Oil Price Rollback: Bakit Kakarampot Lang?

oil price rollback

Pinagpapaliwanag ang mga kumpanya ng langis sa kakarampot na oil price rollback.

Pagsasamantala sa oil price rollback

Hindi nagtutugma ang halaga ng ibinaba ng presyo ng langis matapos tumaas ang halaga nito ilang linggo na ang nakakalipas dahil sa mga atake sa oil refineries sa Saudi Arabia. Kinukwestyon din ni Marikina Representative Stella Luz Quimbo ang price formula ng Department of Energy (DOE). Si Quimbo ay dating Philippine Competition Commission commissioner bago pa sya naging mambabatas.

RELATED: Patuloy na Bumabagsak Ang OPEC Crude Oil Supply

Ayon kay DOE Assistant Secretary Bodie Pulido, hiniling na ng DOE sa oil companies na magpaliwanag sa ginawa nilang price reductions dahil kulang ito, base na rin sa pagkalkula ng ahensya. Inutusan din nito ang mga liquefied petroleum gas (LPG) retailers na magpaliwanag dahil mas mataas ang kanilang ipinatong sa presyo kumpara sa galaw nito sa world market.

Ano ang problema sa DOE pricing formula?

Nagsumite ng resolusyon si Quimbo para hilingin sa House of Representatives na utusan ang Committee on Energy nito na usisain ang biglang pagtataas ng presyo ng mga oil companies noong Setyembre. Nagsabay sabay kasi ng pagtataas ang mga ito matapos ang pag-atake sa Saudi Arabia.

Ayon kay Quimbo, posibleng napadali pa ng mga polisiya at pricing formula ng DOE ang pagsasabwatan ng mga oil companies sa pagkakaroon ng halos pare-parehong oil price increase.

Ayon naman kay Pulido, kulang ng 22 sentimo kada litro ang oil price rollback sa gasolina at 6 sentimo naman kada litro sa diesel. Di naman daw sinasabi ng DOE na mali ang ginawa ng mga kumpanya ng langis, ngunit dapat din namang magpaliwanag ang mga ito.

LPG price hike

Para naman sa LPG, dapat mas mababa ng 25 sentimo kada kilo ang itinaas ng presyo nito, base sa pagkalkula ng DOE. Noong October 1, nagkaroon ng oil price rollback ang  mga kumpanya. Nasa 1.45 hanggang 1.55 piso kada litro ang ibinaba ng presyo ng gasolina samantalang nasa 50 hanggang 60 sentimo naman kada litro ang ibinaba ng presyo ng diesel.

Nagtaas naman ng presyo ang LPG retailers ng 3.98 hanggang 4.50 kada kilo. Binigyan ng hanggang tatlong araw ang mga oil companies at LPG retailers para magsumite ng kanilang paliwanag.

Nagulat ang DOE sa di tugmang kalkulasyon sa presyo

Sa mga nakaraang panahon, palaging tugma ang kalkulasyon ng mga oil companies at retailers, at ang DOE sa presyuhan ng langis. Ito ang dahilan kung bakit pinagpapaliwanag sila ng ahensya ng pamahalaan.

Kahit naman umiiral ang deregulasyon sa langis, kailangan din namang kumilos ang DOE kapag may napapansin itong di magandang ginagawa ng mga kumpanya. Kapag napatunayang nagkasala ang mga ito, posible silang makasuhan ng administratibo o kriminal.

Sunod sunod na pagtataas ng presyo ng gasolina at diesel

Kapag di naipaliwanag nang maayos ng mga kumpanya ng langis ang pagtataas ng presyo at maging ng oil price rollback, idudulog ng DOE ang kaso sa Department of Justice para pag-aralan ang posibleng pagsasampa ng mga kasong administratibo o kriminal laban sa mga ito.

Nangangamba naman si Representative Quimbo sa ginawang pagtataas ng mga oil companies ng presyo noong September 23 dahil ito ang pinakamataas na dagdag halaga ngayong 2019.

Tumaas ang presyo ng mga sumusunod:

  • Gasolina – 2.35 piso kada litro
  • Diesel – 1.80 piso kada litro
  • Kerosene – 1.75 piso kada litro

Bago pa ang price increase noong September 23, nagtaas na ang mga kumpanya ng 1.85 piso kada litro sa gasolina at 85 sentimo kada litro sa diesel noong September 17. Sinisi ng mga kumpanya ang pag-atake sa Saudi Arabia noong September 14 kaya sila napilitang magtaas ng presyo.

Pangangailangang patunayang tama ang oil price rollback

Ayon kay Quimbo, nagtaas ng presyo ang mga oil companies kahit na sinabi ng mga opisyal ng DOE sa Senate Committee on Energy na may sapat na supply ng langis ang Pilipinas kung sakaling lumala ang sitwasyon sa Middle East. Pwede rin naman kasing bumili ang mga kumpanya sa ibang bansa.

RELATED: Mga Panganib sa Joint Oil Development

Kinuwestyon ni Quimbo ang oil price hike matapos ang Saudi Arabia attacks kahit na may imbak pa namang langis ang industriya. Kung higit sa 30 araw ang dapat na stock ng mga oil refineries, hindi pa dapat magtaas ng presyo ang mga ito dahil di pa apektado ng mataas na presyo ang mga nakaimbak nilang langis. Kailangang suriing muli ang price formula at mga polisiya ng DOE para maiwasan ang pakikipagsabwatan.

Bakit nga ba nagtaas agad agad ng presyo ang mga oil companies kung marami pa silang imbentaryo sa bansa? Masyado namang kasakiman ang ginawa ng mga ito. Ganun din, kulang ang oil price rollback nila. Masyado namang pagsasamantala na yan.

 

 

Source:

Gascon, M., & Salaverria, L. P. (2019, October 3). DOE to oil firms: Explain paltry price rollbacks. Retrieved from Inquirer: DOE to oil firms: Explain paltry price rollbacks