Papataying ng Liberalisasyon sa Pag-Angkat ang Industriya ng Asukal

Papataying ng Liberalisasyon sa Pag-Angkat ang Industriya ng Asukal

Tamad mag-isip ng solusyon ang rehimeng Duterte.

SRA: Mamamatay ang Industriya ng Asukal

Ayon sa mga myembro ng Sugar Regulatory Administration (SRA) board, ang anumang hakbang para sa liberalisasyon ng pag-angkat ng asukal ay magdudulot ng pagkamatay ng lokal na industriya.

Ganun din, mababagabag ang mga magsasaka at kani-kanilang mga pamilya.

Matatandaang inanunsyo ni DBM Secretary Ben Diokno na ipapatupad na ang liberalisasyon sa pag-angkat ng asukal.

Ayon kay SRA Board Planters Representative Emilio Bernardino L. Yulo, higit sa 20 probinsya sa buong bansa ang apektado.

Hindi sagot ang pagpapaluwag ng importation rules sa asukal. Dapat minomonitor at pinipigilan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang masyadong pagtaas ng halaga ng asukal.

Ayon kay Yulo, hindi naman ang farm gate o mill site price ang mataas, kundi ang bentahan sa mamimili.

Ayon sa price monitoring ng SRA, bumaba ang presyo ng raw sugar ng 7%. Mula sa 1,693 pesos noong Setyembre, 1,575 pesos per bag na lamang noong January 6, 2019.

Ilang retail outlets ang nagbebenta ng asukal sa 60 – 64 pesos per kilo. Ngunit, ang prevailing refined sugar price ay nasa 50 pesos per kilo.

Kailangang imbestigahan kung bakit mataas pa rin ang bentahan ng asukal sa mga pamilihan kahit na bumaba naman na ang farmgate price.

Noong 2018, 62,250 metric tons ang ibinigay na alokasyon ng SRA sa mga food exporters/processors.

Kaya minomonitor ng SRA ang imports ng food exporters at processors ay para di mapunta ang imported sugar sa mga pamilihan at madaya ang gobyerno.

Hindi kasi nagbabayad ng buwis sa imported sugar ang food exporters/processors.

Ayon kay DBM Secretary Diokno, plano ng gobyerno ang deregulasyon sa agricultural sector kaya mas malaya ang mga importers na mag-angkat ng mga food products.

Ayon kay Yulo, malaki ang mawawala sa sugar industry kapag ipinagpatuloy ng gobyerno ang liberalisasyon sa pag-angkat ng asukal.

Hindi solusyon ang deregulasyon. Kailangang bantayan ang mga mapagsamantalang negosyante na nakikinabang sa halip na ang mga magsasaka.

Kung magkakaroon ng deregulasyon sa pag-angkat ng asukal, may plano ba ang rehimeng Duterte sa mga magsasakang maaapektuhan nito? Wala.

 

 

Source:

Ignacio, R. N. (2019, January 21). Liberalized imports seen killing off sugar industry.

Retrieved from Business World: https://www.bworldonline.com/liberalized-imports-seen-killing-off-sugar-industry/