Money Supply

TANONG:
Bakit di na lang mag-imprenta nang mag-imprenta ng pera ang Bangko Sentral ng Pilipinas at ipamigay sa mga mahihirap para may pera sila?
Seryosong tanong yan. I encountered some comments in the past sa kung saan saang lupalop ng social media. Syempre, galing ang mga komento sa… alam nyo na. 😀

SAGOT:
Di pwede yan. Supply and demand pa rin ang konseptong ia-apply dyan. Pag maraming pera ang mga Pilipino at kokonti lang ang mga produkto at serbisyo, tataas ang presyo ng bilihin. Pag may konting pera ang mga Pilipino at marami ang mga produkto at serbisyo, bababa ang presyo ng bilihin.

Malulusaw ang value ng pera kung mataas ang presyo ng bilihin. Merong nominal value at real value. Ang nominal value ng pera ay kung ano ung naka-imprenta sa peso bill. Example: 100 pesos.

Ang real value ng pera ay kung magkano ang halaga nito sa mga transactions. Dito pumapasok ang inflation o pagtaas ng presyo.

Example:
Noong isang taon, ang value ng isang kilong bigas ay 40 pesos pero ngayon 45 pesos na. Kung may 40 pesos ka ngayon, di ka makakabili ng isang kilong bigas. So, bumaba ang value ng pera dahil nagtaas ng presyo.

Di mo gugustuhing sanrekwang pera ang nagkalat sa buong Pilipinas dahil mas konti ang mabibili mo sa pera mo dahil nga sa supply and demand.

Ang isa sa trabaho ng Bangko Sentral ay kontrolin ang daloy ng pera na umiikot sa Pilipinas para labanan ang inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin.
Isang maling pagsipat sa economics ung damihan ang pera para may pambili ang bawat Pilipino. Hindi ganun un, pwamis!

Kaya nga mahirap ipaliwanag ang economics sa mga mangmang at sarado ang utak dahil iba ang realidad nila. Iba silang mag-isip. Kulang sa iodized salt ang diet kasi. 😜

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *