Nakasinghot na Naman ng Katol si Duterte?

Nakasinghot na Naman ng Katol si Duterte?

Wala raw shortage ng bigas sa Pilipinas.

Itinanggi ni Duterte na May Kakulangan sa Bigas ang Pilipinas

Sabi ni Duterte, wala raw shortage. Marami raw supply ng bigas. May paparating pa raw kaya may sobra.

Ito ang sinabi sa Filipino community sa Israel.

Ganun din, ipinaalaala nya na sya raw ang nanalong Pangulo dahil ibinoto sya ng mga Pilipino.

Pero, bakit nagsisisihan ang NFA at NFA Council kung sino ang may kasalanan kaya tumaas nang sobra ang presyo ng bigas?

Sa hearing sa House of Representatives, sinabi ni NFA Deputy Administrator Tomas Escare na humiling na ang NFA noon pang October 2017 sa NFA Council na payagan silang mag-angkat ng 1MMT na bigas, pero noong May 2018 lamang ito naaprubahan.

Ayon naman kay NFA Council member at DTI Undersecretary Ruth Castelo, nagkaroon ng pagkaantala dahil hindi naman nagbigay ang NFA ng sapat na impormasyon tungkol sa imbentaryo nito ng bigas.

Noong isang buwan, nagdeklara ng State of Calamity ang Zamboanga City dahil umabot sa 70 pesos kada kilo ang bigas dahil walang mabilhan doon.

Tumaas din ang presyo ng bigas sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Ayon kay Duterte, handa raw syang utusan ang mga ahensya ng gobyerno para i-raid ang mga warehouses ng bigas para mapigilan ang shortage.

Pinayagan din nya ang pagpasok ng bigas mula sa maliliit na negosyante sa Malaysia para maibsan ang kakulangan sa mga probinsyang malapit doon.

Ayon kay VP Leni, kailangang mag-resign ang mga opisyal ng Department of Agriculture at National Food Authority dahil di nila napamahalaang mabuti ang kani-kanilang mga ahensya.

Ayon kay Senator Kiko, incompetence at korapsyon sa NFA ang dahilan ng krisis sa bigas at hindi ito masosolusyunan ng pag-raid ng mga warehouses.

Palabas lamang ang mga raids dahil darating na ang mga inangkat na bigas at anihan na rin ng palay sa Oktubre.

Ayon naman kay Senator Drilon, band-aid solution lamang ang pag-raid ng mga warehouses. Kailangang suportahan ng gobyerno ang ating mga magsasaka. Dapat na mas priority ang pagtatayo ng mga agricultural infrastructure.

Ayon naman kay Senator Gatchalian, tama si Duterte sa pag-uutos sa pulis na ipatupad ang mga batas laban sa rice smuggling at profiteering.

Hindi rin daw dapat maabswelto ang mga opisyal ng DA at NFA dahil sa kasalanan nila ang nangyayaring krisis sa bigas.

Hiniling din ng mga lider sa House of Representatives ang pagbibitiw nina PiƱol at Aquino dahil sa kabiguan nilang solusyunan ang pagtaas ng presyo at limitadong supply ng bigas.

May nagbibigay ng maling impormasyon kay Duterte. Muntanga tuloy sya sa mga sinasabi nya.

 

 

Source:

Romero, A. (2018, September 4). Duterte denies there is rice shortage in Philippines.

Retrieved from The Philippine Star: https://www.philstar.com/headlines/2018/09/04/1848593/duterte-denies-there-rice-shortage-philippines