Ano ba ang Pakinabang Natin sa mga Offshore Gaming Operations na Puro Chinese Migrants ang Empleyado?

Ano ba ang Pakinabang Natin sa mga Offshore Gaming Operations na Puro Chinese Migrants ang Empleyado?

Pansin nyo ba na naglipana ang mga Chinese nationals sa bansa? Anong pakinabang natin sa kanila?

3.1B Pesos ang Kinita ng PAGCOR sa Philippine Offshore Gaming Operators

Ayon sa PAGCOR, inaasahan nilang madodoble ang kita ng pamahalaan mula sa pagbibigay ng mas maraming lisensya sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ngayong taon.

Ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo, 3.1B pesos ang kinita ng PAGCOR noong 2017 at posibleng maging 6B pesos pa ang kikitain sa 2018.

Sabi ni Domingo, “Not all the licensees were fully operational last year. But this year, everyone will be operational, so we expect revenue to increase.”

45 POGOs pa lamang daw ang binigyan ng permiso ng PAGCOR na maging operational noong 2017.

Brainchild ni Domingo ang POGO scheme na naglalayong makopo ng Pilipinas ang mas malaking market share ng online gaming. Noong wala pang POGO, ang Cagayan Export Zone Authority lamang ang may higit sa 200 online gaming operations.

Ngayon, ang bawat POGO ay kelangang magbayad ng $10,000 bilang licensing fee kada buwan. Ito ay para sa minimum na 15 gaming tables. Therefore, ang bawat POGO licensee ay kelangang magbayad ng $150,000 kada buwan sa PAGCOR.

Ayon kay Domingo, “Today, the international betting community has a lot more confidence in fair play in gaming, and they know that that they’re protected against fraud. Secondly, the government is getting a lot more revenues now, instead of just P56 million a year.”

Tumaas ang Presyo at Demand sa Real Estate

Dahil sa mostly Chinese ang estimated 100,000 migrants na dumating sa Manila simula September 2016, tumaas ang demand sa real estate. Ganun din, ang at least 50 offshore gambling companies na nagke-cater sa mga Chinese outside of the country ay may demand din for office space.

For example, tumaas ang presyo ng residential and commercial spaces sa Manila Bay area.

Ganun din, mas maraming residential units ang naibenta sa mga lugar kung saan maraming offshore gaming sites.

Ganun din, nakatulong din sila kahit papaano sa ekonomiya. Yang mga Chinese nationals, gumagastos din naman sila dito sa Pilipinas para sa pang-araw araw nilang pangangailangan. Not sure nga lang kung lahat sa kanila ay may working visa at nagbabayad ng tax.

Ano naman ang Benepisyo ng mga Offshore Gaming Operators na Chinese?

Karamihan ng mga Philippine Offshore Gaming Operators ay nasa PEZA-accredited buildings. Matatandaang pinayagan na ng PEZA na i-occupy ng offshore gaming dahil sa utos ng Office of the President.

At dahil nasa PEZA-accredited buildings sila, may mga fiscal incentives sila gaya nga mga sumusunod:

  • Income Tax Holiday
  • 5% Special Tax on Gross Income
  • Tax and duty-free importation of equipment and parts
  • VAT zero-rating on local goods and services
  • Exemption from paying LGU fees, licenses, and taxes
  • Exemption from expanded withholding tax

Pero, may restrictions ang pagiging part ng PEZA. Isa sa mga restrictions na ito ay kelangang majority ng mga empleyado ay mga Pilipino.

Ayon sa Section 1, Rule XVIII ng Implementing Rules and Regulations ng “The Special Economic Zone Act of 1995”, kelangang may certification ng DOLE na walang Pilipino ang may technical skills na kailangan ng isang ecozone enterprise bago makapag-hire ng foreign nationals. Hindi kailangang lumampas ng 5% ang mga foreign nationals na employed at any given time.

Kung mga POGOs ay nagke-crater sa mga online Chinese gamblers, wala bang mga Filipino na fluent sa Mandarin ang pwedeng maging customer service representatives? Bakit kelangang mga Chinese nationals from Mainland China ang empleyado ng POGOs?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *