Magtanim ay Di Biro… sa Papua New Guinea!

Magtanim ay Di Biro… sa Papua New Guinea!

Parang totoo yung plano na magpadala ng Filipino farmers sa PNG para magsaka?! Juskelerd.

Duterte at Prime Minister ng Papua New Guinea Nag-eyeball!

Bumisita si PNG Prime Minister Peter O’Neill sa Malacañang para paigtingin ang kooperasyon ng Pilipinas at PNG sa agrikultura.

Pinirmahan ng dalawang lider ang Joint Declaration of Agricultural Cooperation na ang pokus ay tungkol sa rice production.

Ayon kay Duterte,

“We have asked our relevant officials to negotiate and conclude at the soonest possible time an agreement that will bring our bilateral agriculture cooperation to the modern era, one that will truly be transformative and a hallmark of genuine partnership.”

Matatandaang sinabi ni DA Secretary Emmanuel Piñol na kinukonsidera nya ang pagpapadala ng mga magsasakang Pilipino sa Papua New Guinea para magtanim ng palay at ipadala ang sobrang ani sa Pilipinas. Maraming nagalit na militanteng grupo ng magsasaka sa ganitong plano.

Ayon naman kay O’Neill, “I appreciate the communiqué that we have signed today between our two ministers to advance again the agriculture relationship between our two countries, particularly in the production of the rice fields in our country where we need to ensure that there’s food security for both Papua New Guinea and the Philippines.”

Ang Joint Declaration ay hudyat ng commitment ng Pilipinas at Papua New Guinea para palawakin at palakasin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng agrikultura at agro-industries.

Hmm… kelan mag-iimpake ang mga magsasaka natin para magtungo sa PNG?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *