Nagtala ng US$429M Balance of Payment Deficit ang Pilipinas noong Pebrero

Nagtala ng US$429M Balance of Payment Deficit ang Pilipinas noong Pebrero

Kumbaga sa report card, puro pula ang grade ng rehimeng Duterte pagdating sa pamamalakad sa ekonomiya.

Ayon sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagtala ang bansa ng US$429M balance of payments noong Pebrero. Ito ay sa kadahilanang mas malaki ang lumabas na salapi mula sa Pilipinas dahil sa pagbabayad ng gobyerno ng foreign debt at sa operasyon ng foreign exchange.

Ang paglawak ng trade deficit at mas mataas na paglabas ng foreign investments ay naging dahilan din sa pagkakaroon ng mas mataas na balance of payments deficit.

Nakapagtala na ang Pilipinas ng US$961M balance of payment deficit sa unang dalawang buwan ng 2018.

Mas Mababa nang Bahagya ang Balance of Payment Deficit ngayong February 2018 kesa noong February 2017

Ayon sa BSP, nagtala ng mas mababang balance of payment deficit ang Pilipinas ngayong February 2018 kumpara sa kaparehong buwan noong 2017. Noong February 2018, US$429M ang balance of payments deficit samantalang US$436M naman noong February 2017.

Ano ang Balance of Payments?

Ang balance of payments ay mga transaksyon ng isang bansa sa iba pang mga bansa sa loob ng isang period, gaya ng isang quarter o isang taon. Ito ay summary ng lahat na transaksyon ng indibidwal, kumpanya, at ahensya ng gobyerno ng isang bansa sa ibang indibidwal, kumpanya, at ahensya ng gobyerno sa ibang bansa.

Ang mga transaksyon na kasama sa balance of payments ay mga imports at exports ng mga produkto, serbisyo, at kapital, kasama ang remittances at foreign aid. Kasama sa balance of payments ang current account at capital account.

Ang current account ay mga transaksyon ukol sa produkto, serbisyo, kita mula sa investments, at current transfers. Ang capital account naman ay mga transaksyon na may kinalaman sa central bank reserves at financial instruments.

Nagkakaroon ng balance of payments deficit, kung mas malaki ang imports kesa sa exports. Sa ganitong pagkakataon, ginagamit ang forex reserves para mabayaran ang mga imports.

 Bakit Mahalaga ang Balance of Payments?

Importante ang mga datos tungkol sa international investments at balance of payments sa pagbalangkas ng national at international economic policy. Sinosolusyunan ng mga policymakers ang imbalance sa balance of payments at foreign direct investment.

Halimbawa, nagkakaroon ng mga polisiya para makapag-engganyo ng mga mamumuhunan sa bansa. Nagkakaroon ng polisiya para mapanatili ang mababang halaga ng pera para maging competitive ang exports at mapalaki pa ang currency reserves.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *