Paano Maaapektuhan ang Pilipinas sa Namumuong Trade War sa Pag-itan ng US at China?

Paano Maaapektuhan ang Pilipinas sa Namumuong Trade War sa Pag-itan ng US at China?

Dahil sa namumuong trade conflict sa pag-itan ng US at China, ang Pilipinas ang posibleng pinakaapektado sa buong Southeast Asia.

Ano ang Epekto ng Trade War between US at China?

16.9% ng mga exports ng Pilipinas ay parte ng inputs ng exports ng China. Samantala, 11.4% lamang ang sa Malaysia at 2.2% lamang ang sa Vietnam.

Source: Bloomberg

Kung matatandaan natin, ipinag-utos ni US President Donald Trump na pag-aralan ng kanyang administrasyon ang pagpapataw ng taripa sa karagdagang $100B imports na galing ng China. Dahil dito, inaasahan na iigting ang tension sa pag-itan ng dalawang bansa.

Kaya, ang mga policy makers sa Southeast Asia ay nagtutuon ng pansin kung paano palalakasin ang domestic markets upang mapagaan ang epekto ng trade war.

Kung lalala ang sitwasyon, pinakamaaapektuhan ang sector ng electronics and electrical machinery. Ang China ang pinakamalaking trading partner ng maraming bansa sa Southeast Asia.

Nababahala ang Pilipinas sa Paglala ng Trade Tensions

Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, “What we need to do is to call on…the US and China to go back to the negotiating table, to open talks and to try to resolve it through negotiations, trade talks so as to avert a trade war and so as to prevent any fallout on the Philippine.”

Dagdag pa ni Sta. Romana, “There are some reports that the Philippines could be adversely affected because some of our exports are part of the supply chain in the Chinese exports to the US. So there (is going to) be a negative impact on us and that’s why we’re very concerned about it.”

Ang China ang numero unong bilateral trading partner ng Pilipinas. Noong isang taon, lumago ng 8.4% ang export ng Pilipinas sa China. Ganun din, pang-apat ang China sa pinakamalaking destinasyon ng ating mga product. Ang export natin sa China ay 11.3% ng total exports ng Pilipinas at ito ay nagkakahalaga ng $591.91M.

Ayon naman kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III, “We are growing our market locally so we are very robust. We don’t rely on exports or imports as much as other economies. So we are sort of insulated, but still I am not downplaying. If there is a full-blown trade war, everybody is going to be affected.”

Dagdag pa ni Dominguez, “We can’t say if there will be a minimal impact because we really do not know what is going to happen… And you know quite frankly, there is no winner in a trade war. So if our two markets get hurt, China and the US, we will also get hurt… I’m really concerned.”

Kamakailan, nagpataw ng taripa ang US sa aluminum at steel na galing sa China. Bilang ganti, nagpataw din ng taripa ang China sa mga produktong galing sa US, gaya ng mani, prutas, alak, at baboy.

Sasali ang Pilipinas sa Trans-Pacific Partnership?

Ayon kay Dominguez, isasaalang-alang daw ng Pilipinas ang pasali sa TPP kung i-renew din daw ng US ang membership nito. Matatandaang umalis ang US sa TPP noong naging Pangulo na si Trump.

Ang Trans-Pacific Partnership ay kinabibilangan sa ngayon ng Vietnam, Singapore, Peru, New Zealand, Mexico, Malaysia, Japan, Chile, Canada, Brunei, at Australia.

Masyado na tayong nahihirapan sa sitwasyon natin ngayon. Mas lalo pa tayong mahihirapan kung lumala ang hidwaan sa trade ng China at US.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *