEZA, kasama na ang mga BPO companies na nagbibigay ng support services gaya ng payroll at auditing sa mga online gambling activities.

Maraming Chinese Migrants ang nasa Pilipinas dahil sa POGO (Philippine Offshore Gaming Operation)

Mga 100,000 migrants, karamihan ay mga Chinese, ang dumagdagsa sa Metro Manila simula noong September 2016. Ang dahilan: ang industriya ng gaming sa lugar.

Mahigit kumulang 50 offshore gambling firms na nabigyan ng lisensya ng rehimeng Duterte ang nagke-cater sa mga overseas Chinese gamblers.  Kahit na online gambling ang mga ‘to, kailangan pa rin ng mga Chinese speakers ng mga operators para pagsilbihan ang mga overseas clients.

Walang official data na agarang maibigay ang Bureau of Immigration tungkol sa dami ng mga Chinese na nasa Manila. Ngunit, nasa 200,000 workers ang nagtatrabaho sa mga offshore gaming operators at majority dito ay mga Chinese.

Parang napaboran na naman ang Intsik di ba po? At sino ang may kasalanan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *