MAHAL NA PRESYO NG PAGKAIN AT PETROLYO NAGPATAAS NG INFLATION NOONG MAYO

Pumalo sa 3.2% ang inflation noong Mayo dahil sa mataas na halaga ng pagkain at petrolyo.

Inflation noong Mayo Mas Mataas kesa sa Inaasahan

Matapos ang anim na buwan ng sunod sunod na pagbaba ng inflation rate, tumaas ito sa 3.2% noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Mas mataas ito sa 3% na naitala noong Abril, ngunit mas mababa sa 4.6% na naitala noong May 2018.

Ngunit, ang 3.2% inflation rate ay nasa pagitan pa rin ng 2.8% – 3.6% na estimate ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa Mayo. Mas mataas pa rin ito sa 3% average estimate ng 11 ekonomista.

Para sa 2019, nasa 3.6% naman anag average inflation rate na mas mataas sa 2.9% average forecast ng BSP para sa taong pangkasalukuyan.

Samantala, nagtala naman ng 3.5% core inflation rate noong Mayo na mas mataas din sa 3.4% na naitala noong Abril.

Bakit Tumaas ang Inflation Rate kesa sa Inaasahan?

Ayon sa PSA, mas tumaas ang halaga ng pagkain at inuming walang alcohol. Naitala ito sa 3.4% noong Mayo kumpara sa 3% noong Abril. Tumaas din ang renta sa bahay, tubig, kuryente, gas at ibang fuel sa 3.3% mula sa 3.2%.

Ngunit, di naman masyadong tumaas ang halaga ng mga sumusunod:

Commodities

May 2019

April 2019

Alcoholic beverages and tobacco

9.5%

9.9%

Transport

3.5%

3.8%

Restaurant and miscellaneous goods and services

3.3%

3.5%

Ayon sa National Economic and Development Authority, nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng inflation dahil sa El NiƱo.

Pagtaas ng Presyo ng Pagkain

Naobserbahan ang pagtaas ng presyo ng mga sumusunod:

Commodities

May 2019

April 2019

Corn

-2.8%

-3%

Other cereals, flour, cereal preparation, bread, pasta, and other bakery products

3.7%

3.6%

Fish

4.2%

3.3%

Fruits

4.6%

2.4%

Vegetables

12.5%

7.6%

Other food products

6.8%

5.3%

Bumaba naman ang presyo ng bigas mula sa 0% noong Abril sa -0.7% noong Mayo.

RELATED: Di Kayang Solusyonan ng Rice Tariffication ang Problema sa Inflation

Inaasahan namang bababa ang halaga ng fuel ngayong Hunyo dahil sa bumaba rin naman ang halaga nito sa world market.

BSP Di Nababahala sa Pagtaas ng Presyo ng Bilihin

Hindi naman nababahala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtaas ng inflation rate noong Mayo. Nasa range pa rin naman ng estimates ang inflation rate noong isang buwan. May panganib lamang kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

RELATED: Mataas na Presyo, Di Nagbagong Sahod Kahit na Mababa ang Inflation

Mga Pananaw Hinggil sa Inflation

Ayon kay Pernia ng NEDA, ang mga sumusunod ang panganib sa inflation:

  • African Swine Fever
  • pagtaas ng presyo ng bigas sa international market
  • pabago-bagong presyo ng fuel sa world market

Samantala, ayon naman kay Diokno ng BSP, inaasahan nila na papalo lamang sa 2% ang inflation rate sa 3rd quarter ng 2019. Ganun din, nasa 3% lamang ang inaasahan nilang inflation sa kabuuan ng 2019 at maging sa 2020.

Para naman kay HSBC Global Research Economist Noelan C. Arbis, ang inflation rate ay inaasahang mas mababa pa sa 3% sa 2nd half ng taon.

Mabuti na maganda ang mga pananaw ng mga eksperto tungkol sa inflation. Harinawa, di na maulit pa ang bangungot na naranasan ng bawat Pilipino noong 2018.

Source:

Ramos, M. M., & Ignacio, R. N. (2019, June 6). Price hikes bigger than expected in May. Retrieved from Business World: Price hikes bigger than expected in May