Manila: Mas Bumaba ang Ranking sa Quality of Life Survey sa Ilalim ng Rehimeng Duterte

Manila: Mas Bumaba ang Ranking sa Quality of Life Survey sa Ilalim ng Rehimeng Duterte

Gumaganda raw ang ekonomiya ng Pilipinas, sabi ng mga talakitok. Ngunit, bumaba ang Quality of Life sa Manila? Anyare?

Manila, ika-137 sa Quality of Life Survey ngayong 2018

Ayon sa pinakahuling survey ng Mercer, bumaba ng dalawang baitang ang pwesto ng Manila sa mga lungsod na may pinakamagandang kalidad ng buhay sa mundo. Ang Manila ay pang-137 sa mundo, kasama ang Colombo, ang kapital ng Sri Lanka.

Pero bilang consolation, ang Manila ay mas mataas ang ranking sa mga Southeast Asian cities gaya ng Jakarta, Ho Chi Minh, Hanoi, Ventiane, Phnom Penh, at Yangon. Mas mataas naman ang ranking ng Singapore sa pang-25 na pwesto.

World Ranking ng Manila sa Quality of Life Survey Noong 2016 at 2017

Noong 2016, pang-136 ang pwesto ng Manila sa Quality of Life Survey. Noong 2017, pang-135 naman ang pwesto ng Manila sa nasabing survey.

Ano ang Quality of Life Survey?

Ang Quality of Living rankings na pinapalabas ng Mercer taun-taon ay naglalayong suriin ang bawat lungsod sa buong mundo ayon sa mga nagbabagong kalagayanng political, economic, at environmental. Ang listahan ay pinapalabas sa media para maging reference lamang. Para sa 2018 Quality of Life Survey, ginamit ang mga datos mula September hanggang November 2017, ngunit ito ay nirerebisa palagi, lalo na kung may mga malakihang pagbabago.

Ang resulta ng Quality of Living survey ay ginagamit ng mga multinational companies, municipalities, at government agencies. Ang datos ay hindi pwedeng gamiting basehan sa tourism or foreign investments. In general, ang mga datos ay nakakatulong sa mga lungsod para mas pag-ibayuhin ang pagpapaunlad ng kalidad ng pamumuhay.

Ginagamit ng mga employers ang datos para sa pagdedesisyon kung saan i-deploy ang kanilang mga mobile employees. Ginagamit din ito para magdesisyon sila kung saan sila magbubukas ng panibagong negosyo.

Ung mga namumuno sa bawat syudad ay nagiging interesado sa report upang pag-aralan ang mga issues na kinakaharap ng lungsod nila para maitaas ang quality of living ng mga nakatira rito.

Ayon sa Mercer, ginagamit ang datos ng survey para mapunan nang maayos ang mga pangangailangan ng mga empleyado. Ayon kay Slagin Parakatil ng Mercer,

“How successful an international assignment is hinged on the personal and professional wellbeing of the individual expatriate and the welfare of their families.”

Gayun din, dagdag pa ni Parakatil, “Equally those organizations considering opening an office in a new location should make a short-, medium- and long-term assessment of the city’s infrastructure. Decision makers increasingly acknowledge that globalization is challenging cities to inform, innovate and compete to attract people and investments – the key to a city’s future.”

Paano Pinag-aaralan ng Mercer ang Living Conditions ng mga Siyudad sa Buong Mundo?

Mahigit kumulang 450 cities sa buong mundo ang kabilang sa taunang survey na ito ng Mercer. Ang bawat syudad ay pinag-aaralan base sa 39 factors sa 10 categories:

  • Political and social environment
  • Economic environment
  • Socio-cultural environment
  • Medical and health considerations
  • Schools and education
  • Public services and transportation
  • Recreation
  • Consumer goods
  • Housing
  • Natural environment

May mga nabasa akong mga ‘turds na nagdiriwang sa pagbagsak ng ranking ng “Imperial Manila”. For sure, di na naman nila naintindihan kung para saan ang survey.

Teka, nasaan sa survey ang Davao City?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *