Manufacturing Output Patuloy ang Pagbaba

manufacturing output

Patuloy ang pagbagsak ng manufacturing output. Ano kaya ang ibig sabihin nito sa ekonomiya ng Pilipinas?

Extended ang pagbaba ng manufacturing output ng Pilipinas

Ayon sa preliminary results ng Philippine Statistics Authority, muling bumaba ang factory output noong Nobyembre base sa Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI). Mas lumiit ng 6.1% ang produksyon ng mga pabrika na sinusukat sa volume ng production index. Mas malaki ang ibinaba kumpara sa 4% na ibinaba noong Oktubre. Ganun din, binaligtad nito ang 1.9% na paglago ng manufacturing noong November 2018.

RELATED: Bakit may mga Agam-agam pa rin sa Kabila ng Pag-angat ng Manufacturing Sector?

Ang pagbaba noong Nobyembre ang syang pinakamababa simula noong August 2019 na bumaba ng 10.1%. Mula Enero hanggang Nobyembre, ang average factory output decline ay 7.6% kumpara sa 9.1% average growth sa kaparehong period noong 2018. Bumabagsak ang manufacturing output ng Pilipinas simula December 2018. Halos kapareho ang pagbagsak na nangyari noong November 2008 hanggang October 2009.

Ayon sa MISSI, bumaba ang walo sa 20 major industry groups noong Nobyembre:

  • Furniture and fixtures: -41.2%
  • Basic metals: -29.5%
  • Miscellaneous manufactures: – 22.1%
  • Petroleum products: -21.8%
  • Transport equipment: – 16.7%
  • Electrical machinery: – 13%

Samantala, nasa 84.5% naman ang average capacity utilization o ang paggamit ng industry resources sa paggawa ng mga produkto. 12 sa 20 sectors ang nagtala ng capacity utilization rates na higit sa 80%.

Pinakamabagal din ang purchasing activity sa manufacturing noong Nobyembre

Ayon naman sa Nikkei Philippines Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI), bumagsak ang purchasing activity sa 51.4 noong Nobyembre mula sa 52.1 noong Oktubre. Kapag mas mataas sa 50 ang index, ibig sabihin bumubuti ang estado ng pagbili ng mga raw materials ng mga pabrika. Ang resulta nito ay ang pagbuti rin manufacturing activity. Kapag naman bumaba pa sa 50 ang PMI, ibig sabihin ay bumabagsak ang manufacturing activity.

Bakit bumagsak ang manufacturing output ng Pilipinas?

Ayon kay UnionBank of the Philippines Chief Economist Ruben Carlo O. Asuncion, bumaba ang factory output dahil sa mga sumusunod:

  • Mabagal o mahina ang paggalaw ng global manufacturing
  • Walang katiyakan sa global trade dahil sa US-China trade war
  • Naantalang pagpasa ng national budget noong 2019

Nagsimula ang pagbaba ng mga manufacturing indices simula noong September 2016 at dahil ang Pilipinas ay nakikilahok sa global manufacturing and trading network, hindi rin naman ito nakaligtas kasama na rin ang ilang bansa sa Asia gaya ng China, Malaysia, Taiwan, at South Korea. Ngunit, posible ring namang maiahon ang manufacturing ngayong taon.

Tiyak na kasi ang “phase one” ng trade deal sa pagitan ng US at China na pipirmahan sa January 15. Susunod ang “phase two” na susuporta sa katiyakan sa pakikipagkalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. Kapag nangyari ito, posibleng makabawi ang manufacturing growth. Ngunit, dapat ring bantayan ang tensyong namamagitan sa US at Iran.

Kung mapapanatili ang lamig ng ulo ng mga namamahala, posibleng mabawasan ang tensyon sa dalawang bansa at mapabilis ang posibilidad na makarekober ang global manufacturing. Nangyayari na ito sa mga ekonomiya sa Europe at US. Lumalakas ang kanilang mga currency at maganda ang posibilidad ng pagbuti ng sitwasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni National Economic and Development Authority at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na kailangan ng isang innovation-driven industrial policy para mapalakas ang manufacturing sector ng bansa. Kailangang mahikayat ang mga industriya na gumamit ng efficient technologies at mag-innovate. Ito ay isang importanteng istratehiya para makapag-engganyo ng mas maraming mamumuhunan sa bansa.

Imprastraktura ang nagpapabagal ng paglago ng Philippine manufacturing

Ayon sa IHS Markit Ltd, isang think tank sa London, mga sirang daan at pantalan ang isa sa mga dahilan kung bakit di masyadong lumalago ang manufacturing sector ng Pilipinas. Ito rin ang dahilan kung bakit mababa ang manufacturing output ng bansa. Sa pinakahuling IHS Markit Philippine Manufacturing Purchasing Managers’ Index, nagtala ang bansa ng 51.7 noong Disyembre mula sa 51.4 noong November 2019. Gaya ng sa Nikkei, kapag mataas sa 50 ang PMI score, tumaas ang manufacturing activity.

Ayon sa IHS Markit report, ang pagtaas ng PMI score ng Pilipinas ay senyales ng bahagyang pagbuti ng manufacturing conditions sa bansa. Dumami kasi ang bagong orders sa mga Filipino manufacturers. Nagkaroon din ng bahagyang pagdami ng new work mula sa mga foreign client. Ngunit, mas mababa pa rin talaga ang production output at mas mataas lamang ito sa naitala noong September 2017.

Nagkakaroon kasi ng pagkaantala at paghihirap sa paghahanap ng mga raw material na syang nakaapekto sa produksyon. Importante kasi ang isyu ng trapiko sa supplier delivery times. Ganun din, ang mga bagyo at pagsisikip sa mga pantalan sa Manila ay nakadagdag din sa kalbaryo ng manufacturing industry. Kailangan pa ring palawakin ang mga kalsada at ayusin ang pagsisikip sa mga pantalan, lalong lalo na sa Manila.

Ayon kay IHS Markit economist David Owen, limitado pa rin ang factory output sa kasalukuyan at mananatili ito hangga’t di nasosolusyunan nang pang-matagalan ang mga isyu.

RELATED:Ano ang Ginagawa ng mga Factory Workers at Marcos Loyalists sa PDP-Laban Convention?

Isang taon nang pababa ang manufacturing output. Ibig sabihin, nagsa-suffer ang ating mga factory workers. Posibleng bawas ang kanilang oras ng trabaho; natanggal sila sa trabaho; o di kaya eh nagbawas ng benepisyo. Ano ang solusyon ng gobyerno para rito?

 

Sources:

Aruta, E. C. (2020, January 8). Factory output extends slump to 12th straight month in November. Retrieved from Business World: Factory output extends slump to 12th straight month in November

De Vera, B. O. (2020, January 2). London think tank says poor roads, port infra slowing PH manufacturing. Retrieved from The Philippine Inquirer: London think tank says poor roads, port infra slowing PH manufacturing