Ano ang Konek ng Pagtaas ng Interest Rate sa US sa Paglisan ng mga Investors sa Pilipinas?

Ano ang Konek ng Pagtaas ng Interest Rate sa US sa Paglisan ng mga Investors sa Pilipinas?

Lingid sa kaalaman ng lahat, magkakaugnay ang lahat ng bagay. Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay.

Noong nagkaroon ng financial crisis sa US, maraming investors ang nagtanggal ng kanilang pera sa Amerika at inilagay sa ibang bansa. Isa ang Pilipinas sa naging beneficiary ng US financial crisis dahil na rin sa magandang takbo ng ekonomiya natin noon.

Maraming investors ang nagpasok ng pera sa bansa at sila ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na gumanda ang ekonomiya noon. Pero, ngayong napapabalitang magtataas ng interest rate ang US, nagkakaroon ng agam agam tungkol sa paglabas ng capital sa bansa.

Bakit kelangang mag-alala sa pagtaas ng US interest rate?

Kapag mataas ang US interest rate, ung mga foreign investors sa Pilipinas, i-pull out nila ung pera sa Pilipinas at dadalhin nila sa US dahil mas malaki ang kikitain nila dun. Siguro naman alam nating lahat ang epekto pag nawala na ang mga foreign investors sa bansa, di ba?

Ganun din, tandaan natin na ang investments ng mga foreign investors na ‘to ay nasa Philippine peso. Dahil hindi naman international currency ang ating piso, kelangang ipalit ito sa US dollars kung ilalabas ng bansa.

At kapag nagpalitan ng Philippine peso to US dollars, tandaan natin ang law of supply and demand. Pag malaki ang demand for US dollars, bababa ang halaga ng piso. Kasi ung mga may hawak ng US dollars, ipapalit nila un sa mas maraming piso para kumita nang malaki. At pag mas marami ang kelangang piso para ipalit sa US$1, bababa ang halaga ng ating pera.

At pag bumaba ang halaga ng ating piso, tataas ang mga presyo ng bilihin. Mas maraming piso ang kelangan para bumili ng mga bagay bagay. This is especially true sa mga imports. Maraming mga bagay sa Pilipinas ang imported. Di lang finished goods ang imported na ibinebenta sa end-users. Imported din ang mga raw materials.

Paano nilalabanan ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang epekto ng capital flight?

Mayroong dollar reserves na tinatawag. Ang mga bangko at maging ang BSP ay nagtatago ng mga US dollars para magamit sa paglaban sa masyadong pagbaba ng halaga ng piso. Usually, ginagamit ang dollar reserves na ‘to sa paglaban sa threat ng US dollars against the Philippine peso o kaya naman ay pinambabayad sa international debt obligations.

Inilalabas ng BSP ang dollar reserves nila para mas maraming US dollars sa merkado. Tandaan ang law of supply and demand. Pag marami ang demand sa US dollars, bababa ang halaga ng Philippine peso lalo na kung konti lamang ang supply ng US dollars. Kaya nga, dinadamihan ng BSP ang supply ng US dollars sa merkado para hindi masyadong malaki ang ibaba ng halaga ng piso. Pero, nade-deplete o nauubos din naman ang US dollars na ‘to.

Paano nagkakaroon ng dollar reserves ang BSP at mga local banks?

Unang una, ito ay galling sa mga OFW remittances na pumapasok sa bansa. Etong mga remittances na ‘to ay in US dollars at ipinapalit sa Philippine peso.

Pangalawa, ito ay galling sa mga bayad ng international markets sa ating mga exports. Dahil sa international currency ang US dollars, ito ang ibinabayad ng mga clients ng ating mga exporters sa mga produkto natin.

Pangatlo, ito ay galling din sa mga earnings or revenues ng BSP mula sa mga international investments
nito.

Ano ang estado ng dollar reserves sa Pilipinas?

Philippines' forex reserves

Sa graph na ‘to na halaw sa website ng “TradingEconomics.com”, makikita natin na malaki ang itinaas ng US dollar reserves ng Pilipinas simula noong 2010, ang taon ng pagsisimula ng panunungkulan ng dating Presidente Noynoy Aquino.

Ayon sa report, ang US dollar reserves ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Duterte ay nasa US$80.313B noong November 2017. Ito na ang pinakamababang US dollar reserves ng PIlipinas sa loob ng dalawang taon.

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang namamahala ng monetary policy sa bansa. Sila ang namumublema sa mga ganitong klaseng paggalaw sa international markets.

In summary:

  • Pag tumaas ang US interest rate, mag-pull out ng investments ang foreign investors sa Pilipinas para i-invest sa Amerika dahil mas malaki ang kikitain ng pera nila dun.
  • Pag nag-pull out ng investments, ipapalit ng mga foreign investors ang kanilang Philippine peso sa US dollars.
  • Law of Supply and Demand: Pag mas maraming demand para sa US dollars, tataas ang presyo nito at bababa naman ang halaga ng ating piso.
  • Para labanan ang masyadong pagbaba ng halaga ng ating piso, ilalabas ng local banks and BSP ang kanilang dollar reserves para mas dumami ang supply ng US dollars.
  • Pag naubos ang US dollar reserves ng Pilipinas, wala na ‘tong gagamitin para ipambayad sa mga international debt obligations at para labanan ang threats ng US dollars against the Philippine peso.
  • Mas bababa ang halaga ng piso dahil kelangang bumili ng dollars sa ibang sources sa labas ng bansa pag nagkataon.
  • Para ma-replenish ang US dollar reserves, kelangan ng mas maraming dollars ang pumasok sa bansa. Kelangan ang mas maraming exports ng Philippine products at mas maraming OFW remittances.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *