More than Double ang Current Account Deficit noong 2017 kesa sa 2016

More than Double ang Current Account Deficit noong 2017 kesa sa 2016

Di pa rin daw tayo dapat mabahala, sabi ng BSP. Pero teka! Naintindihan ba ng lahat kung ano ang current account deficit?

Umabot ng US$2.52B ang current account deficit ng Pilipinas noong 2017. Ito ay mahigit sa doble na naitalang deficit noong 2016 na umabot sa US$1.2B. Dahil sa paglawak ng deficit, ito ang naging dahilan kung kaya sumadsad ang halaga ng piso kontra dolyar at umabot sa 12-year low.

Itinuturong dahilan ng paglobo ng trade gap ang pagtaas ng demand for construction-related goods na kelangang i-import sa ilalim ng 8.44T-peso Build, Build, Build infra program ni Duterte. Dahil sa infra boom, tumaas ang demand for capital goods imports kaya sobrang lumobo ang deficit at nagpababa masyado ng halaga ng piso.

Ano ang Current Account?

Ang current account ay ang mga transaksyon ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa mundo. Ito ay ang pangangalakal ng mga produkto at serbisyo, mga kita sa investments ng bansa overseas, at mga iba’t ibang mga payments sa loob ng isang period, gaya ng isang quarter o isang taon.

Sinusukat ng current account ang imports and exports ng mga produkto at serbisyo, mga bayad sa foreign investments, mga bayad na natatanggap mula sa investments overseas, at mga transfers gaya ng remittances at foreign aid.

Pag deficit, ibig sabihin, mas marami ang lumabas na US dollars kesa sa pumapasok. Ibig sabihin, mas malaki ang imports kesa exports. Ang deficit ay negatibong estado ng current account na nangangahulugang borrower ang Pilipinas at hindi lender. Nangungutang ang Pilipinas at hindi nagpapautang.

Pag mayroong economic expansion, mas malaki ang imports. Kapag hindi nakakasunod ang exports, mas lalawak pa ang current account deficit na syang nararanasan ng Pilipinas ngayon.  Kung may recession naman, bumababa ang imports at lumalakas ang exports sa mga bansang maganda ang takbo ng ekonomiya.

Ano ang Nangyayari Kapag may Current Account Deficit?

Usually, pag palaging may current account deficit ang isang bansa, mas pinag-iisipan ng investors kung maglalagak sila ng pera dito. Nagkakaroon ng speculative attacks sa local currency na syang umuubos sa dollar reserves dahil kelangang suportahan ang local currency para hindi masyadong bumagsak ang halaga nito. Ang pagbaba ng forex reserve at paglawak ng current account deficit ang syang nakapagbaba ng halaga ng local currency. Kadalasan, ang mga bansang dumadanas ng ganito ay nag-iincrease ng interest rate at kinokontrol ang paglabas ng pera sa bansa.

Kung sinusundan ninyo ang mga economic news sa ating bansa, alam nyong nangyayari na ‘yan sa kasalukuyan. Hindi pa nga lang nagtataas ng interest rate at kinokontrol ang paglabas ng money sa bansa. Pero, unti unting bumababa ang forex reserves, lumalawak ang current account deficit, at bumababa ang halaga ng piso.

Kumusta ang Estado ng Current Account Noong Panahon ng Rehimeng Aquino?

Mapapansin sa graph na bihirang magkaroon ng current account deficit noong panahon ni Noynoy. Mas madalas ang current account surplus kaya na rin naman malakas ang ating piso at mataas ang US Dollar reserves noon.

Di pa rin Tayo Dapat Mag-alala, sabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Ayon kay BSP Monetary Policy Sub-Sector Managing Director Francisco G. Dakila Jr, hindi daw nag-overheat ang ating ekonomiya kahit na may current account deficit. Ibig daw sabihin ng deficit ay malaki ang demand sa imports dahil nga sa desisyon ng gobyerno na mag-invest sa infrastructure.

Dagdag pa ni Dakila, “If there is no improvement in investment you will not be able to accelerate economic growth.” Healthy pa rin daw ang nanagyayari sa bansa, lalo na sa importation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *