Patuloy ang Pagbagsak ng Exports ng Pilipinas sa Ngayong 2018

Patuloy ang Pagbagsak ng Exports ng Pilipinas sa Ngayong 2018

Pero, patuloy ang pagtaas ng imports.

Sa Ikalimang Pagkakataon Ngayong 2018, Bumagsak ang Exports noong Mayo

Sa ikalimang magkakasunod na buwan, bumaba ang exports, samantalang tumaas ang imports. Ayon sa Philippine Statistics Authority, nagtala ang exports ng US$5.76B at bumaba ito ng 3.8% year-on-year.

Ngunit, tumaas ang exports sa US ng 6.6% year-on-year. Ganun din, ang exports to US ay 14.6% ng total exports ng Pilipinas.

Tumaas naman ang 11.4% ang imports at naitala ito sa US$9.46B. Ito ay mas mababa kesa sa naitalang paglago ng 22.2% noong isang buwan.

Dahil sa mga bagong naitalang imports at exports, mas lumobo ang trade deficit at naitala sa US$3.7B, ang pinakamalaking trade deficit para sa 2018.

 

Ano ang Trade Deficit?

May trade deficit pag mas malaki ang imports kesa sa exports.

 

Ano ang Epekto ng Trade Deficit?

 

  • Itinataas ang standard of living ng mga mamamayan

Kapag mas maraming imports, ibig sabihin, mas maraming available na goods and services. Nagiging competitive ang presyo dahil mas maraming pagpipilian ang mga citizens. Ganun din, mas may kumpyansa ang mga residente na bumili ng mas marami kesa sa kayang i-produce ng bansa.

 

  • Kumokonti ang trabaho sa bansa

Over time, dahil mas marami ang imports, nagsasarado na ang mga local companies dahil mas binibili ng mga residente ang imported items. Dahil dito, nababawasan ang competitiveness ng local industry dahil wala nang expertise. Dahil dito, mas kokonting trabaho na lamang ang nake-create sa domestic industry. Dahil sa mas malaking demand ng foreign companies, mas nangangailan sila ng mas maramig manggagawa.

 

  • Bumababa ang halaga ng piso

Dahil sa mas marami ang imports, palabas ang US$ at di papasok. Dahil malaki ang demand para sa US$ na ipinapambayad sa imports, mas tumataas ang halaga ng US$. Ganun din, mas maraming piso ang kelangan para ipambili ng US$. Dahil sa mas maraming piso ang kelangan, mas tumataas ang costs. Syempre, ipapasa ng mga importers ang costs sa mga consumers.

 

  • Bumababa ang US$ reserves ng Pilipinas

Dahil sa kokonti lamang ang pumapasok na US$ dahil mababa ang exports at dahil sa mas malaki ang imports, mas malaki ang pangangailangan sa US$. Dahil dito, mas bumababa ang US$ reserves ng Pilipinas. Ginagamit ang US$ sa pagbabayad ng mga imports at mga US$-denominated loans. Ginagamit din ito kapag may threat sa Philipine currency.

 

  • Pagtaas ng Halaga ng Bilihin

Dahil sa bumababa ang halaga ng piso kapag mas marami ang imports, tataas ang presyo ng mga imported items. Dahil mataas ang inflation rate at mababa ang halaga ng piso, hindi na kapakinabangan ang mag-invest sa Pilipinas. Kaya, kelangang itaas ang interest rate. Kapag itinaas ang interest rate, babagal ang paglago ng Pilipinas dahil naka-imbak ang pera ng Pilipino sa investments. Mas kokonti ang perang umiikot sa merkado.

Kadalasan, gumagawa ng mga hakbang ang mga bansa kapag masyadong malaki ang trade deficit dahil nawawalan nga ng trabaho ang mga mamamayan. Ganun din, sinisisi rin ang mga trade agreements dahil isa rin ito sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng deficit. Para mabawasan ang epekto ng trade deficit, itinataas ng gobyerno ang import taxes o nagpapatupad pa sila ng ibang klaseng aksyon para protektahan ang pakikipagkalakalan.

Ngunit, kadalasang hindi matagumpay ang mga ito dahil bago pa maisakatuparan ang mga panibagong polisiya, marami na ang nagsaradong kumpanya at lumabas na ng Pilipinas ang mga Pilipinong may mga skills.

Asahan pa ang paglobo ng trade deficits dahil maraming mga construction materials para sa Build Build Build ang inaangkat sa labas ng bansa.

 

Source:

Woodhouse, A. (2018, July 7). Philippines exports decline for fifth month in May. Financial Times. Retrieved from https://www.ft.com/content/15d5caa4-83dd-11e8-96dd-fa565ec55929

 

Amadeo, K. (2018, May 16). Trade Deficit, Its Causes, Effects, and Role in the Balance of Payments. The Balance. Retrieved from https://www.thebalance.com/trade-deficit-definition-causes-effects-role-in-bop-3305898

 

Hayes, A. (n.d.). The Pros & Cons of a Trade Deficit. Investopedia. Retrieved from https://www.investopedia.com/articles/investing/051515/pros-cons-trade-deficit.asp

One thought on “Patuloy ang Pagbagsak ng Exports ng Pilipinas sa Ngayong 2018”

Comments are closed.