MAY EPEKTO BA ANG PAGGASTOS SA HALALAN SA EKONOMIYA?

Marami ang naniniwalang meron.

Gaano ang Naidadagdag ng Election Spending sa Ekonomiya?

Simula 2000 hanggang 2018, nasa 6.3% ang average GDP o gross domestic product ng Pilipinas sa anim na election years. Pwedeng ikumpara ito sa 5.3% average growth sa loob ng 18 taon at 4.9% GDP sa mga taong walang eleksyon.

Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie G. Edillon, bilyong piso ang naidadagdag ng mga kandidato at political parties sa ekonomiya na nakaka-create ng trabaho sa iba’t ibang industriya at syang nagpapalago ng local demand. Dahil dito, posibleng tumaas ang household consumption dahil may pera ang mga tao.

Mataas din ang consumer expectations kapag election year. Indirectly, pinapasigla rin nito ang domestic demand. Sa nakaraang Consumer Expectation Surveys ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ipinakitang may improvement ang consumer sentiment kapag eleksyon dahil sa optimistic ang taumbayan sa pagkakaroon ng mga bagong opisyal ng gobyerno.

Sinasabing mataas ang ugnayan ng consumer confidence at paglago ng ekonomiya. Ipinapakita ng mga datos ang relasyon ng election spending at paglago ng ekonomiya. Ang tanong na nga lamang ay gaano ba ang naiaambag ng bawat parte ng ekonomiya sa paglago nito?

Noong 2000 hanggang 2018, ang average household spending growth at 5.09%. Halos ganyan din ang paglago ng household spending kapag election year sa 5.13%. 5.07% naman ang average growth kapag hindi election year.

Sa kabilang banda, mas mabilis naman ang paglago ng government spending kapag hindi election year. Ang average growth ay 5.4% samantalang 4.2% lamang ito kapag election year.

Ayon kay RCBC economist Michael L. Ricafort, mas mataas ang government spending isang taon bago ang eleksyon dahil ung mga tatakbong opisyal para sa reelection ay mas gumagastos sa iba’t ibang proyekto para manalo sa eleksyon sa susunod na taon.

Ganun din, ayon kay Sun Life Financial economist Patrick M. Ella, may election ban on government spending din kasing umiiral kaya mas mababa ang government spending kapag election year.

Mas Mataas na Private Investments

Ngunit, ayon sa datos, ang private investment ang nagtatala ng may pinamalaking paglago tuwing eleksyon.

Mula 2000 hanggang 2018, nagtala ang private investments ng average growth na 17.6% tuwing election year. Higit na mas mataas ito sa 4.8% average growth na naitala kung walang halalan.

Maliban noong 2004 at 2007 na election year, ang kontribusyon ng capital formation sa GDP ay tumataas tuwing election years at bumababa sa susunod na taon.

Ayon kay Finance Undersecretary at chief economist Gil S. Beltran, tinatapos ng gobyerno ang mga infrastructure projects isang taon bago ang eleksyon. Samantala, ang pribadong sektor naman ay nagsasamantala sa mataas na consumer demand tuwing eleksyon kaya mataas ang produksyon nila.

Ayon naman kay Security Bank Corp. economist Robert Dan J. Roces, lumalago ang capital formation matapos ang election year dahil nagpapatuloy na ang infrastructure projects ng gobyerno. Mas malago pa nga ito tuwing election dahil may construction ban bago ang halalan. Kaya, nag-stock ang mga businessmen ng equipment at materyales para sa pagpapasimula ng infrastructure projects matapos ang halalan.

Para naman kay ING Bank N.V. senior economist Nicholas Antonio T. Mapa, mas mabilis ang paglago ng household consumption tuwing election. Ganun din, lumalago ang capital formation sa unang dalawang quarters bago ang halalan. Tinatapos kasi ng mga government officials ang malalaki nilang proyekto bago matapos ang kanilang termino.

Maliban noong 2001 at 2004 na election years, lumago ng double digits ang construction. Noong 2007, nagtala ito ng 11.3% growth, 17.5% noong 2010, 10.3% noong 2013, at 13.1% noong 2016.

Para kay Edillon, walang impluwensya ang budget para sa public infrastructure tuwing eleksyon. Mas bumababa ang budget sa public infrastructure isang taon matapos ang national elections maliban na lang noong 2005 kung saan Pangulo pa rin si Arroyo at noong 2017 dahil sa ipinagpatuloy ni Noynoy ang fiscal program ng nakaraang administrasyon.

Kailangan ng Mas Maraming Pag-aaral

Ayon sa mga ekonomista, kailangan pa ng mas maraming pag-aaral tungkol sa epekto ng election spending sa ekonomiya dahil ang mga datos ay nagpapakita lamang ng ugnayan at hindi ng cause-effect.

 

Source:

Olano, C. V. (2019, May 14). How much economic boost does election spending deliver? Retrieved from BusinessWorld: How much economic boost does election spending deliver?