Overseas Filipino Workers: Apektado ng Covid-19

overseas filipino workers

Banta sa trabaho at kita ng mga overseas Filipino workers nakaamba dahil sa travel ban sa COVID-19.

Mga Overseas Filipino Workers Naiwan sa Ere

May ilang Pilipino ang napilitang umuwi ng Pilipinas dahil sa pagsasarado ng mga kumpanya sa China simula pa noong  Enero. Sa ngayon, higit sa 114 bansa ang nagsususpinde na rin ng operasyon. Habang ang ilang mga pabrika ay nagsimula nang magbukas, hindi naman makaalis ang mga trabahador na Pilipino dahil sa may travel restrictions ang Pilipinas papuntang China.

RELATED: OFW Department: 19B Pondo ang Posibleng Mawala

May pangambang mawalan sila ng trabaho dahil baka di na sila mahintay pa ng mga pinagtatrabahuhan nila sa ibang bansa. Noong 2019, nasa $33.47B hanggang $35.1B ang ipinadala nilang remittances sa Pilipinas na syang bumuo ng humigit-kumulang 10% ng gross domestic product (GDP) ng Pilipinas, ayon sa World Bank.

Ngayong may coronavirus outbreak, posibleng mawalan ang libo-libong overseas Filipino workers ng trabaho dahil sa stranded sila. Mababawasan din ang remittances na dumarating sa bansa. Mayroon na ring temporary entry bans ang Qatar at Kuwait sa mga taong galing sa Pilipinas. Nasa 72 na kasi ang infected ng COVID-19 sa Kuwait samantalang 262 naman ang sa Qatar.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Agency (POEA) Administrator Bernard Olalia, nasa 3,000 Filipino ang apektado ng biglaang pag-ban ng Qatar. Nasa 49 na ang kaso ng coronavirus infection sa bansa at dalawa na ang namamatay. Sa mga kasong ito, 46 ang nakumpirma ngayong linggo.

Suporta sa mga OFWs

Pansamantalang sarado ang mga opisina at eskwelahan sa Metro Manila at kinansela ang mga malakihang pagtitipon simula nang magdeklara si Duterte ng public health emergency noong Lunes. Dahil sa travel ban, tumingkad ang pangangailangan ng suporta ng mga stranded OFWs mula sa gobyerno ng Pilipinas. Hindi naman kailangang mamili lamang sa pagitan ng kanilang kaligtasan at kalusugan at sa kanilang ikabubuhay dahil ang lahat ng ito ay mahalaga.

Marami sa mga Pilipino ay wala namang pagpipilian. Higit sa 200,000 overseas Filipino workers ang nasa Kuwait at nag-anunsyo na ito ng isang linggong travel ban noong ika-6 ng Marso samantalang nag-anunsyo naman ng temporary ban ang Qatar na may 236.000 OFWs noong March 9. Inaasahan na magpapatupad din ng travel ban ang iba’t ibang bansa.

Walang Katiyakan para sa mga Overseas Filipino Workers

Nagkaroon na rin ng ban ang Saudi Arabia kamakailan. May higit-kumulang 1.2M overseas Filipino workers doon. Hindi rin naman matukoy ng gobyerno ng Pilipinas kung alin pang mga bansa ang susunod na magpapatupad  ng travel ban. Marami sa mga Pilipino sa Middle East ay mga babaeng nagtatrabaho sa medical at service sectors. Ilan sa kanila ay single mothers at breadwinners. Ayon sa Saudi Arabia, i-exempt  nila ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa healthcare industry sa travel ban.

Higit sa 100,000 Filipino naman ang nasa Italy na nag-deklara ng nationwide lockdown noong Lunes. Humigit-kumulang 120,000 OFWs naman ang nagtatrabaho sa mga cruise ship sa buong mundo at may banta rin sa kanilang mga trabaho dahil sa sobrang apektado ang industriya sa paglaganap ng coronavirus. Niloloko lamang ng gobyerno ang sarili nila sa pagsasabing OK ang lahat.

Walang Tulong ang Gobyerno ng Pilipinas

Hindi naman masyadong binibigyang pansin ng gobyerno ang banta ng coronavirus kahit na dumarami ang mga kritisismo tungkol sa mabagal na pagresponde nito sa outbreak. Ayon kay Duterte, may pera para labanan ang outbreak at nangako itong pababalikin ang mga Pilipino sa bansa saan mang dako ng mundo sila naroon.

Pero, ayon sa mga manggagawang Pilipino, wala naman silang masyadong tulong na natanggap sa gobyerno. Sa kasagsagan ng pag-quarantine sa mga nakasakay sa Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan, nagpatuloy sa pagtatrabaho ang mga Filipino crew members doon at higit sa 80 sa kanila ang nadapuan ng virus.

518 na tripulante naman ang naka-quarantine sa MV Grand Princess na nasa US matapos mamatay ang isang pasahero nito dahil sa coronavirus. Humihiling naman ang Pilipinas ng self-isolation site para sa kanila. Higit sa 6 Pilipino sa cruise ship ang naging positibo sa virus.

Naging mas proactive sana ang gobyerno sa paghahanap ng quarantine sites sa kanila o di kaya ay nagbigay ng tulong habang nasa abroad ang mga OFWs pero wala naman sila natanggap hanggang sa makabalik sila ng bansa.

10,000 Pisong Tulong para sa mga OFWs

Sa mga di pinayagan ng gobyerno ng Pilipinas na bumalik ng China, nakatanggap sila ng 10,000 pisong ayuda. Nagbigay na rin ng ganitong halaga ang rehimeng Duterte sa mga OFWs na na-extend ang bakasyon sa bansa dahil sa di sila makabalik sa Macau at Hong Kong noong nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas.

Hindi pa naman nakakapagdesisyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung bibigyan din nila ng ayuda ang mga OFWs na di makabalik sa Qatar at Kuwait. Pinag-aaralan pa ng ahensya ang mga ayuda na pwede nilang ibigay sa mga apektadong manggagawa.

Mga Banta sa Call Center

May banta rin sa mga call center workers dito sa Pilipinas kapag di nasolusyunan nang mas maaga ang coronavirus outbreak. Karamihan sa kanila ay nagbibigay serbisyo sa mga kumpanya sa US at higit sa 1M Pilipino ang posibleng maapektuhan. Hiniling na sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng unemployment benefits sa mga manggagawang di makakapagtrabaho dahil sa coronavirus.

RELATED: Global Recession: Di na Maiiwasan Dahil sa COVID-19

Pwedeng magbigay ng tulong pinansyal o trabaho ang gobyerno pero sa ngayon, wala pang long-term stimulus plan para sa mga overseas Filipino workers.

Wala na rin namang magawa ang mga manggagawang Pilipino kundi maging positibo sa mga pangyayari. Inaasahan nilang tatanggapin silang muli ng mga pinagtatrabahuan nila sa ibang bansa dahil kailangan nila ang mga trabahador.

 

Source:

Aspinwall, N. (2020, March 12). Left high and dry: Virus ban hits millions of Philippine workers. Retrieved from Al Jazeera: Left high and dry: Virus ban hits millions of Philippine workers