Panda: Noon, hayop. Ngayon, utang?!

Panda: Noon, hayop. Ngayon, utang?!

Basa basa rin pag may time ha? Baka itanong sa Q&A ng beauty contest!

Nakalikom ng US$230M ang Pilipinas sa Pagbebenta ng Panda Bonds

Noong March 20 ay nagbenta ng panda bonds ang Pilipinas at nakalikom ng 1.46B yuan o US$230 million. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbenta ang bansa ng ganitong klaseng government bond.

Ang bawat yuan-denominated bond na ito ay may term na tatlong (3) taon at may coupon rate o interest na 5%. Dahil sa maganda naman ang ekonomiya ng bansa, dumagsa ang orders para panda bonds at umabot ng 9.22B yuan.

Matatandaang nagbenta rin ng 10-year US dollar bonds ang rehimeng Duterte ngayong taon at ito ay nakalikom ng US$750M. Sinasabing ang global at panda bonds ay gagamitin para pondohan nag 3.8T pesos na budget ngayong taon.

Magkakaroon din ng samurai bond o yen-denominated bond ang Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez, “The Philippine government’s successful inaugural issuance of Panda bonds highlights the investor confidence that the country enjoys on the back of its strong credit profile.”

Ayon naman kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, “The Panda bonds issuance is very timely given the sustained strengthening of the Philippines’ credit profile, which is a result of long history of vital structural reforms. Investors have been encouraged to invest because the Philippines is one of the fastest growing economies in the region with a strong record in inflation management.”

Ano ang Panda Bond?

Ang panda bond ay isang uri ng bond na binebenta ng isang non-Chinese country sa mga investors sa People’s Republic of China. Ito ay ibinebenta kapalit ng pera ng China, ang yuan. Noong October 2005, na-issue ang kauna-unahang panda bonds ng Asian Development Bank at International Finance Corporation.

Noong panahon na yon, ang proceeds o ang pinagbentahan ng panda bonds ay hindi pwedeng ilabas ng China. Ibig sabihin, ang pera ay gagastusin sa mga proyekto sa loob ng bansa. Pero, noong May 2010, binago na ang mga rules para mas maraming bansa ang makapag-issue ng panda bonds. Ganun din, pinayagan na ring ilabas ng China ang perang pinagbentahan ng panda bonds.

Ang panda bond ay utang ng bansang nag-issue nito sa China. Ito ay nagke-cater sa mga Chinese investors na gustong kumita ng mas malaking pera. Ang bawat bond ay merong kaukulang term. Para sa panda bond ng Pilipinas, ang term ay 3 taon. Ibig sabihin, pagkatapos ng 3 taon, kelangang bayaran ng Pilipinas ang perang inutang nila through the panda bond.

Gayun din, ang bawat panda bond ay mayroong coupon rate o interest rate. Para sa panda bond ng Pilipinas, ang coupon rate ay 5%. Ibig sabihin ang isang panda bond ay kikita ng 5% kada taon.

For example, ang isang panda bond ay may face value na 1,000 yuan. Kung ang isang investor ay bumili ng 1 panda bond, makakatanggap sya ng 50 yuan kada taon. Kaya para sa 3-year panda bond ng Pilipinas, sya ay makakatanggap ng 150 yuan sa kabuuan ng 3 taon.

Pagkatapos, pagkalipas ng 3 taon, kelangang bayaran ng Pilipinas ang Chinese investor na un ng 1,000 yuan na syang face value ng hawak nyang panda bond. May bond discount at bond premium pa pero para simple lang diskusyon, yan na lang muna.

Ung pag-pivot ng Pilipinas sa China ay nakapag-open ng pagkakataon para ma-tap ang Chinese investors. Para sa iba, wais ang Pilipinas pero sa mga taong may morals, disgraceful ‘to.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *