Magtitiis na Naman ang Philippine Rice Farmers

philippine rice farmers

Wala na  namang choice ang ating Philippine rice farmers kundi magtiis.

Department of Agriculture bigong tulungan ang Philippine rice farmers

Hindi maganda ang naging karanasan ng 2.5M magsasaka ng bigas sa desisyon ng Department of Agriculture (DA) na wag itaas ang rice tariff. Noong September 24, sinabi ni DA Secretary William Dar na magkakaroon ng pagtaas sa rice tariff nang naaayon sa Rice Tariffication Law.

RELATED: Intercropping at Di Drop Rice Farming

Noong Agosto 13, nagsumite ng official request ang Alyansa Agrikultura (AA) ng official request para awtomatikong ipatupad ang agricultural special safeguard sa loob ng limang araw dahil un naman ang sinasabi ng batas. Tumaas sa 2.3M tonelada na ang naangkat na bigas sa pagtatapos ng Hulyo. Mas marami ito ng tatlong beses kumpara sa kaparehong period noong 2018.

Ngunit, di naman kumilos ang DA dahil kailangan pa nilang maghintay ng 90 days para sa World Trade Organization (WTO) review. Ngunit, tinutulan naman ito ng isang prominenteng senador. Humiling naman muli ang AA na magpatupad ng isang general safeguard dahil sa napatunayan namang tumaas ang imported rice at nakamit na ang dalawang requirements.

Unang una, napatunayan namang nakapinsala ang pagdagsa ng imported rice. 21% na ang ibinaba ng presyo ng farm gate price ng palay kumpara noong isang taon. Bumaba ang average income ng isang magsasaka mula 29,100 piso sa 10,500 piso kada ektarya. 80% ng mga magsasaka ang nagbebenta ng wet palay dahil wala silang kapasidad na patuyuin ito kaya malaking pera rin naman ang nawala sa kanila. Pangalawa, napatunayan din namang ang pinsala sa mga magsasaka ay dulot ng pagdagsa ng imported rice.

Nagsumite rin naman ng karagdagang datos ang Federation of Free Farmers (FFF), ngunit  nagpasimula lamang ang preliminary investigation ng DA noong September 11. Lumobo sa 2.5M tonelada ang imported rice. In fairness, gusto naman talagang makatulong ni DA Secretary Dar.

Ngunit noong October 10, naglathala ang DA na tinatapos na nila ang preliminary investigation. Wala namang paliwanag ang ahensya ng pamahalaan hinggil sa kanilang negatibong desisyon. Isusumite ng DA ang kanilang findings sa meeting nito sa Cabinet economic cluster secretaries sa October 24. Bago ang meeting na ito, kailangang ilahad ng ahensya ang kanilang mga nadiskubre. Kailangang maging bukas sila sa diskusyon para magkaroon ng mas mabuting pagkaintindi sa problema. Kailangang magkaroon ng desisyon base sa tamang datos at impormasyon.

Desperadong magsasaka kailangang magtiis na lang

Wala namang masyadong options ang Philippine rice farmers kaya magpapatuloy silang magtanim ng palay kahit na mababa ang presyo, konti ang kagamitan, at konti rin ang ani. Ngunit, inaasahan din namang mas kokonti ang papasok na imported rice sa Pilipinas hanggang 2020 dahil sa masyadong marami na ang pumasok sa bansa.

Base sa pinakahuling ulat ng USDA – Foreign Agricultural Service (USDA-FAS), inaasahang babawasan ng Pilipinas ang pag-angkat ng bigas ng 23% sa susunod na taon. Mula sa 3.1M tonelada ng bigas ngayong taon, inaasahang 2.4M tonelada na lamang ang aangkatin sa isang taon.

Inaasahang magpapatuloy na magtanim ng palay ang mga maliliit na magsasaka at aabot sa 12M tonelada ang milled production at 19M tonelada ang palay production. Kahit na kumonti ang sinasakang lupa, tataas ng 2% ang rice production dahil sa maganda ang panahon at bababa ang inaangkat na bigas.

Sinang-ayunan naman ni FFF national manager Raul Montemayor ang ulat. Ayon sa kanya, nagsisimula nang magplano ang mga magsasaka. Babawasan ang lupang sinasaka at magtitipid sa paggamit ng mga kagamitan sa pagsasaka dahil sa patuloy ang pagbagsak ng presyo ng palay.

Napakadali sa gobyerno na sabihing iba na lamang ang itanim ng Philippine rice farmers, ngunit walang kapasidad ang mga maliliit na magsasaka para rito. Marami sa kanila ang di alam ang gagawin. Ung iba ay walang kapital. Ganun din, marami sa kanila ang di alam kung saan ibebenta ang ani maliban sa palay.

Wala namang choice ang mga magsasaka kundi patuloy na magtanim. Hindi natin alam kung hanggang kailan mabubuhay ang mga maliliit na magsasaka, pero yan naman ang plano ng batas. Survival of the fittest.

RELATED: Epektibo ba ang Rice Liberalization Law?

Matagal naman talaga para maisakatuparan ang pagpapalit ng produktong agrikultura. Kailangan ng behavioral change. Sa ngayon, kailangang pag-ibayuhin ng gobyerno ang paghahanap ng solusyon para mabalanse ang subsidies at ang pagkakaroon ng katanggap-tanggap  na presyo ng palay.

Nakakalungkot lang na palaging ang nagtitiis ay ang mga maliliit at nakikinabang ang malalaki. Ano yan, sanayan lang? Sanay nang maging kawawa ang Philippine rice farmers?

Sources:

Ocampo, K. R. (2019, October 18). Desperate, farmers make do with what little they have. Retrieved from Inquirer: Desperate, farmers make do with what little they have

Ordonez, E. M. (2019, October 18). Unpleasant shock for farmers. Retrieved from Inquirer:Unpleasant shock for farmers