Mass Unemployment: New Normal Matapos ang COVID-19 Pandemic

mass unemployment

Hindi inaasaahang magiging maunlad ang Southeast Asia dahil sa mass unemployment na dulot ng COVID-19 pandemic.

Mass Unemployment ang New Normal sa Southeast Asia

Naglabas ng bagong ulat ang International Labor Organization (ILO) na nagsasabing higit sa 17% ng mga kabataan sa buong mundo ang tumigil sa paghahanapbuhay simula nang magsimula ang pandemya samantalang ang iba naman ay nabawasan ng humigit kumulang 25% sa oras ng pagtatatrabaho.

RELATED: Global Economy: Paano Naapektuhan ng Coronavirus?

Samantala, mataas ang unemployment rates sa Southeast Asia dahil sa pandemya. Mababa lamang ang numero bago ang pananalasa ng COVID-19.

Unemployment Rates Bago ang 2020

  • Cambodia – 2%
  • Vietnam – 2%
  • Thailand – 0.6%
  • Laos – 0.7%

Naiulat kamakailan ng Vientiane Times ng Laos na pumalo na sa 25% ang unemployment rate doon dahil sa pandemya. Sa Vietnam, humigit kumulang 5 milyong Vietnamese ang nawalan ng trabaho sa unang tatlong buwan ng 2020. Inaasahan pang lalong tataas ito sa pangalawang quarter.

Dahil sa umaasa ang Thailand sa global tourism, inaasahang papaalo sa 25% ang unemployment rate doon kung tatagal pa ang economic crisis. Ayon sa report ng ILO noong Abril, inaasahan nitong halos 6M manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil sa pandemya ngunit posibleng mas mataas pa ang tunay na bilang.

Ayon kay Thai Prime Minister Prayut Chan-ocha, inaasahan nilang magtatagal pa ang epekto ng pandemya sa ekonomiya doon nang 6-9 months. Ayon sa ILO, posibleng mas tumagal pa ang epekto sa employment.

Ayon kay ILO Director-General Guy Ryder, kung hindi kikilos ang mga gobyerno, posibleng hindi gaganda ang sitwasyon at tatagal pa ng dekada ang problemang iniwan ng coronavirus. Maraming kabataan at kababaihan ang lubhang apektado sa kawalan ng hanapbuhay.

Problema ng Mass Employment sa Informal Sector

Sa ikalawang quarter ng 2020, nasa 10% ang nawalang work hours sa Southeast Asia samantalang 10.7% naman ang percentage sa buong mundo. Ngunit, hindi naman naipapakita ang buong sitwasyon kung official unemployment rates lamang ang basehan dahil maliit na bahagi lamang ng mga manggagawa ang nagtatrabaho sa formal economy. Maraming manggagawa ang subcontractors lamang ng mga rehistradong negosyo at binabayaran nang arawan.

Wala namang kasiguraduhan ang higit sa 50% ng mga manggagawang nasa informal sector dahil sa wala naman silang employment contracts. Ung iba ay self-employed o nagtatrabaho sa family-run businesses.

Ayon sa United Nations Development Program (UNDP), ang mga manggagawa ng Cambodia ang may “vulnerable employment” na naitala sa 50.8% noong 2018. Mas konti nang bahagya ang Thailand sa 47.3% samantalang mas mataas naman ang Vietnam (54.5%), Myanmar (59.5%), at Laos (80%).

Sa buong Asia Pacific region, 84.4% ng kabataang may gulang sa pagitan ng 15 -24 ay sinasabing nasa informal employment kumpara sa 68.6% ng mga adult. Sa anumang cyclical economic downturns, nababalanse ang pagkawala ng mga trabaho sa formal economy dahil sa informal sector. Ang mga walang trabaho ay bumabalik sa mga sakahan ng pamilya, nangingibang-bansa para magtrabaho, o nagtatayo ng kaniilang negosyo.

Pero, sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19, ang informal sector ang lubhang apektado. Nawalan ng ikabubuhay ang mga nagtitinda sa palengke at maliliit na negosyo. Ang pagbagsak ng turismo at manufacturing ay nakaapekto rin sa mga negosyo sa informal sector, kasama na ang mga drayber, street vendors, atbp.

