Patuloy ang Pamamagyagpag ng GDP PERO Mataas pa rin ang Unemployment Rate. Anyare?

Patuloy ang Pamamagyagpag ng GDP PERO Mataas pa rin ang Unemployment Rate. Anyare?

Binabandera nila na maganda ang takbo ng ekonomiya. Bakit marami pa rin ang walang hanapbuhay?

Hindi Naabot ng Pilipinas ang 2017 Labor Targets

Noong 2017, ang target ng rehimeng Duterte para sa unemployment ay 5.1% to 5.4%. Ngunit, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang unemployment rate noong isang taon ay 5.7%. Ibig sabihin, hindi naabot nito ang target. Bagsak. Plakda.

Ganun din, ang target na youth unemployment noong isang taon ay 11%. Ngunit, ang bansa ay nagtala ng 11.9% youth unemployment rate. Bagsak. Plakda.

Ayon naman kay NEDA Director Reynaldo Cancio,  may mga kabataang nawala sa labor force “Because of the Conditional Cash Transfer program, some went back to school and did not work.”

Noong 2017, ang rehimeng Duterte ay nakapagbigay ng higit sa 660,000 trabaho. Ngunit, ito ay kulang pa ng 230,000 para maabot ang target.

May improvement naman sa underemployment, mula sa target na 18.3% to 20.3%. Ang Pilipinas ay nagtala ng 17.1% underemployment. So, ibig sabihin, naabot ng bansa ang target at naging mas mababa pa ito sa inaasahan.

Ngunit, mas kokonti naman ang mga kababaihan na may hanapbuhay. 49.3% lamang ang kababaihan sa work force noong isang taon. Ito ay mas mababa nang 3.1%.

Ayon kay Cancio, “It could be related to the country’s high fertility rate, women have more children and tend to stay at home.”

Tumaas ang Unemployment sa Termino ni Duterte

Ayon sa gobyerno, ang profile ng walang trabahong Pilipino ay lalaki, graduate ng junior high school, at edad mula 15 hanggang 24.

Ayon sa DOLE, higit 143,000 trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa ang ino-offer noong job fair noong May 1.

Ngunit, ayon sa Philippine Statistics Authority, nadagdagan ang bilang ng walang trabahong Pilipino ng 145,000 noong 2017. Noong 2016, ang bilang ng walang trabaho ay nasa 2,040,000.

Ayon din sa PSA, mas maraming lalake ang walang trabaho kesa sa mga babae. In fact, 1.4M kalalakihan ang walang hanapbuhay, samantalang 783,000 naman ang kababaihan.

Matatandaang ipinangako ni Duterte ang mas maraming trabaho at pagwawakas sa kontraktwalisasyon. So far, nganga pa rin ang mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *