MARK VILLAR: KAYA NG 5 MINUTES ANG CUBAO HANGGANG MAKATI

Bumida si DPWH Secretary Mark Villar. Pinatulan ang pabongga ni Duterte. Kaya raw makarating ng 5 minutes mula Cubao hanggang Makati. Paano?

Pabibo si DPWH Secretary Mark Villar

Matatandaang nangako si Duterte na magiging 5 minutes na lamang ang travel time mula Cubao hanggang Makati sa lalong madaling panahon.

Sinangayunan naman ito ni DPWH Secretary Mark Villar. Ayon sa kanya, ang ilang proyekto ay may direktang epekto sa EDSA samantalang ang iba naman ay di direkta ang epekto. Ngunit, inaasahan nila na ang mga sinasabi ni Duterte ay may mga matibay na plano.

Nang tinanong si Villar kung posible ang pangako ni Duterte, sinabi nyang, “Kaya.”

RELATED: KAILAN KAYA UNG PANGAKONG 5 MINUTES TRAVEL TIME MULA CUBAO HANGGANG MAKATI?

Sa isang ordinaryong araw, kailangan ang higit sa isang oras na byahe mula Cubao hanggang Makati kung ikaw ay dadaan sa EDSA.

Ngunit, sa isang interbyu sa telebisyon, sinabi ni Duterte na magiging 5 minuto na lamang ang travel time sa lalong madaling panahon.

Pero, wala namang partikular na proyekto sa EDSA ang inaasahang makakabawas sa daloy ng trapiko. Ayon kay Villar, maraming proyekto sa Metro Manila ang matatapos ngayong taon kay makakatulong ito para mabawasan ang dami ng sasakyan sa EDSA.

Mark Villar: 300,000 sasakyan ang kailangang alisin sa EDSA para di matrapik

Ayon kay Villar, para matupad ang ipinangako ni Duterte, kailangang tanggalin ang 300,000 sasakyan sa EDSA. Ito raw ay ayon sa kanilang komputasyon para maibalik sa dati na katanggap tanggap pa ang uri ng traffic experience.

Noong 2015, sinabi ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na 2.4B piso kada araw ang nawawala sa ekonomiya dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.

Noong Pebrero 2019, sinabi ni Duterte na wala na syang magagawa sa trapik sa EDSA. Ngunit, binawi nya ito noong Hunyo at sinasabing 5 minuto na lamang travel time mula Cubao hanggang Makati sa Disyembre.

Ayon kay Villar, maraming proyekto ang magiging alternatibong daan sa EDSA katulad ng mga sumusunod:

  • Metro Manila Skyway Project
  • NLEX-SLEX Connector Road Project
  • Iba’t ibang tulay

RELATED: KAHIT I-BAN PA ANG MGA PROVINCIAL BUSES, TRAPIK PA RIN SA EDSA!

Kapag natapos na diumano ang mga proyekto, magiging mas katanggap-tanggap na ang daloy ng trapiko.

Ayon kay VIllar, hindi isang pangarap lamang ang pagpapabuti ng daloy ng trapiko sa EDSA. Posible ang 5 minutes travel time dahil sa magiging 15 minuto na lamang ang travel time mula Balintawak hanggang Makati.

Highway Patrol Group: Posible ang 5 minutes travel time mula Cubao hanggang Makati

Matatandaang ayon kay PNP-HPG director Brig. Gen. Roberto Fajardo na humigit-kumulang 10 kilometro ang layo ng Cubao at Makati. Magiging istrikto sila sa pagpapatupad ng mga batas trapiko. Kung susunod ang mga Pilipino, posibleng matupad ang pangako ni Duterte.

Ganun din, ang pagsasarado ng mga bus terminals sa EDSA at ang pagkakaroon ng ekslusibong motorcycle lane ay makakatulong din para mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko dito.

Nakikipagtulungan ang HPG sa DOTr at MMDA sa paghahanap ng mga solusyon para matupad ang pangakong 5 minutes travel time ni Duterte.

Imposible ang 5 minutes travel time mula Cubao hanggang Makati

Ayon kay UP Planning and Development Research Foundation executive director Primitivo Cal, imposible ang sinasabing 5 minutes na travel time bago matapos ang 2019.

10 kilometro ang pagitan ng Cubao at Makati. Para makarating ng Makati mula Cubao, kailangang ang isang sasakyan ay tumakbo sa tulin na 120 kilometro kada oras.

Ayon kay Cal, imposible ang gantiong takbo dahil sa mayroong speed limit.

Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na isang sorpresa kung paano maisasakatuparan ng gobyerno ang pangakong 5 minutes travel time. Sorpresa dahil wala naman talagang plano kung paano gagawin un. Un lang un.

 

Sources:

Cabuenas, J. (2019, July 1). 300,000 vehicles need to be removed from EDSA to ease traffic – Villar. Retrieved from GMA News Online: 300,000 vehicles need to be removed from EDSA to ease traffic – Villar

CNN Philippines Staff. (2019, June 10). 5-minute Cubao-Makati travel time ‘physically impossible’ – expert. Retrieved from CNN Philippines: 5-minute Cubao-Makati travel time ‘physically impossible’ – expert

Esguerra, D. (2019, July 1). DPWH’s Villar: 5-minute travel time from Cubao to Makati ‘doable’. Retrieved from Inquirer: DPWH’s Villar: 5-minute travel time from Cubao to Makati ‘doable’

Ferreras, V. C. (2019, June 24). 5-minutes from Cubao to Makati? Possible, says HPG. Retrieved from Business World: 5-minutes from Cubao to Makati? Possible, says HPG