Ganun din, ang mga informal workers gaya ng mga kasambahay, tindera sa palengke, at mga drayber ang may pinakamataas na risk na mahawa ng coronavirus. Dahil sa wala naman silan ipon o iba pang pagkukunan ng kabuhayan, marami sa mga manggagawa sa informal businesses ay walang pagpipilian kundi gamitin ang kanilang kapital sa negosyo para sa kanilang pang-araw araw na gastusin. Posibleng permanenteng maisara na ang negosyo dahil sa naubos na ang kapital. Kapag nangyari ito, tataas ang joblessness at dadami ang mahirap.

Noong Abril, nagmungkahi na ang World Bank na magkaroon ng safety nets tulad ng enhanced unemployment insurance, mas mataas na benepisyo, at relaxed eligibility. Ganun din, kailangang magkaroon ng programa ang mga gobyerno para bayaran ang mga sick at family leaves para manatili sa bahay ang mga apektadong manggagawa o ang kanilang caregivers at masiguradong may babalikan pa rin silang trabaho.

Marami naman sa mga Southeast Asian governments ang gumawa nito. Halimbawa, nagkaroon ng cash handouts ang Vietnam at Thailand para sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Ngunit, karamihan sa mga ayuda ay para lamang sa mga manggagawa sa formal sector.

Sa Cambodia, ang ayuda ng gobyerno doon ay para lamang sa mga manggagawa sa garment manufacturing at tourism sectors at para sa mga rehistradong negosyo. Marami sa mga negosyo doon ay hindi naman rehistrado.

Marami ring migrant workers sa Southeast Asia, lalong lalo na sa Thailand. Mga Thai citizens lamang ang binigyan ng suportang pinansyal ng gobyerno doon. Noong Abril, pumayag na rin ang Social Security Office doon na bayaran nang 62% ng arawang kita hanggang 90 araw ang mga walang trabahong migrant workers ngunit 2.7M katao lamang ang natulungan nito. Marami sa mga informal workers doon ay hindi naman rehistrado. Marami sa mga migrante ang bumalik sa kani-kanilang mga bansa noong nagsimula ang coronavirus crisis noong Marso. Hindi sila nakatanggap ng ayuda mula sa Thai government.

Marami ring reklamo tungkol sa proseso ng aplikasyon at pagtanggap ng mga ayudang para sa mga bagong nawalan ng hanapbuhay. Sa Thailand, mahirap mag-apply para sa unemployment benefits at matagal bago matanggap ang ayuda. Ganito rin ang problema sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia kung saan mabagal kumilos ang mga gobyerno.

Samu’t Saring Problema sa Mass Unemployment

Para matanggap ang ayudang bigay ng gobyerno, kailangan ng beneficiaries ng bank account. Ayon sa report ng KPMG, isang accounting firm) 27% lamang ng Southeast Asians ang may aktibong bank account.

Ganun din, inaasahang palalalain pa ng mass unemployment ang debt problems sa ilang mga bansa. Halimbawa, noong isang taon, nasa 148.48% ang household debt to income ratio sa Thailand. Sa Cambodia, ang isang average microfinance loan ay nagkakahalaga ng $3,800, doble pa ito sa GDP per capita ng bansa. Nagkaroon na nga ng debate na nagiging legal na loan sharks ang microfinance industry.

Sa pagdami ng mga manggagawang walang hanapbuhay at pagbagsak ng mga ekonomiya, maraming mga tao ang nagtitipid at nag-iipon. Ibig sabihin, mas konti ang perang umiikot sa merkado. Wala masyadong business investments o household consumption na posibleng magpasigla ng economic activity at makagawa ng mga bagong trabaho.

RELATED: Overseas Filipino Workers: Apektado ng Covid-19

Ayon sa Nomura, isang analytics group sa Japan, mas mataas pa ang unemployment rates ng Singapore, Thailand, at Malaysia ngayon kumpara noong 1997-1998 Asian financial crisis. Inaasahang mas tataas pa ang opisyal na bilang kapag natapos na ang shutdown sa rehiyon.

Hindi naman inaasahan ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank ang  mabilis na recovery sa Southeast Asia. Ayon sa kanila, maraming bansa ang inasahang babalik sa dating lebel ang GDP sa 2022. Ibig sabihin, tatagal pa ang epekto ng mass unemployment nang maraming taon.

 

Source:

Hutt, D. (2020, May 29). Mass unemployment the new normal in SE Asia. Retrieved from Asia Times: Mass unemployment the new normal in SE Asia