Nababahala ang mga Business Leaders sa Malaking Pagbagsak ng Competitiveness Ranking ng Pilipinas

Nababahala ang mga Business Leaders sa Malaking Pagbagsak ng Competitiveness Ranking ng Pilipinas

Maski naman hindi business leader, dapat mabahala. TBG lang naman ang di nababahala talaga.

Wake-up Call ang Masyadong Magbaba ng ranking ng Pilipinas sa World Competitiveness

Ayon sa Presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na si Alegria Sibal-Limjoco, ang pagbaba ng competitive ranking ng Pilipinas mula 41st to 50th place ay isang wake-up call para sa gobyerno at negosyo.

Ayon naman sa Private Sector Co-Chairperson ng National Competitiveness Council na si Guillermo Luz, kailangang bigyan ng pansin ng gobyerno ang competitiveness ranking ng Pilipinas. Ayon sa kanya, ito raw ay snapshot kung paano nagpe-perform ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asia Pacific.

Ayon kay Luz, “We compete for FDIs, trade, tourists, branding. It is a competition, we need to look at what other countries are doing.”

Dagdag pa nya, “In the ASEAN region, competition never sleeps. Respondents of these surveys look how we keep up with competition, how government implements regulation, and the measurability in terms of impact in the economy.”

Saan Nagkamali ang Pilipinas?

Kahit na ang GDP ng Pilipinas noong 2017 ay panglima sa pinakamataas sa Asia Pacific, ang economic performance ng Pilipinas ay bumaba sa ika 50th place mula 26th place.

Ayon sa report, hindi maganda ang performance ng Pilipinas dahil sa current account deficit at foreign direct investments. Ganun din, masyadong mababa ang halaga ng piso kontra US dollar. Masyado ring mabilis ang pagtaas ng inflation rate.

Ayon sa Executive Director ng Rizalino Navarro Policy Center for Competitiveness ng Asian Institute of Management na si Jamil Francisco, bigo ang Pilipinas pagdating sa employment figures.

Sabi ni Francisco, “The economy is resilient. But if you look at the employment of the regular [Filipino], this is where you see the problem because many have come in and out of unemployment.”

Noong 2017, pang-apat ang Pilipinas sa employment survey ng World Competitiveness Yearbook. Ngunit ngayong 2018, ang Pilipinas ay pang-32 na lamang. Dahil daw ito sa bahagyang pagtaas ng unemployment at bahagyang pagbaba ng bilang ng mga may hanapbuhay kumpara sa ibang mga bansang kasama sa survey.

Ganun din, nagdusa ag Pilipinas sa pagbagsak ng business efficiency, mula 28th place to 38th place. Ayon sa report, ang pagbaba ng business efficience ay dulot ng pagbaba ng ibang sub-factors gaya ng labor, finance, management practices, at attitudes and values.

Sa usapin ng overall productivity sa labor, agriculture, industry, at services malapit na sa kulelat ang Pilipinas, mula 59th place to 62nd place. Sa usapin naman ng government efficiency, bumagsak ang ranking mula 37th place to 44th place. Ang pagbagsak ay dulot ng pagbaba ng ranking sa public finance, institutional framework, business legislation, at societal framework.

Ang imprastraktura ng Pilipinas ay nalaglag mula sa pang-54 na pwesto hanggang pang-60th na pwesto. Ayon sa report, ang infrastructure ay hindi lamang ung pisikal, kundi kelangang bigyan ng pansin din ang basic, education, at scientific infrastructure.

Ayon sa report, “Good infrastructure promotes competitiveness by connecting markets and production sites, improving the flow of information and technology, and reducing the costs of production.”

Nakakapagtakang panglima tayo sa may pinakamataas na GDP sa Asia Pacific pero bagsak naman tayo sa competitiveness ranking. Proof na di lamang dapat dumepende ang Pilipinas sa pagpapalago ng Gross Domestic Product.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *