One Belt One Road ng China Marketing Campaign Lang

one belt one road

Ipinagyayabang ng China ang “One Belt One Road” infrastructure initiative. Palpak naman.

Marketing campaign lamang ang One Belt One Road ng China

Apat na buwan pa lamang nagiging Pangulo ng China si Xi Jinping noong 2013 ay inilunsad na nya ang One Belt One Road na sinasabing pinakamalaking proyekto para palaguin ang buong mundo.

Ipinangako ng “New Silk Road Economic Belt” ang koneksyon ng Europa at Asya sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga imprastraktura. Ang 21st Century Maritime Silk Road naman ay magtatayo ng mga industrial port city sa baybayin ng South China Sea, Suez Canal, Indian Ocean at hanggang sa Mediterranean Sea.

RELATED: Southeast Asia Duda sa Belt and Road Initiative ng China

Nakakalula ang mga proyekto at malabo rin ang mga detalye. Ipinapakita ng mga mapa ng Chinese government ang mga ruta na mag-uugnay sa mga syudad. Lahat ng bansa ay pwedeng sumali sa inisyatiba, ngunit walang konkretong pangako ang mga myembro. Maraming tawag ang mga observer sa One Belt One Road pero para sa Trump administration ito ay isang debt-trap diplomacy.

Wala namang maipakitang lehitimong dokumento ang inisyatibang ito. Iba iba rin ang mga figures na naglalabasan. Hindi rin naman opisyal na polisiyang pang-ekonomiya o investment ito ng Chinese government. Wala itong malawakang istratehiya. Sayang lamang ang mga proyekto at walang pangangasiwang nagaganap mula sa Beijing.

Sa katunayan, isa lamang branding campaign ang One Belt One Road para ipakita ang lawak ng suporta at awtoridad ni Xi Jinping sa mga taga-mainland China. Ang mga bansang nagsusumiksik sa China ay nabibiyaan ng iba’t ibang pabor at pinaparusahan naman ang di nagpapakita ng pagkamasigasig sa proyekto.

Hindi naman mga developing countries ang deboto ng nasabing proyekto kundi mga lokal na opisyal, unibersidad, maliliit na syudad, at mga pribadong negosyo. Ginamit ang One Belt One Road ng mga local government at mga Chinese company para sa branding ng kanilang mga produkto. Ang mga pinapaborang mga negosyante ay nakakakuha ng mga magagandang kontrata samantalang mumo lamang ang napupunta sa iba. Kaya nga, mapanganib ang mga proyektong ito gaya ng naunsyaming paggawa ng transoceanic canal sa Nicaragua.

Isa lamang power play ang inisyatibang ito ni Xi Jinping. Ang New Silk Road ay matagal nang pinag-uusapan bago pa man maging Pangulo ito ng China ngunit mabilis ibigay ang kredito sa kanya. Imbes na parusahan ang mga oportunista, binibigyan pa ito ng parangal ng mga matataas na opisyal ng Communist Party. Mas pinipili nilang ipakita ang katapatan kay Xi at sa partido imbes na sa katotohanan.

Ayon sa US, mapanganib ang inisyatibang ito. Predatory economics nga ang turing ng 2018 National Security Strategy rito. Sinisikap ng China na magtayo ng isang emperyo at balak ng Amerika na tutulan ang bawat kilos nito.

Mali naman ito sapagkat masyadong maliit lamang ang foreign investments ng China sa buong mundo kumpara sa ekonomiya nito. Maging ang datos na mula sa One Belt One Road ay nagpapakitang maliit lamang ang pondong napupunta sa ibang bansa. Ginagamit lamang ng China ang mga signing ceremonies para ipakitang lumalago ang investments nito sa ibang bansa.

Kaakit-akit naman ang predatory scheme na ito sa mga bansang nabibiyaan. Marami na ang sumali rito gaya ng iba’t ibang bansa sa Caribbean at Latin America, kasama na rin ang Portugal at Italy. Supporter din ang bagong UK prime minister na si Boris Johnson. May mga bansang naniniwala sa One Belt One Road at may mga bansa rin namang naniniwalang branding strategy lamang ito. Pero, ang lahat naman ay may mga sariling interes para matuwa si Xi sa kanila at bigyan ng maraming pribilehiyo.

Isang hamon ang nasabing proyekto ng China sa Amerika. Kakumpetensya kasi ito ng “Make America Great Again (MAGA).” Pero, inanunsyo ni Xi noong Abril na magkakaroon ng pagbabago sa istruktura ng inisyatiba. Magiging mas maayos ang pamamahala at mas malinaw ang mga istruktura ng kontrol. Hindi madali para sa America na pigilan si Xi, lalong lalo na ang pagro-roll back ng inisyatiba sa mga bansang nabiyayaan nito.

RELATED: Bakit Kelangan Mong Mag-alala sa China Debt Trap Diplomacy?

Ang tagumpay ng branding ng One Belt One Road ay hindi lamang istorya ng pagiging ambisyoso ng China. Istorya rin ito ng pagiging kampante ng Amerika. Ang kapangyarihan ng US ay palaging suportado ng pwersang  militar. Ang mga lokal na lider ay kailangang sumunod sa mga panuntunan ng Amerika.

Wala na ang ningning ng American brand. Kailangang magapi ng Amerika ang walang humpay na pagpapalawak ng One Belt One Road sa pamamagitan ng mas mabuting pangungumbinsi na mas kapakinabangan ang anumang alok nito.

 

Source:

Freymann, E. (2019, August 17). ‘One Belt One Road’ Is Just a Marketing Campaign. Retrieved from The Atlantic: ‘One Belt One Road’ Is Just a Marketing Campaign