Nagpunta nga ba si Digong sa China para Mangutang para sa Rebuilding ng Marawi?

Nagpunta nga ba si Digong sa China para Mangutang para sa Rebuilding ng Marawi?

Very vocal si Tatay Digong nyo, may “I LOVE XI JINPING” pang nalalaman. Ibinabaon naman tayo sa utang! Tse!

$1.5B na Utang pala ang Pakay sa China

 

Ayon sa artikulo ng New York Times, nagpunta ng China si Duterte para pag-usapan nila ni Xi Jinping ang US$1.5B project sa pagre-rebuild ng Marawi.

Noong isang linggo, binanggit ni Duterte na karamihan sa kontrata sa pagsasaayos ng Marawi ay mapupunta sa isang grupo ng kumpanya ng China.

Sa isang speech ni Duterte sa business conference kung saan andun din si Xi Jinping, sinabi nyang, “As sovereign equals, the Philippines and China are partners in the building of much-needed infrastructure. We are building bridges of greater understanding between our peoples.”

Ayon sa political and security analyst Rommel Banlaoi, ang kinabukasan ng Marawi ay isang importanteng signos sa relasyon ng Pilipinas at China. Hindi lang daw ito issue ng counterterrorism, ngunit ito’y pagsusulit o test ng foreign policy ni Duterte.

Ayon kay Banlaoi, “The Philippine relationship with the U.S. has already changed. Duterte doesn’t want the U.S. to lay on the terms anymore.”

Ano ba ang Plano nina Duterte at Xi Jinping?

 

2017 pa lang ay kandarapa na ang mga Chinese contractors sa pagpunta sa Pilipinas. Lahat sila ay gustong makakuha ng kontrata sa US$180B “Build, Build, Build” ni Duterte.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, napagkasunduan ng Pilipinas at China na magtulungan para hindi mabigyan ng kontrata ang mga unreliable firms.

Sa isang panayam ni Diokno sa Reuters, sinabi nya, “There are so many contractors and if we deal with them individually we’ll run out of time.”

Kaya nga ung commerce industry ng China ang mag-screen ng contractors at magbibigay ng 3 contractors na pagpipilian para sa bawat proyekto ni Duterte.

Ayon din kay Diokno, sa dami ng mga proyekto ni Duterte, posibleng maubusan na ang Pilipinas ng sariling construction workers kaya nga, isinasaalang-alang daw nila ang posibleng pagpaparating ng mga foreign laborers para matapos ang mga proyekto.

Dagdag pa ni Diokno, “Our priority is to have those projects completed, rather than playing to the demands of Filipino workers.”

Tungkol naman sa sinasabing debt trap, ayon kay Diokno, “There’s no way that we’ll fall into a debt trap because we have a policy right now…(that) we can only borrow 20 percent from foreign sources.”

Ano ang Bangon Marawi Consortium?

 

Nagkaroon ng task force ang gobyerno para pamahalaan ang rehabilitation ng Marawi. Ang task force na ito ang pumili ng proposal ng Bangon Marawi Consortium na pinapangunahan ng 5 Chinese companies at 4 na Filipino companies. Sinasabing ire-rebuild ng Bangon Marawi Consortium ang parteng pinakanasira sa Marawi City.

Ang Bangon Marawi Consortium, ayon sa Rappler, ay binubuo ng mga sumusunod:

  • China State Construction Engineering Corporation Limited
  • Anhui Huali Construction Group Company Limited
  • China Geo Engineering Corporation
  • TBEA Company Limited
  • Shandong Jinyuan Homes Industry Development Company Limited
  • Future Homes PH Incorporated
  • A Brown Company Incorporated
  • HS Pow Construction and Development
  • SDW Realty & Development Incorporated

 

Nakapasa naman ang Bangon Marawi Consortium sa mga standards na na-set ng Task Force Marawi gaya ng project costs, overall conceptual design, responsiveness to minimum requirements, terms of payment, timelines, at capacity to undertake the project.

Ngunit, magiging pinal lamang ang pagpili sa Bangon Marawi Consortium matapos ang consultation ng Task Force Bangon Marawi sa mga residente ng apektadong lungsod.

Gusto ba naman ng mga taga-Marawi ang mga Chinese?

 

Ayon kay Haydee Dimalawang, isang residente ng Marawi City, “We don’t want the Chinese to come in and be paid to destroy our homes. This is our city, and we can rebuild it ourselves.”

Naisulat ko na rito ang tungkol sa China Debt Trap Diplomacy. Wag nawa mangyari sa Pilipinas ang mga nangyari sa ibang bansa na naging alipin at sunud sunuran na lamang sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *