Kaway Kaway sa mga OFWs. Anyare sa Remittance Nyo?

Kaway Kaway sa mga OFWs. Anyare sa Remittance Nyo?

Medyo mahina yata ang padala nyo sa mga pamilya nyo ah.

OFW Remittance Bumagsak ng 9.8% Noong Marso Kumpara Noong Marso 2017

Bumagsak ang OFW remittances noong Marso. Ito na ang pinakamababang halaga simula noong April 2003. Ang dahilan ng pagbagsak ng remittances ay ang pagpapauwi ng mga OFWs mula sa mga Middle East countries, pati na rin ang konting banking days noong Marso.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga OFW remittances na pinapadaan sa mga bangko ay nagkakahalaga ng US$2.36B noong March 2018. Ito ay mababa ng 9.8% kumpara noong Marso 2017.

Ito na ang pangalawang pinakamababang OFW remittances. Matatandaang bumagsak ang OFW remittances noong April 2003 ng 10.9%.

Ayon kay BSP Officer-in-Charge Diwa Guinigundo, “The continued repatriation of [Filipino] workers from the Middle East countries could have affected the inflows of cash remittances.” Ganun din, mas konti ang banking days noong Marso dahil sa Holy Week.

Ayon pa kay Guinigundo, ang US, Qatar, UAE at Saudi Arabia ang mga bansang pinakamababa ang naipadalang cash remittances noong Marso.

Temporary Lamang ang Pagbagsak ng OFW Remittances

Ayon kay Union Bank of the Philippines chief economist Ruben Carlo Asuncion, hindi permanente ang patuloy na pagbaba ng OFW remittance. Inaasahan nyang tataas ito sa 2nd quarter.

Ayon kay Asuncion, “The Kuwait debacle’s impact may be minimal at this point because its part in the remittances pie is only about 2.7 percent in 2017. Thus, I see the 4.0 percent growth target for this year intact.”

WB: Hindi Masyadong Maaapektuhan ang OFW Remittances Dahil sa OFW Ban sa Kuwait

Noong huling linggo ng Abril, sinabi ng World Bank na ang deployment ban ng OFWs sa Kuwait ay di masyadong makakaapekto sa remittances sa bansa.

Ayon sa kanilang Migration and Development Brief, ang Pilipinas ang pangatlong pinakamalaking nakatanggap ng remittances noong 2017 na nagkakahalaga ng US$33B. Ang India ang nakuha ng unang pwesto na may halagang US$69B at ang China naman ang pangalawa na nagkakahalaga ng US$64B.

Para sa World Bank, masyadong maliit ang exposure ng Pilipinas sa Kuwait kaya ang deployment ban ay hindi masyadong makakaapekto sa remittances.

Abangers tayo mga, beshie! Temporary lang naman daw. Nagtiis muna ng gutom ang mga OFW families.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *