PAANO MABABANTAYAN NG PILIPINAS ANG CHINA TELECOM?

Pinapasok ng Pilipinas ang China Telecom sa bansa. Ngayon, kelangan itong bantayan ng gobyerno para protektahan ang national security. Duh?!

Pilipinas, may cyber shield laban sa China Telecom

Mayroong cybersecurity platform ang gobyerno para bantayan ang magiging operasyon ng China Telecom sa bansa. Ito ay dinisenyo para bantayan ang spying at iba pang online threats.

Sa gitna ng pagkabahala sa usapin ng seguridad sa buong mundo dahil sa mga high-tech companies ng China, ang China Telecom na partner ng Mislatel, ay nakatalagang tumanggap ng operating license sa July 8.

RELATED: Drilon to NTC: Nagmadali kayo sa pagpili sa Mislatel bilang 3rd Telco!

Ayon kay Acting Department of Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, babantayan nila ang China Telecom. Sisiguraduhin nila na hindi ito banta sa seguridad ng. Babawian sila ng lisensya kung mangyari ang pinangangambahan ng marami.

Magsisimula na ang operasyon ng Mislatel sa susunod na taon at ito ang kauna-unahang susubaybayan ng gobyerno gamit ang Cybersecurity Management System.

Ayon kay Rio, masusubaybayan nila ang China Telecom kung nagkaroon ng di awtorisadong data breach papunta o mula sa network nito.

Ang cybersecurity platform ay ginawa ng Verint Systems na isang kumpanya sa US, kasama ang isang lokal na IT company, para subaybayan ang cybersecurity threats laban sa mga importanteng ahensya ng gobyerno.

RELATED: Posibleng Tutulan ng Senado ang 20B Pesos Video Surveillance System ng China

Ang CyberSecurity Management System ang syang mangangasiwa sa mga gawain ng Mislatel alinsunod sa data privacy rules. Ito rin ang magproproseso ng anumang kahina-hinalang paggalaw kasama na ang di pangkaraniwang data traffic mula sa ilang IP addresses.

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Allan Cabanlong, Mislatel muna ang kanilang susubaybayan dahil ito ang panibagong telco. Nakikipag-usap pa sila sa Mislatel para sa pinal na detalye kung paano ipapatupad ang monitoring system. Sa kalaunan, lahat na ng telcos ay isasailalim sa cybersecurity system na ito.

40% ng Mislatel ay pag-aari ng China Telecom. Ang ilang local partners naman ay ang Udenna (35%) at Chelsea Logistics (25%).

Ayon kay Mislatel Spokesman Adel Tamano, susunod sila sa lahat ng requirements ng gobyerno at nagsumite na sila ng cybersecurity plan para masiguradong ligtas ang publiko mula sa cybersecurity threats.

Mga pangyayari mula ng kumiling si Duterte sa China noong 2016

Simula nang maging Pangulo si Duterte noong 2016, naghanap na sya ng mga paraan para maibsan ang anumang tensyong namamagitan sa Pilipinas at China dahil sa pag-aagawan sa South China Sea. Ganun din, nagsimula na rin si Duterte na dumistansya sa US. Dahil dito, nagkaroon ng maraming Chinese investments sa bansa.

Noong 2017, inimbitahan ni Duterte ang China na mag-invest sa telecommunications ng bansa para mabasag ang duopoly ng PLDT at Globe Telecom.

Inindorso ng China ang China Telecom at ang Mislatel ang nabigyan ng lisensya noong Nobyembre. Nangako ito na gagastos ng $5B sa loob ng limang taon para magbigay ng world-class na serbisyo.

Ngunit, may pangambang pangseguridad sa pagpasok ng China Telecom at lalo pa itong napaigting nang magpalabas ng babala ang US tungkol sa Huawei. Di naman ito pinakinggan ng Kongreso. Nabigyan pa rin ng lisensya ang Mislatel.

RELATED: Lutang na Lutang ang Pagkiling ni Duterte sa China sa Pagpili ng 3rd Telco

Noong 2014, dahil sa mataas na ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa South China Sea, inutusan ng dating Pangulong Benigno Aquino ang Globe Telecom at PLDT na magkaroon ng third party para magsagawa ng audit ng kanilang networks dahil sa paggamit nila ng Huawei equipment.

Ang mga kumpanyang ito ay nagbuo ng kanilang internal cybersecurity audit systems at nagpapadala sila ng anumang breach sa mga state regulators.

Ayon kay Rio, hanggang ngayon ay wala pang security threats mula sa dalawang telco kahit na gumagamit sila ng Huawei equipment.

Sa ilalim ng pamamahala ni Duterte, pinapasok ang Chinese investment sa telco infrastructure kahit na paulit ulit ang babala ng US na ang paggamit ng Huawei equipment ay maraming panganib.

Ayon kay Rio, kasama pa rin ang Huawei sa telco network ng Pilipinas at ipapaubaya na lamang nila sa publiko ang pagdedesisyon.

Nagpasinaya na ang Globe Telecom ng 5G internet service sa mga tahanan gamit ang Huawei equipment. Samantala, sinabi rin ng PLDT na Huawei equipment ang kanilang gagamitin sa kanilang 5G network na papasinayaan sa mga huling buwan ng taon.

Ayon kay Rio, hindi pwedeng tanggalin ang mga produkto ng Huawei sa network dahil 80% ng networks ng Globe at PLDT ay gamit ang Huawei equipment.

Iba pang Chinese companies na interesadong mag-invest sa telecom ng Pilipinas:

  • Chine Energy Equipment
  • China Construction First Group
  • China Construction Yangtze River SDN

Ayon kay Rio, ang babala ng US ay para maging maingat sa mga produktong galing sa China. Ngunit, kailangang balansehin din naman ito ng national interest. Maganda at mura ang mga produktong gawa ng China kaya di naman natin dapat ipagkait sa industriya o sa mga kumpanya ang paggamit ng mga ito para sa kabutihan ng mga Pilipino.

Ironic. Pinapasok ang China Telecom kahit na marami ang nagbabala sa Pilipinas. Ngayon, gagamit ng cybersecurity platform ang gobyerno para  siguraduhing hindi ito banta sa pambansang seguridad. Kalurkey di ba?!

 

Source:

Venzon, C. (2019, June 20). Philippines hoists cyber shield against China Telecom. Retrieved from NIkkei Asian Review: Philippines hoists cyber shield against China Telecom